31

378 22 1
                                        

“Congratulations!”

Sabay pa kaming napalingon sa bahay dahil sa sigaw ng mga kasama namin. Lahat sila ay nakangiti sa aming dalawa. Pumapalakpak pa ang iba.

“We’re so happy for the both of you!” mangiyak-ngiyak pang sabi ni Minky at lumapit sa akin para yakapin ako.

“Thank  you, sis!” natutuwang sabi ko rin. Ka-vibes ko ’to sobra. Parehas kaming maarte.

“Iba rin talaga gagalaw si Austin, e!” pang-aasar pa ni Jatyr kay Austin. Natatawa namang napapailing si Austin nang lingunin ko siya.

Nauwi na naman sa asaran ang mga ito. Nag-aya namang pumasok si Austin sa bahay kaya naman doon na kami nagstay at doon na rin sila nagkagulo. Ang iingay nila.

“Congratulations, anak!” bati ni Mommy sa akin. Niyakap ko siya pagkalapit ko. “Ang tanda na talaga ng baby girl namin. Magpapakasal na sa susunod,” mangiyak-ngiyak pa niyang sabi.

“Thank you, Mommy!” nakangiting tugon ko sa kaniya. Gusto ko siyang biruin na bibigyan ko na lang siya ng bagong baby girl kaso baka bigla akong sapukin nito.

Gusto kong libutin ang buong bahay ni Austin kaya naman nagpaalam ako kay Mommy. May gagawin din kasi siya kaya iniwan ko na siya sa kusina. Naabutan ko naman ang ibang kaibigan namin sa sala at kung anu-ano ang ginagawa. Ang iingay pa nila. Hinanap ng mata ko si Austin pero wala siya kaya naman tinuloy ko na lang ang paglibot sa bahay. Inuna ko sa itaas para tuluy-tuloy na lang mamaya kapag nasa baba na ako.

Ang ganda talaga nitong bahay. Simple lang pero ang ganda ng ambiance. May tatlong kwarto rito sa taas. Inuna ko ang kwartong nakatapat dito sa hagdanan. Ang dalawang kwarto ay nakapwesto sa gilid, may kailangan pang likuan ng kaunti para makapunta ro’n. Malalaki ang pagitan ng mga kwarto kaya sure akong maluwang din sa loob nito.

“Ito siguro magiging kwarto niya,” nasabi ko na lang sa sarili ko pagpasok ko ro’n.

Kulay gray and black ang motif nitong room. Halatang pang lalaki talaga. May walk-in closet pa nga. May stante na medyo mataas sa akin at may maliliit na collections ng bola. Confirmed, kay Austin ngang room ’to.

Nilibot ko pa ang tingin ko sa paligid at napadako naman ’yon sa side table niya kung saan may frame at picture naming dalawa. Parang may humaplos naman sa puso ko dahil do’n.

“How’s my room?”

Agad akong napalingon sa gawing pintuan nang marinig ko ang boses niya. Nakangiti siya sa akin at lumapit. Mabilis na pinulupot ang braso sa bewang ko papunta sa tiyan ko.

“Hindi naman halatang mahilig ka sa bola,” sarcastic kong sabi sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko.

Sinubsob niya naman ang mukha niya sa balikat ko. Inaamoy pa niya ako. Doon pa talaga sa parteng nakalaylay ang manggas ng damit ko kaya exposed na exposed sa kaniya ang balikat ko.

“Libangan ko lang naman ’yan, hindi pa nga nadadagdagan kasi hindi na rin ako napupunta sa mall. You know naman na busy ako,” aniya.

Kinalas ko ang yakap niya sa akin para mapaharap ako sa kaniya. Ikinawit ko ang braso ko sa batok niya habang siya naman ay muling ipinulupot ang braso sa bewang ko.

“Gusto mong bilhan kita? Kahit anong klaseng bola ba ng basketball? Kunyari keychain gano’n?” tanong ko sa kaniya.

“Yes, huwag lang bola ng jackstone ibigay mo sa akin,” natatawang sambit niya.

Napanguso naman ako. “Kasasabi ko lang na bola ng basketball, e. Hindi kita bibigyan ng bola ng jackstone. Baliw ka!” gigil kong sabi sa kaniya.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon