After ng event ay agad na ngang nag-aya si Austin na umuwi. Natatae na raw kasi siya sa rami ng nakain namin. Akala ko nagbibiro lang siya pero totoo pala, diretso nga agad siya sa cr ng hotel na tinutuluyan ko rito sa Paris. Tawa ako nang tawa habang wala siya. Magagalit ’yon kapag pinagtawanan ko siya.
“Ang baho!” reklamo ko sa kaniya.
Agad kong tinakpan ang ilong ko at nagpaspas pa ako sa harapan ko. Mabilis na lumapit si Austin sa akin na salubong na naman ang kilay.
“Arte nito! Hindi naman mabaho, naghand sanitizer ako, amuyin mo pa,” sabi niya at tinapat pa sa akin ang kamay niyang may mabahong amoy.
Mabilis akong napatayo sa kama at pumunta sa cr para magsuka. Suka ako nang suka dahil naaamoy ko rin dito ang ginamit niya. Ang baho talaga.
“Hoy! Anong nangyari sa ’yo? Nasobrahan ka rin sa kain? Sana itinae mo na lang,” sabi niya pa habang hinihimas ang likod ko.
“Mag-alcohol ka ng kamay mo. Pati itong cr spray-an mo ng alcohol. Bilisan mo!” utos ko sa kaniya.
Sa taranta niya ay agad nga siyang sumunod. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng sanitizer. Wala akong sanitizer dito dahil nga ayaw ko sa amoy. Alcohol ang gamit ko.
“Ano bang nangyari sa ’yo?” tanong niya at muling binalikan ako para himas-himasin ulit ang likod ko.
Nang makaramdam ako ng ginhawa ay nagmumog na ako at finlash ang nasa bowl. Binalingan ko si Austin na nag-aalala at nagtatakang nakatingin sa akin.
“Ang baho ng sanitizer mo!” malakas kong sabi sa kaniya. Binangga ko pa siya sa balikat nang malagpasan ko siya.
“Ha? Paborito mo nga ang amoy ng sanitizer ko kaya nga hindi ko na iniba, kahit ubos lagi ang stock naghahanap pa rin ako sa iba para lang hindi ka manibago noon,” saad niya pa.
Sumunod siya sa akin at tumabi rin sa kama. Nakacrossed arms lang ako at salubong ang kilay. Gutom na naman ako dahil nailabas ko rin ang mga kinain ko kanina. Kasalanan ni Austin ’to.
“Noon ’yon, nababahuan na ako ngayon,” mataray kong sabi sa kaniya.
“Ang OA mo naman, nagsuka ka dahil lang sa amoy ng sanitizer?” kunot noong tanong niya pa.
Hindi ako kumibo tungkol sa sinabi niya sa halip ay iniba ko na lang ang usapan. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya na buntis ako. Hindi pa ito ang tamang oras, siguro ay pag-uwi na lang namin.
“Nagutom ulit ako, may pagkain sa kusina, kain tayo?” pag-aaya ko sa kaniya.
Agad siyang naglahad ng kamay sa akin. “Arat na!” nakangising sabi niya pa.
Natawa naman ako at nilapag ko rin ang kamay ko sa kaniya. Hatak niya ako papuntang kusina. May buwaya yata sa tiyan si Austin. Gutom na naman din, e.
Nagpasya kaming mag ice cream na lang dahil iyon din naman ang natripan ng bibig ko. Isang medyo malaking ice cream ang nabili ko nung nakaraan, konti pa lang ang bawas pero mukhang mauubos namin ni Austin.
“Kailan ka uuwi sa Pinas?” tanong niya habang sumusubo ng ice cream. Siya na rin ang nagsusubo sa akin.
“Next day ang flight ko,” sagot ko naman at ngumanga na ako para masubuan niya.
“Sabay ka na sa akin,” aniya at sinubuan na naman ako. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Papalitan ko pinambayad mo sa flight mo,” dagdag niya pa nang mapansin ang itsura ko.
“Kailan ka ba uuwi?” tanong ko. Baka mamaya niyan isang linggo pa pala bago siya umuwi. Iiwanan ko siya rito.
“Saturday pa. Mamasyal muna tayo rito, sayang naman ang stay natin,” nakangusong sabi niya pa.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...