09

489 30 7
                                        

Nakalipat na kami. Masasabi kong mas gusto ko ang bahay namin na ’to kaysa sa luma. Maliit lang ’to kumpara ro’n, isang floor lang din pero maaliwalas naman. Tatlo lang naman kasi kami at hindi na namin kailangan ng malaking bahay. Mas okay sa akin ang ganito lang.

“Okay lang ba ang ayos ng kwarto mo? Pwede naman nating papalitan kung gusto mo,” sabi ni Daddy.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko. Malinis at nakasalansan lahat ng gamit sa maayos na paraan. Maluwag din at pasok sa tipo kong kwarto.

“Okay na ako rito, Dad. Huwag na baguhin,” sagot ko naman.

“Magpahinga ka na muna, aasikasuhin lang namin ng Mommy mo ang ibang gamit natin,” aniya at mabilis na ngang umalis.

Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. May naiisip akong gawin sa kama ko pero saka na lang siguro kapag nakapag-ayos na ako at kapag okay na rin ang buong bahay. May mga inaayos pa kasi sa gawing kusina.

Nakahiga lang ako ngayon habang nagf’facebook. Wala naman akong ibang gagawin, wala ako sa mood manood o magbasa.

Blythe Blaiked: Hi!

Nangunot ang noo ko sa nagchat. Tiningnan ko pa ang profile picture niya, babae siya. I also stalk her para sure, ang cute naman niya.

Margaux Villegas: Hello.

Ngayon lang may nagchat sa akin at babae pa. As in first time na may kumausap sa akin sa chat bukod kay Austin noon.

Blythe Blaiked: Taga-Glamorous University ako, ikaw?

Glamorous? Doon din yata ako mag-aaral. Ang alam ko ay all girls school ’yon.

Margaux Villegas: Kalilipat lang namin, siguro ay sa Glamorous din ako mag-aaral.

Blythe Blaiked: Seryoso? Anong grade mo? Omg! Baka magkita tayo ro’n. Sana nga magkita tayo ro’n.

She’s cute. Parang ang hyper niya pa kahit sa chats lang.

Margaux Villegas: Grade 7 pa lang ako. How about you?

Blythe Blaiked: Grade 7 din ako. Omg! Sana magkaklase tayo!

Nagtuluy-tuloy ang chats naming dalawa ni Blythe. Ewan ko pero ngayon lang din ako natuwa na may kumausap sa akin. Hindi ako sanay na may ibang kumakausap sa akin dahil feeling ko ay pinaplastic lang nila ako pero iba ’tong nafefeel ko kay Blythe. Parang ang genuine kasi ng mga chats niya sa akin. Parang totoong gusto niya akong makilala pa lalo.

Austin Devaux: Marga.

Halos takasan naman ako ng hininga ko nang magpopped-up ang chat ni Austin sa akin. Hindi ko akalaing ichachat niya ako dahil matagal na rin namang nakaopen ang facebook account ko pero hindi naman niya ako minessage noon.

Nanginginig ang kamay kong nagtype ng reply sa kaniya.

Margaux Villegas: Oh?

Nahihirapan din akong huminga at lumunok dahil sa kaba. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Si Austin lang naman ’to. Bakit ba ganito magreact ang katawan ko sa simpleng chat niya.

Austin Devaux: Balita ko narito ka na rin sa Manila. Baka pwede tayong magkita.

Magkita? Teka, bakit? Para saan?

Margaux Villegas: Hindi ko alam, Austin. Busy ako.

Hindi ko lang talaga alam kung paano ko siya patutunguhan ngayon. Ilang buwan na rin simula nung lumipat sila. Hindi rin maayos ang huling pag-uusap namin. I mean, tampo pa rin ako sa kaniya.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now