15

440 28 3
                                        

Napansin niya siguro kung saan ako nakatingin kaya umayos na siya at nilapag na sa cart ang hawak na chichirya.

“Tapos na ba rito? Sa mga prutas naman tayo,” aniya at mabilis na tinalikuran ako at naglakad.

“Saan mo nakuha ’yung sugat mo sa tagiliran?” tanong ko na. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung napa’no ’yon.

“Wala lang ’yon, katangahan ko lang,” natatawang aniya pa.

Hindi ako kumbinsido, hindi siya gano’n katanga para magkaroon ng sugat na gano’n kalaki. At hindi rin ako tanga para paniwalaan na wala lang ’yon.

“Ang laki nung sugat mo, Au. Saan mo nakuha ’yon?” muling tanong ko. Nagulat pa yata siya sa pagtawag ko sa kaniya gamit ang nakasanayan kong tawag noon. Ilang taon niya ring hindi narinig mula sa akin ’yon, e.

“Natamaan ng vase na basag,” sagot niya. Nagulat naman ako.

“Bakit? I mean, paanong natamaan?” hindi ko na maintindihan kung ano ba ang dapat kong itatanong.

“Hindi ko napansin ’yung vase kaya nasagi ko,” sagot niya, iwas ang tingin sa akin. “Tara na anong oras na,” aniya at hinatak na ako papunta sa mga prutas.

Iwas siya sa usapang ’yon. Bakit parang may iba akong pakiramdam dito? Bakit parang hindi dahil sa katangahan niya kaya siya may gano’n?

“Okay na ’yan, umuwi na tayo after nito,” sambit ko at tinulak na ang cart sa counter. Walang masyadong pila kaya mabilis kaming natapos.

“Gabi na tayo matatapos magbake niyan,” aniya habang nakatingin sa relo na suot.

“Bakit ang dami mong galos?” tumaas na ang tonong tanong ko sa kaniya.

Napansin ko rin na may maliliit siyang galos sa braso nang i-angat niya ’yon dahil tiningnan ang oras sa relong suot niya. Saan niya ba nakukuha ang mga galos at sugat niya?

“Nakikipag-away ka ba?” muling tanong ko nang hindi siya sumagot.

“No, hindi ko lang siguro napapansin na kung saan-saan nakakawit ang katawan ko,” sagot niya.

Mabilis siyang naglakad. Siya ang may hawak nung mga pinamili namin. Hindi na siya kumibo pa hanggang sa makasakay kami sa kotse.

“Austin, hindi ako pinanganak kahapon. Sabihin mo sa akin kung saan talaga nanggaling ’yang mga sugat mo.”

Wala na akong pakielam kahit na naririnig kami ni Manong Driver. Wala na rin akong pakielam kahit na sobrang lakas na ng boses ko. Naiinis ako, nagagalit ako dahil sa nakikita kong mga sugat niya.

“Wala lang ’yan, Margaux. Huwag mo na lang pansinin,” blankong aniya.

Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at iniwas ang tingin sa kaniya. Inis na inis ako sa hindi malamang dahilan.

Nang makarating sa bahay ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Hanggang sa magbake na kami ay hindi pa rin siya kumikibo. Kakausapin lang ako kapag may kailangan siyang itanong or sabihin, after no’n ay tatahimik na ulit kami.

“Maliligo lang ako, rito ka ba magdidinner?” tanong ko sa kaniya.

“Yes, after dinner na lang ako uuwi. And by the way, pwede ba akong makahingi ng cookies?” alanganin niya pang sabi.

Mabilis akong tumango. “Oo naman, ipaghahanda kita mamaya pagtapos kong maligo,” sagot ko sa kaniya.

“Thanks. Magugustuhan ni Aureen ’yan,” natutuwang aniya. Napatitig naman ako sa kaniya. I can feel his happiness. Sobrang swerte ni Aureen na may kuya siyang ganito sa totoo lang.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now