Nagpunta muna ako sa mall para bumili ng mga regalo sa mga pamangkin ko. Ilan ’yung mga ’yon? Mamumulubi ako sa mga batang ’yon kapag laging may regalo galing sa akin.
Anak ni Snop na si Shan at Hazel. Oo dalawa na anak nila. Si Minky at Reid na may isang anak pero nasa kanila na rin si Mirei kaya dalawa na rin ang anak nila. Si Zild and Johann ay hindi pa sinusundan si Zil, si Blythe and Jatyr naman ay wala pang anak dahil model nga si Blythe. Hihintayin ko pa bang madagdagan ang mga pamangkin ko? Maghihirap talaga ako.
“Card or cash, Ma’am?” tanong ng cashier sa akin nang magbabayad na ako. Ang dami ko na namang bibitbitin.
“Card,” sagot ko naman. Inabot ko ang card ko sa kaniya. Nang maswipe niya na ay agad din naman niyang binalik sa akin.
“Thank you, Ma’am!” Inabot niya sa akin ang mga pinamili ko. Dalawang paper bag ’yon na puro regalo sa mga bata.
Wala naman na akong ibang bibilhin kaya nagpasya na akong umuwi para makapagbihis na. Biglaan daw ang reunion at kila Zild gaganapin ’yon. Mabuti na lang at wala akong masyadong gagawin ngayon kaya hindi abala sa magiging reunion daw namin.
Palagi naman kaming nagkikita-kita pero iba pa rin talaga kapag kumpleto kami. Ngayon na lang nga ulit kami makukumpleto dahil busy ang iba sa amin. Tulad ko, pupunta na naman akong ibang bansa dahil sa project ko.
“Ate Ganda!” salubong ni Aureen sa akin pagkauwi ko. Nagulat naman ako dahil nandito siya.
“What are you doing here? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya. Binaba ko ang mga dala ko at niyakap siya. Dalaga na rin siya, e.
“I’m visiting you, Ate. Did you miss me?” todo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinisil ko ang pisngi niya.
“Of course, nagulat naman ako at biglaan ang naging pagbisita mo. Sinong kasama mo?” tanong ko ulit sa kaniya.
“I’m with Kuya and Ate Patricia, nasa kusina sila kausap sila Tita,” sagot niya naman.
Agad nawala ang ngiti ko nang marinig ko ’yon. So totoo ngang may girlfriend na siya? Akala ko ay sinabi niya lang ’yon para asarin ako. Hmm.
“Magbibihis pa ako, may lakad ako ngayon. Magtatagal ba kayo?” tanong ko kay Aureen na ngayon ay nakatutok na sa phone niya.
“Maiiwan ako rito, ang sabi ni Kuya ay may reunion daw kayo, isasama niya yata si Ate Pat.”
Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Bakit niya isasama? Para sa aming magkakaibigan lang ang reunion na ’yon, bakit niya isasama ang girlfriend niya? Tsk!
“Okay. Magbibihis muna ako para diretso alis na ako later,” paalam ko kay Aureen. Binitbit ko na ulit ang mga dala ko at dumiretso na ako sa kwarto ko.
Agad akong nagpakawala ng isang malalim na hininga at naupo ako sa kama ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. Ilang taon na ang lumipas, akala ko nakalimot na ako.
“Aalis ka na?” tanong ni Mommy sa akin pagpasok ko sa kusina. Naabutan ko silang tatlo ro’n at nag-uusap.
“Yes, doon na lang ako kakain.” Humalik na ako sa pisngi niya at hindi na nag-abala pang tingnan ang dalawang nandito ngayon.
“Sabay ka na sa amin, Marga. Pupunta rin naman kami ro’n,” rinig ko pang sabi ni Austin sa akin.
Is he dumb? Anong akala niya sa akin walang nararamdaman? Ipapasabay niya ako sa kanila, baliw ba siya?
“Gonna use my car,” simpleng sambit ko at agad na silang tinalikuran. Naabutan ko pa si Aureen na nanonood sa sala. “If you’re hungry go to the kitchen, I have stocks there, just ask Mommy.”

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...