EPILOGUE

878 33 3
                                        

“AUSTIN DEVAUX!!!”

Habol ko ang hininga ko habang nakahawak sa tiyan ko. Manganganak na yata ako.

“Bakit? Anong nangyari?” tarantang tanong niya sa akin. Nakahawak lang din siya sa tiyan ko at nakatingin lang sa akin.

“Kingina ka! Manganganak na ako. Dalhin mo ako sa Ospital!” sigaw ko sa kaniya.

“Manganganak ka na? Dadalhin kita sa Ospital?” tanong niya pa. Nahampas ko siya sa braso dahil sa kalutangan niya.

“Bilisan mo, Austin! Baka lumabas na ang baby natin dahil sa bagal mo!” gigil kong sabi sa kaniya.

Agad niya akong binuhat at mabilis na pumunta kami sa kotse. Humihilab na talaga ang tiyan ko. Sobrang sakit na at ramdam kong lalabas na nga ang baby namin. Mabilis na pinaandar ni Austin ang kotse. Puro paghinga ng malalim ang ginagawa ko para mapakalma ang sarili ko.

Nang magpropose ulit siya sa akin months ago ay sinabi ko na rin sa kaniya na buntis ako. Akala ko matutuwa siya nung nalaman niya, ang loko hinimatay pa nga. Nakakahiya siya. Ang daming tao that time tapos bigla siyang nahimatay nung sinabi kong buntis ako.

After two months ay kinasal na rin kami dahil ayaw kong maabutan na malaki ang tiyan ko sa kasal namin. Mga close friends and family lang ang inimbita namin dahil hindi naman bongga ang kasal. Naging chef na rin si Austin, ako ang naghandle ng company nila habang si Daddy pa rin naman ang naghandle sa company namin. Binabalak na naming pag-isahin na lang para hindi na kami mahirapan, payag naman si Tita Mommy sa plano namin kaya inaayos ko na rin ang dapat ayusin. Tumigil lang ako sa paghahandle pansamantala nung kabuwanan ko na.

“Iri, Mommy!” sabi ng doctor sa akin na sinunod ko naman. Binigay ko ang buong lakas ko sa pag-iri. Ganito pala kahirap manganak.

Iri lang ako nang iri. Pawis na pawis na ako at nahihirapan na pero hindi pa rin ako tumitigil kapag sinasabing dapat umiri. Nanghihina na ako pero kailangan kong labanan. Isang iri pa nga ay lumabas na ang baby namin ni Austin. Sobrang nanghihina ako kaya hindi ko na rin napigilan na mawalan ng malay.

“Ang cute!” rinig ko ang boses ni Blythe.

“Her hand is so small,” sabi naman ni Zil. Anak ni Johann.

“Of course, she’s new born that’s why her hands are small,” rinig kong sabi ni Mirei.

Dinilat ko na ang mga mata ko. Nag-adjust pa ang mga ito dahil sa liwanag. Medyo sumasakit pa ang ulo at katawan ko pero pinilit ko pa ring makaayos.

“Gising na si Mommy Margaux!” malakas na sabi ni Johann.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Gusto kong magmura dahil sa rami ng tao rito ngayon. Kumpleto na naman sila. Bakit nandito silang lahat? Pinayagan sila ng Doctor?

“Hello, Mommy Marga!” Nakangiting sabi ni Austin sa akin habang buhat niya ang baby namin.

Agad nanggilid ang luha ko sa tagpong ’yon. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko siyang hawak ang baby namin. Sobrang sarap sa pakiramdam. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko nang ilapag ni Austin sa akin ang baby namin. My gosh! Hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. Sobrang sarap sa pakiramdam.

“Congratulations, Mommy Margaux and Daddy Austin!” sabay-sabay nilang sabi.

Natawa ako at nagpunas ng luha. Natutulog ang baby namin kahit sobrang ingay ng paligid. Hinaplos ko ang makinis at maliit niyang pisngi. Napakaganda niya. Kamukha siya ni Austin.

“Anong name niya?” tanong ni Snop sa akin. Lahat sila ay nakalapit na sa amin.

“Austeana Maryll,” sagot ko naman. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatitig ako sa anak ko. Ang sarap namang banggitin...anak ko.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now