12

450 27 7
                                        

“Tama nga ako,” nakangising bungad ko kay Johann pagkarating niya. Inirapan naman niya ako at pumunta agad sa pwesto niya.

Narinig na namin kanina ang mga tilian ng mga studyante, e. May narinig na rin akong mga papuri sa lima kaya tama ang kutob kong nandito sila.

“Baka kulang pa? Sa ’yo na lang ’tong para sa ’kin,” sabi ko na may pang-asar pa ring ngisi sa kaniya. Grabe naman kasi ang uhaw niya, naubos niya ang isang bottled water.

“Okay na, mag momogu-mogu na lang ako mamaya,” sabi niya naman. Nahiya pa yata. Pfft.

“Magkaklase pala kayo ni Marga,” sabi ni Austin sa kaniya kaya binalingan niya na ang mga ito.

“Hindi, namamalik-mata ka lang,” sabi ko naman sa inis na paraan. Naiirita talaga ako kapag nakikita ko si Austin. Hindi ko inakalang nagkacrush ako sa kaniya noon. Iwww!

“Yes, nakikita mo naman diba?” sagot ni Johann sa kaniya. Pfft. Ganiyan ang tamang sagot. Barahin dapat si Devaux.

“Ganito ba mga studyante ng Glamorous? Ang susungit,” sabi naman ni Jatyr.

“Buti pwede ’yang tattoo mo sa kamay,” sita ni Johann sa kaniya.

Napatingin naman kami sa tattoo ni Jatyr. Ang ibang kaklase namin ay lumapit pa sa pwesto namin. Ang tsismosa talaga ng mga ’to. Mga papansin sa limang nandito ngayon.

“Nandiyan na ’yan bago pa ako magsimulang mag-aral bilang high school, wala na silang magagawa r’yan,” sabi naman niya.

“Anong ginagawa ninyo rito?” tanong ko na.

Kaniya-kaniyang hatak naman ng upuan ang mga lalaking ’to at umupo paharap sa amin. Kinagwapo ba nila ang pag-upo ng gano’n? Nakaharap sa amin ang sandalan ng upuan nila.

“Binibisita ka namin,” sagot ni Jatyr. Nangunot naman ang noo ko.

“Tigil-tigilan mo ako, Jatyr. Imposible ’yang sinasabi mo,” maarteng sagot ko sa kaniya.

“Totoo nga, binibisita ka ni Austin,” sabi naman ni Reid. Isa pa ’to. Kutusan ko kaya sila?

“Asa kang bibisitahin ko ’yan,” busangot na sabi ni Austin.

Wow! Kaya pala kanina sabi niya pupunta siya sa amin para tumambay, magdadala pa nga raw ng streetfoods.

“Ayoko ngang makita pagmumukha niyan,” banat ko naman. Totoong ayokong makita si Austin, nauumay ako sa mukha niya.

“Lalo naman ako,” hirit din ni Austin. Wow talaga. Sarap niyang kutusan.

“Para kayong mga bata,” sabi naman ni Zild.

“Baby naman nila ang isa’t-isa,” sabi naman ni Rix. Mga kinginang ’to. Ito na ngang sinasabi ko, e. Inaasar nila kami sa isa’t-isa.

“Baby-tayin ko si Austin,” sabi ko naman.

“Baby ko si Kulot inaalis niyang aking lungkot,” pagkanta naman ni Austin kaya natawa ang mga kaibigan niya.

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Napagtitiyagaan ko ’tong lalaking ’to? Araw-araw ba namang nasa amin ’to kaya umay na umay na ako.

“Mga aso’t-pusa. Kapag nagkatuluyan kayo tatawa pa kami,” sabi ni Reid.

“Tatawa rin ako kapag nakahanap ka ng katapat mo,” banas kong sabi sa kaniya.

“Malabo pa sa mata mo ’yan, Margaux!” natatawang aniya. Sarap niyang kutusan.

“Enjoy lang, Reid. Tatawanan kita kapag nasaktan ka,” sabi ko pa.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now