Naabutan ko si Mommy sa sala nang bumaba ako. Taka pa siyang tumingin sa akin.
“Kukuha akong drinks, Mommy.” Tinuro ko pa ang kusina at tipid na ngumiti.
“Austin is there?” tanong niya. Tumango lang ako.
Matagal ng alam nila Mommy at Daddy na pumupunta si Austin sa kwarto ko gabi-gabi. Magkaibigan kami ni Austin at alam din nilang si Austin lang ang kaibigan ko kaya hindi naman na sila naninita kapag nandito si Austin.
Wala naman kaming ibang ginagawa bukod sa nag-aasaran at kumakain siya ng mga pagkain ko.
“May ginawa akong shake for you, alam ko ring pupunta siya kaya dinagdagan ko na,” sabi ni Mommy na sinundan pa nga ako sa kusina.
Binuksan ko ang ref para kunin ang sinasabi niyang shake. Ang dami naman nito, matutuwa ang lokong ’yon dahil mabubusog na naman siya.
“Thanks, Mom!”
Inayos ko na ’yon sa dalawang baso, kinuha ko na rin ang staw na binili ni Mommy para sa akin, mahilig kasi talaga ako sa ganito.
“Ang tagal na ninyong magkaibigan,” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at tumango. “Do you have a crush on him?”
Halos maibuga ko ang ininom kong shake dahil sa tanong ni Mommy. Bakit naman tinanong niya ako kung kailang umiinom ako?
“Mommy!” asar na tawag ko sa kaniya. Tinawanan naman niya ako.
“Crush mo?” muling tanong niya. Nakanguso at salubong ang kilay kong tiningnan siya. Nang-aasar naman ang ngiti niya sa akin.
“Slight,” mahinang sagot ko.
“Still crush mo pa rin kahit slight lang,” pang-aasar pa rin niya. “Okay lang namang magkacrush ka sa kaniya, hindi naman malabo ’yon. Hindi na rin ako magtataka kung maging kayo pa niyan balang araw,” dagdag niya pa.
“No, Mommy. Malabong maging kami ni Austin,” mariing tugon ko.
Taka naman niya akong tiningnan. “Why? Hindi naman imposibleng magustuhan ka niya,” aniya pa.
Umiling-iling ako sa kaniya. “No, Mommy. Imposibleng magustuhan niya ako. Look at myself, walang-wala ako sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya sa school. I’m not his type and magkaibigan lang talaga kami,” mahinang sagot ko.
“Maganda ka, Maggie. Walang mali sa katawan mo. Huwag mo ring ikumpara ang sarili mo sa iba, you are pretty, always remember that,” seryosong sabi naman ni Mommy.
Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha na ang shake namin ni Austin. Hindi na ako sumagot pa kay Mommy at iminuwestra ko na lang na aakyat na ako.
“Don’t depend yourself to him, Maggie. Natutuwa ako na may kaibigan ka pero huwag mo masyadong i-attach ang sarili mo sa kaniya.”
Hindi na naman ako nakakibo sa sinabi ni Mommy. Tinuloy ko na ang paglabas ko ng kusina para makabalik na ako sa kwarto ko.
“Ang tagal mo naman,” reklamo ni Austin pagpasok ko sa kwarto. Nakadalawang chichirya na siya. Ang takaw naman nitong lalaking ’to.
“Pasensya na, boss, natagalan ako,” sarcastic na sabi ko naman sa kaniya na tinawanan niya naman. Kinuha niya ang hawak kong shake at agad ininom. “Hoy! Akin ’yan, nainuman ko na ’yan!” sabi ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa shake.
“Ano naman? Para namang hindi natin ginagawang uminom sa iisang straw noon pa man,” umiirap pang sabi niya at uminom na naman.
“Kadiri ka kasi,” nasabi ko na lang at tumabi na ako sa kaniya.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...