Lumapit ako agad sa kaniya at pumwesto sa likuran niya para yakapin siya at tingnan ang ginagawa niya. Pupungas-pungas pa ako dahil kagigising ko lang.
“Ang haba ng tulog mo, babe. Huwag ka na magpuyat mamaya, a. Malapit na matapos ’tong ibang paper works mo,” sabi niya sa akin.
Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pinakatitigan ko ang ginagawa niya at nakita kong puro pala gawain ko iyon. Siya na ang gumawa no’n.
“Ako na gagawa niyan, isasabay ko sa pag-aayos ng gown ni Patricia,” sabi ko naman sa kaniya.
“Patapos naman na ’to, saka para na rin makabawas sa ginagawa mo,” sabi naman niya at bumaling pa sa akin para halikan ako sa pisngi.
“Kulit mo,” nasabi ko na lang. Bahagya niya naman akong tinawanan.
“After nito uwi na tayo kasi anong oras na rin, ang tagal talaga ng tulog mo. Baka mamaya niyan magpuyat ka pa?” hindi niya na ako binalingan.
Umiling naman ako kaya tumatama ang mukha ko sa kaniya. Ang kinis niya naman, mas makinis pa yata siya sa akin.
“Hindi naman ako nagpupuyat. Kapag antok na ako tinitigil ko naman ang ginagawa ko,” nakangusong sabi ko naman.
Patuloy siya sa ginagawa niya habang ako naman ay nandito pa rin sa likuran niya at nakayakap lang sa kaniya.
We never talk about our relationship. Gusto ko siyang tanungin kung ano na ba ang lagay ng relasyon namin pero pinangugunahan ako ng takot, kaba at hiya. Hindi ko alam kung paano ko ba i-oopen sa kaniya ang topic na ʼyon.
“Uwi na tayo,” pag-aaya niya na sa akin.
Kumalas na ako sa kaniya. Nag-aayos na siya ngayon ng mga gamit ko. Nanonood lang ako sa kaniya habang ginagawa niya ’yon.
I wonder if he didn’t fall with other girls. I mean, may tiwala naman ako sa nararamdaman niya pero hindi naman siguro malabong nakaramdam siya sa ibang babae ng pagmamahal? Si Patricia kaya? Siguro naman madalas silang magkasama noon to the point na nagpanggap pa silang may relasyon. What if nahulog na pala ang loob niya kay Patricia? What if bumalik lang siya sa akin dahil wala na siyang choice, ikakasal na si Patricia.
“Okay ka lang ba, babe?” tanong niya sa akin kaya napabalik ako sa huwisyo ko. Salubong na naman ang kilay niya sa akin.
“Yes, why?” takang tanong ko naman sa kaniya.
Tapos na pala siyang mag-ayos. Nakasukbit na rin sa kaniya ang bag ko at mukhang ready na ring umalis. Masyado akong napatulala kanina dahil sa pag-iisip ko.
“Tara na, baka gutom ka na kaya ka ganiyan,” sabi niya at hinawakan ako sa bewang.
Tahimik lang kami habang naglalakad paalis ng office. Kahit sa biyahe ay tahimik lang din ako at hindi siya kinakausap. Wala akong gana makipag-usap, ang daming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung saan kukuhanin ang sagot.
“Good evening, Tita!” masiglang bati ni Austin kay Mommy nang makauwi na kami.
“Good evening, Austin. Kumain na ba kayo?” tanong agad ni Mommy at binalingan pa ako. Umiling naman ako sa kaniya.
“Nagpahanda na ako ng hapunan, dito ka na kumain, Austin.” Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Nanatiling nakaalalay sa akin si Austin.
Wala pa si Daddy, inaasikaso niya pa ang ibang trabaho niya. Mamaya pa siguro ang dating niya kaya mauuna na kaming magdinner. At isa pa, hindi ko alam kung bakit dito kami pumunta kila Mommy. Dapat ay sa condo ko kami pupunta dahil doon niya ako ihahatid.
“Kakausapin ko si Tita kaya nandito tayo ngayon,” sabi niya sa akin. Mukhang napansin niya mula sa ekspresyon ng mukha ko.
Tumango na lang ako at naupo na. Hinahanda na nila Manang ang pagkain namin. Bahagya naman akong ngumiti sa kanila nang magtama ang paningin namin.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...