39

394 22 4
                                        

Umiling si Austin kay Minky. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata lang nila.  Nagkakaintindihan sila gamit lang ang tingin.

“Anong meron?” takang tanong ko sa kanila. Nagsalit-salit pa ang tingin ko sa kanila.

Nabalot kami ng katahimikan dahil doon. Walang nagtangkang sumagot sa tanong ko. Nakakaramdam na ako ng inis dahil sa nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako.

Tumayo ako kaya napatingin sila sa akin. Muli kong tiningnan sila isa-isa pero iwas ang paningin nila sa akin. Tsk!

“Uuwi na ako. Maggagrab na lang ako,” blankong sabi ko at sinukbit na ang bag ko.

“No, ihahatid na kita. Let’s go,” aya ni Austin sa akin at naramdaman ko pa ang pagkapit niya sa bewang ko.

“Ingat kayo,” bilin pa sa amin ni Snop.

Lumapit siya sa akin para halikan ako sa pisngi. Hindi ako kumibo. Naiinis ako sa inaasta nila at sigurado naman akong ramdam nila ’yon.

“See you again,” rinig ko pang sabi ni Minky. Hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya no’n.

Nagsimula na kaming umalis ni Austin. Wala akong kibo at gano’n din naman siya. Kahit habang nasa biyahe ay wala akong naririnig mula sa kaniya.

“Pakisabi kay Patricia na sisimulan ko na ang gown, gonna contact her para sa mga kailangan kong details,” pagbasag ko na sa katahimikan.

“Okay,” tanging sagot niya naman.

Muli na naman kaming nabalot ng katahimikan dahil wala na rin akong masabi pa sa kaniya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagscroll sa facebook ko.

Johannah Nicole: Yes?

Ngayon lang nagreply si Johann. Kanina pa ako nagchat sa kaniya nung paalis pa lang kami ni Austin kila Minky.

Margaux Villegas: May alam ka bang hindi ko alam?

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. I even asked Blythe pero wala pa siyang reply. Sobrang busy ng babaeng ’yon.

Johannah Nicole: huh? Marami akong alam na hindi mo alam, ano bang tinutukoy mo?

Napatampal na lang ako sa noo ko. Oo nga naman, marami siyang alam na hindi ko alam. Potek namang tanong ’yon, Margaux.

Margaux Villegas: Sa nangyari noon sa amin ni Austin. Sa nangyari noong wala ako. Kayo ang mga nandito at nakakaalam sa lagay ni Austin noon.

Mas madalas pa akong nasa ibang bansa noon kaysa rito sa sarili kong bansa. Sobrang dami kong projects kaya minsan ay isa o dalawang beses lang akong nakakauwi kada taon. Ngayon lang yata ako tumagal dito.

Johannah Nicole: Bukas na lang tayo mag-usap. Pupunta kami ni Blythe sa office mo bukas.

Nagreply pa rin ako sa kaniya pero wala na akong natanggap na sagot dahil offline na siya. Mukhang busy rin ang isang ’to. Kami na lang ni Blythe ang walang anak.

“Thanks,” simpleng sabi ko kay Austin nang makarating kami sa labas ng building kung nasaan ang condo ko.

Nakatitig lang siya sa akin. Hindi pa ako nakabababa ng kotse niya dahil nakalock pa ’yon. Naghihintay pa akong buksan niya.

“Nakalock pa ang kotse,” muling sabi ko dahil hindi niya yata napansing nakalock pa rin iyon.

“Ihahatid na kita hanggang sa condo mo. Ipa-park ko lang ’tong kotse,” sabi niya naman at iniwas na ang tingin sa akin para muling paandarin ang kotse.

Hindi na ako umimik. Gusto ko rin siyang tanungin tungkol sa mga sinasabi kanina nila Snop. Gusto kong marinig mismo mula kay Austin ang mga sagot doon.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now