33

396 23 2
                                        

Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Si Austin na dadalhin sa presinto o ang kapatid at Mommy niya na sa Ospital ang tungo. Hindi ko na alam.

“Sundan mo si Austin, kami na ang bahala sa Mommy at kapatid niya,” bilin ni Daddy sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at nagmadali na akong umuwi sa bahay para kunin ang kotse ko. Nanggigilid na rin ang mga luha ko dahil sa iba’t-ibang emosyon.

Pagkarating ko ro’n ay agad hinanap ng mata ko si Austin. Kausap siya ng mga pulis pero nakayuko lang siya. Hindi pa nalilinis ang mga kamay niya.

“Pinatay mo ba si Mr. Devaux?” rinig kong tanong sa kaniya.

Oh My Gosh! Patay na si Tito? P-pinatay ni Austin ang Daddy niya?

“Kanina pa siya hindi sumasagot. Wala tayong makuhang  sagot mula sa kaniya kaya mas mabuting ang mga saksi na lang ang tanungin natin,” sambit ng isa pang pulis.

“No need,” mahina at walang mababakas na emosyong sabi ni Austin. Nagkatinginan ang mga pulis. Nanatili naman akong nakatayo at nakatingin lang sa kaniya. “I killed him. Pwede na ninyo akong ikulong.”

Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya. Nang i-angat niya ang paningin niya sa akin ay hindi man lang nagbago ang emosyon niya.

“What have you done, Austin?!” hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Pinagsusuntok ko pa siya sa balikat pero wala pa rin siyang reaksyon.

“Calm down, Miss. Ano po ba kayo ni Mr. Austin?” tanong ng pulis sa akin.

“I’m his fiancé,” mabilis kong sagot. Muli kong binalingan si Austin. “Bakit umabot sa ganito? Anong nangyari?” tanong ko sa kaniya.

Pinakakalma ko ang sarili ko, ayokong mas saktan pa si Austin kahit na parang wala naman din sa kaniya ang ginagawa kong panununtok.

“You heard it, right? Pinatay ko ang Daddy ko. Pinatay ko siya kaya makukulong ako,” binalingan niya ang mga pulis. “Ano pang hinihintay ninyo? Ikulong na ninyo ako.”

He admitted it. Pinatay niya nga talaga si Tito. Hindi ako makapaniwala. Parang hindi siya si Austin. My Gosh!

“Linisan muna ninyo at bihisan bago ipasok sa loob,” utos ng medyo matandang pulis. Agad namang sumunod ang mga pulis pang nakaalalay kay Austin.

Naghintay muna ako saglit habang wala pa siya. Kinakalma ko ang isip ko pero mas lalo lang dumarami ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Nanginginig na rin ako ngayon. Ang mga kamay ni Austin na puro dugo ang paulit-ulit pumapasok sa isip ko.

“Ma’am, hindi pa po oras ng bisita ngayon,” sita sa akin ng isang pulis na kararating lang.

“Hindi ako bumisita. Kararating lang ng fiancé ko rito at kakausapin ko pa siya bago ako umalis.” Walang nagawa ang pulis sa sinabi ko.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Austin pero nanatili pa ring nakaposas ang mga kamay. Blanko lang ang mukha maging ang mata niya. Mabilis akong lumapit.

“Ikaw na bahala kay Mommy and Aureen,” bungad niya sa akin. “I-cancel mo na rin ang kasal natin,” dagdag niya pa.

Parang may kumurot sa puso ko. “I will.” Nagulat yata siya sa naging sagot ko.

“Yeah, cancel it. Hindi na matutuloy ’yon dahil makukulong naman ako.” He laughed without humor.

“Hindi ko rin kayang magpakasal sa mamamatay tao.”

Napatitig siya akin nang banggitin ko ’yon. Totoo ang sinabi ko. Hindi ko kayang makasama ang taong pumatay sa mismong ama niya. Hindi gano’n ang Austin na kilala ko.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now