24

375 23 1
                                        

Kinabukasan ay nagpasya na lang akong magjacket. Napansin ni Marga ang sugat ko pero sinabi ko na lang na nakawit sa pagbabasketball ko. Alam kong hindi siya naniniwala pero iyon talaga ang sinasabi ko sa kaniya. Hindi ko gustong sabihin na inaabuso ako ng sarili kong ama, na binubugbog ako dahil bakla ako sa paningin niya.

Kinausap din ako ni Tita. Akala ko maitatago ko sa kanila pero hindi pala. Alam nila Tito at Tita kung anong nangyayari sa akin.

“Bakit hindi mo ireport ’yang Daddy mo?” tanong ni Tito.

Wala si Marga, nasa school pa. Maaga akong pumunta rito sa kanila at kinausap nga ako nila Tito.

“Hindi ko naman kayang gawin ’yon, Tito. Buntis si Mommy at bata pa ako para maghandle ng company namin,” mahinang sabi ko.

“Madalas ka bang saktan ng Daddy mo?” tanong naman ni Tita.

“Last year lang nagstart, Tita. No’ng una kasi simpleng suntok lang ginagawa niya, ngayon ay ginagamitan niya na ako ng belt,” sagot ko. Inalis ko pa ang jacket ko para makita nila. Hindi pa naghihilom ang mga latay sa akin.

“Bakit umabot sa ganiyan? I know Arthuro, hindi naman siya ganiyan,” takang sabi ni Tito.

I sighed.

“Nalaman niyang nagkakagusto ako sa lalaki,” mahinang sabi ko ulit. Natahimik naman silang dalawa. Maging ako ay natahimik. Katahimikan ang bumalot sa amin.

“Are you gay?” tanong ni Tita sa marahang paraan.

“No, Tita. I am not gay. I think I’m bisexual. I have feelings for Marga, I admit that, but... I have feelings for Reid, too.”

Ang hirap, sobrang hirap bitawan ng mga salitang ’yon. Ayokong majudge. Ayokong mag-isip sila ng kung ano sa akin. Ayokong may masira dahil sa akin.

“You have feelings for our daughter?” bakas ang tuwang tanong ni Tito sa akin. Hindi man lang nila pinansin ang pinakapino-point ko.

“Yes, Tito.” Nakayuko na ako ngayon. Hindi ko sila matingnan.

“That’s good then. Alam mo, Austin, para ka na naming anak kaya tanggap namin kung ano ka pa, alam ko ring matatanggap ka ni Maggie,” nakangiting sabi ni Tito sa akin.

I want to cry. Ganitong reaksyon ang gusto kong makita sa Daddy ko pero hindi ko nakuha, bugbog ang nakuha ko mula sa Daddy ko nang malaman niyang ganito ako.

Hindi natigil si Daddy sa pananakit sa akin. Hindi ko na rin alam kung paano ko pa ba itatago ang mga pasang nakukuha ko sa kaniya. May pasa ako sa gilid ng labi ko kaya kailangan kong magsuot ng mask kahit ang hirap huminga. Nagtataka na si Marga pero todo palusot pa rin ako. Ayokong sabihin sa kaniya. Hindi ngayon, ayoko muna.

Muntik pang maapektuhan ang laro namin dahil sa sakit ng katawan ko. Hindi ako pwedeng tumigil dahil malapit na ang laban namin sa kabilang school. Unang laban ko ’to bilang Captain ng team. Ayokong masayang. Pero mukhang nananadya talaga ang tadhana sa akin.

“Lilipat na tayo ng bahay, sa Manila na tayo para mas malapit sa company, mahirap ang pabalik-balik.”

Ito agad ang binungad ni Daddy pagkaupo ko nang magdidinner kami. Tahimik lang ako at nakikinig sa kanila ni Mommy.

“Kailan ang alis?” tanong ko.

“Next week,” sagot ni Daddy na ikinagulat ko.

“May laro pa kami, Daddy. Pwede bang i-adjust?” mahinahong tanong ko. Kailangan kong makapaglaro muna, kahit iyon lang sana ay mapagbigyan.

“Laro saan?” takang tanong niya. Mukhang nasa mood siya dahil hindi niya ako sinisigawan.

“Basketball, Dad. Captain ako ng team namin,” may halong pagkaproud sa tono ko, hindi ko alam kung napansin niya ba ’yon.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now