Ang lakas ng trip ni Austin dahil naglakad kami hanggang sa makarating kami sa grocery. Yawang lalaking ’to, ang init init tuloy. Pawisin pa naman ako dahil mataba ako.
“Ang dugyot na natin!” asar na sabi ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob.
“Hindi naman,” aniya at nilibot pa ang tingin sa paligid.
“Nakajacket ka pa, ang init-init, Au. Alisin mo nga ’yan!” sita ko sa kaniya dahil kanina pa siya nakajacket simula nung umalis kami.
“Ayoko, nakasando lang ako,” katwiran niya pa.
Kunot noo ko naman siyang tiningnan. Nakakalabas nga siyang nakasando lang, minsan sleeveless shirt. Anong problema niya ngayon at ayaw niyang magtanggal ng jacket? Ako ang naiinitan sa lagay niyang ’yan.
“Bahala ka nga!” nasabi ko na lang at naglakad na ako papunta sa mga chips. Ito lang naman ang dinayo namin dito ni Austin. Mga midnight snacks namin sa kwarto ko.
“Malalaki na kunin mo para maraming laman,” aniya at inabot ang mga malalaking chichirya saka nilagay sa cart na tulak naming dalawa.
“Tortillos din, Au. Patata pa,” sabi ko sa kaniya. Ako ang taga turo at siya ang taga kuha no’n kasi mas abot niya.
Bumili rin kami ng mga chocolates at drinks namin. Mukhang mapupuno na naman ang ref namin dahil sa chocolates and drinks na bibilhin namin ni Austin.
“Fries tayo? Ako magluluto,” aniya habang hawak na ang fries na kinuha niya.
“Sige, dagdagan na rin natin ng man tou, masarap ’to!” excited kong sabi habang hawak ko naman ang korean food.
“Baka naman hindi ko magustuhan ’yan,” salubong ang kilay niyang sabi habang nakatingin sa hawak ko.
“Para lang ’tong tinapay na ipiprito lang din at isasawsaw sa condense milk, masarap ’to kaya i-try natin.”
Nilagay ko na sa cart ang man tou at namili pa ako ng mga pwede naming pagkain gabi-gabi. Cheese sticks, hotdog, fishball and kikiam.
“Mukbang tayo mamaya?” aniya. Excited kaming pareho sa naisip niya. “Ano pang kulang?” tanong niya habang nakatingin sa mga pinamili namin.
“Noodles or pancit canton? Mas masarap magmukbang kapag may noodles, parang sa mga korean gano’n,” sabi ko naman.
Pumunta na kami sa mga noodles. Mas okay raw ang noodles para may sabaw kaya iyon ang pinili namin. ’Yung maanghang pa nga ang pinili niya since parehas naman naming hilig ang maanghang. Marami naman kaming similarities kaya mas lalo kaming nagkasundo.
“Okay na?” tanong niya nang maglakad-lakad na kami.
“Okay na ’yan,” sagot ko naman.
Pumila na kami sa counter. Hindi naman sobrang dami ng tao kaya konti lang ang pila. Habang nakapila ay may ibang mga babaeng nakatingin kay Austin pero hindi naman pinapansin ni Austin ’yon.
Gwapo at payat na matangkad si Austin. Hindi na talaga ako magtataka na maraming nagkakagusto sa kaniya. Suot pa niya ngayon ang jacket niya na pang baskeball team nila. May apelyido niya sa likod ’yon at may number 1, his birthday.
“Daming chix na nakatingin sa ’yo,” hindi ko na napigilang sabihin kay Austin. Sinalubong naman niya ako ng masamang tingin. Hindi ko naman inaano.
“I don’t care,” masungit niyang sabi. Mukhang narinig ng ibang babae kaya parang kinilig pa sila. Mukhang mas gusto nila ang masungit, a. Psh.
Nang kami na ang magbabayad ay si Austin na ang nag-ayos ng mga binili namin para ma-punch na, nakatingin lang ako habang ginagawa niya ’yon. Kaya na raw niya kaya hindi niya na ako pinatulong pa.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...