11

459 30 2
                                        

“I don’t know what to say. Ngayon lang kasi may kumaibigan sa akin bukod kay Austin,” mahinang sabi ko sa kaniya.

“Oo nga pala, kumusta na kayo ni Austin?” tanong niya. Paliko na kami ngayon at aakyat na sa hagdan dahil sa second floor ang room namin.

“Hindi ko pa siya nakakausap, e. Palagi talaga kaming nag-aaway sa tuwing magsasalita ang isa sa amin,” sagot ko naman.

“Normal lang ’yan, magiging okay rin kayo niyan, tiwala lang,” nakangiting aniya.

Hindi na ako kumibo. Ayokong magbitaw ng salitang walang kasiguraduhan. Ayoko ring paasahin ang sarili ko.

Years later . . .

Grade 10 na kami. Hindi ako makapaniwala, ang bilis ng panahon. Magkaibigan pa rin kami ni Blythe at nadagdagan pa kami ng isa dahil kay Johann. Sobrang saya ko talaga dahil sa kanila. Silang dalawa na ang tinuring kong kapatid ko. Hindi rin nagtagal ay may nakilala pa kaming dalawang kaibigan, si Snop at Minky. Sobrang saya talaga. Hindi ko na sila pakakawalan, bahala sila.

“Nakabili ka , Johann?” tanong ko kay Johann pagkarating na pagkarating niya.

Ilang taon na rin simula nung magdiet ako at na-achieve ko 'yung katawan na gusto ko. Simula no’n ay kahit anong kainin ko ay hindi na ako muling tumaba ng sobra kaya naman sa tagal naming magkaibigan nitong mga ’to ay nakaugalian na naming magdala ng mga junk foods dito, patago naming kinakain. Nauumay na kasi ako sa mga pagkain sa cafeteria, e.

“Yes. Nahirapan pa akong abutin ’yung Pic A buti na lang may tumulong sa akin,” sagot niya naman at pinakita pa sa amin ang binili niya.

Biglang nagningning ang mata ko. Sabik talaga ako sa junk foods, e.

“Lalaki ba? Gwapo? Ano itsura?” tanong ko naman.

“Oo lalaki, hindi ko naman napansin masyado itsura niya pero matangkad siya,” sagot niya ulit.

“Dapat tiningnan mo!” medyo iritang sabi ko naman kaya inirapan niya ako.

“Pag-aaksayahan ko pa ba ng oras ’yon?” kunot noong tanong niya.

Wala nga palang hilig maghanap ng gwapo ’to. Boring ng life niya kapag gano’n. Pfft.

Pumasok na kami sa room at dahil wala pa namang teacher ay chill muna kami. Nagphone at syempre kumain ng chichirya.

“May kilala kayong Zild Marquez?” tanong bigla ni Johann.

“Bakit? Anong meron?” tanong ko naman.

May kilaka akong Zild Marquez. Kaibigan ni Austin ’yon, sikat pa naman silang lima. Simula nung sa Gomez University nag-aral si Austin at naging Captain sa basketball ay sumikat na naman siya. Kahit saan yata siya mapunta ay sikat siya.

Hindi pa rin kami okay. I mean, wala na akong tampo sa kaniya dahil puro inis na lang ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, palagi niya rin kasi akong binabara, gano’n pa rin kami, sa tuwing magsasalita ang isa sa amin ay mauuwi talaga sa away.

“Nagfriend request sa akin, e.” Pinakita  naman ni Johann sa amin ang phone niya.

Oo nga ano? Weird naman ni Zild, hindi naman siya ganito, kilala ko silang lima, alam ko ang mga ugali nila dahil nakasama ko na sila noon pa man dahil nga kaibigan sila ni Austin. Kahit naman hindi matino ang lagay namin ni Austin ay kaibigan pa rin namin ang isa’t-isa. Hindi nga lang sobrang close tulad noong bata pa kami.

“Oh? Kaibigan ni Austin ’yan, isa ’yan sa pinakasikat sa lima. Hindi mo kilala?” takang tanong ni Blythe.

“Hindi ako familiar sa mga pangalan nila pero medyo familiar naman ako sa itsura nung iba tho nalilito pa rin ako,” sagot niya naman.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now