47

390 26 1
                                        

Sinamahan nga nila ako sa OB-Gyne namin ni Mommy. Tinext ko na si Mommy kanina na si Johann at Blythe na ang kasama ko. Sakto naman daw na biglang may pinagawa si Daddy sa kaniya, mabuti na rin daw at may kasama ako nung natyempo na may gawain siya.

“Malalaman na ba agad kung anong gender?” tanong ni Blythe habang naghihintay kami kay Dra.

“Tongeks! Syempre hindi pa,” sagot naman ni Johann sa kaniya. Nakanguso naman si Blythe habang nakatingin sa tiyan ko. Cute.

“Madadagdagan na naman ang inaanak ko, gastos na naman,” sabi ni Blythe at napabuntong hininga pa.

“Mag-anak ka na rin para anak mo naman ang gastusan namin,” sabi ko naman sa kaniya. Napatingin siya sa akin at tipid na ngumiti.

Mukhang may nasabi akong hindi dapat base sa reaksyon niya. Magsasalita pa sana ako pero dumating na si Dra. at inutusan na agad akong mahiga.

“Pasensya na at natagalan ako,” sabi pa niya sa akin na nginitian ko na lang. “Hindi ko inakalang darating ang araw na ’to, Maggie. Akala ko ay tatanda ka na talagang dalaga,” birong sabi niya pa kaya sabay na kaming natawa.

“Doctora, anong mga bawal sa kaniya?” tanong ni Blythe na agad sinaway ni Johann.

“Huwag ka munang magulo. Mamaya sasabihin ni Dra. ’yon kapag natapos na matingnan ang tummy ni Margaux,” sabi ni Johann na may halong diin pa. Parang nagpapaintindi.

Muli namang ngumuso si Blythe at tumingin na lang sa screen kung saan makikita ang black and white na nasa aparato. Ang baby ko.

“Healthy ang baby mo. Mahigpit ang kapit pero dapat pa ring mag-ingat. Ayan siya, ’yung gumagalaw na maliit na ’yan,” sabi ni Dra. at tinuturo niya ang baby ko mula sa screen.

“Ganiyan pala ang itsura no’n...” rinig kong sabi ni Blythe kaya napatingin ako sa kaniya.

I can feel something, the way she looks at the screen. Parang may humahaplos sa puso ko. I know she miscarriage her baby. Sobrang hirap no’n para sa kaniya. Naaawa ako at the same time is proud ako kasi nakakaya niya pa rin despite of that.

“Okay na, Maggie. Hintayin na lang ninyo muna ako ro’n,” sabi ni Dra.

Sumunod naman kami sa utos niya. Sabay-sabay kaming pumunta sa sofa at naghintay nga kay Dra.

“Kagaya ng sabi ko kanina, kailangan mo pa ring mag-ingat sa pagbubuntis mo. Iwasan mo ang stress at pagod, lalo na ang pagpupuyat. Mas mainam kung maaga kang nagigising sa umaga para makapagpaaraw ka, mabuti sa mga buntis ang gano’n,” panimulang sabi na ni Dra. nang makapwesto na siya sa upuan niya.

“Hindi naman ako nagpupuyat, Dra. In fact ang antukin ko na nga nung mga nakaraang linggo,” sagot ko naman.

Tumangu-tango siya sa akin habang may sinusulat. Hindi ko sure kung ano ’yon.

“Mas mainam ngang matulog ka sa tamang oras, kumain ng masustansyang pagkain, pwede ka namang magtanong sa Mommy mo para may guide ka,” dagdag na sabi pa ni Dra.

“Exercise, Dra. Pwedeng-pwede ’yon ’di ba? Kasi kapag naglilihi ang mga buntis, kain nang kain. Para maiwasang tumaba, mag exercise rin dapat,” sabi naman ni Johann. Naranasan niya na kasing mabuntis noon kaya alam niya na mga dapat gawin.

“Yes, isa rin sa kailangan gawin ang pag-exercise. Maintain ang healthy lifestyle,” sang-ayon ni Dra. “May mga vitamins akong sinulat dito, may tinda nito sa botika na madaraan lang ninyo sa labas nitong clinic ko. Bumili ka na dahil kailangan mo ’yan,” sabi niya pa at inabot sa akin ang papel na sinulatan niya kanina.

“Thank you, Dra.” sabi ko na tinanguan niya lang naman.

Nagpasya na kaming umalis matapos naming pag-usapan lahat ng dapat pag-usapan. Nakaangkala sa magkabilang gilid ko ang dalawa. Tatawid pa kasi kami dahil nasa kabilang parte ang botika na sinasabi ni Dra. Baka raw kung mapaano ako kaya iginitna na nila ako. Protective Bessies.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now