37

403 20 1
                                        

Hindi nga umalis si Austin sa office ko. Nagstay siya rito pero hindi naman na nanggulo sa akin. Umorder raw siya ng pagkain at hinihintay niya na lang na dumating. Habang busy ako sa trabaho ko siya naman ay nakatutok sa phone niya at parang may kachat or katext yata. Nangingiti kasi palagi, sa tuwing napapatingin ako ay naabutan ko.

“Austin, nandiyan na yata ang order mo!” malakas kong sabi sa kaniya dahil hindi niya ako napapansin. Kanina ko pa sinasabi na may kumakatok.

“Ang bilis naman,” aniya pa at tumayo para pagbuksan ang delivery sa kaniya.

Tinuon ko na muli ang atensyon ko sa ginagawa ko para matapos ko na agad. May tatlo pa akong natirang gagawing designs at iyon nga ang ginagawa ko ngayon.

“Tita Margaux!”

Agad napaangat ang tingin ko dahil sa narinig ko. Si Mirei na todo ang ngiti ang nabungaran ko. Agad ding sumilay ang ngiti sa akin dahil sa kaniya.

“Hello, Mirei!” bati ko sa kaniya at tumayo para lapitan siya. “Why are you here?” takang tanong ko sa kaniya. Siya lang ang nandito ngayon at wala ang magulang niya.

“Dito muna raw po ako sabi nila Mommy, aalis sila and I’m not allowed daw po na sumama,” nakangusong sagot niya.

Bumaling ako kay Austin, nagkibit-balikat lang siya sa akin. Wala ring alam.

“Austin, saan pupunta magulang nito?” tanong ko sa kaniya. Imposibleng hindi niya alam. Si Reid ’yon, kaibigan niya kaya imposibleng hindi sila nagkakausap.

“Binilin ni Reid sa akin si Mirei dahil nandito naman ako sa office mo, may pupuntahan nga silang importante ni Minky.”

Binalik ko ang tingin ko kay Mirei na nakangiti pa rin sa akin. Manang-mana sa ama niya. Ang ganda ganda niya rin tulad ng Mommy niya.

“Did you bring your ipad?” tanong ko rito. Baka kasi mabored siya rito, si Austin lang ang magbabantay sa kaniya dahil busy pa ako.

“Yes, Tita. But I’m hungry, Tita. May foods ka po rito?” nakangusong tanong niya.

“Your Tito Austin bought some food. Just wait for it,” sagot ko. “Stay here, may tatapusin lang ako.”

Tumabi siya sa Tito Austin niya. May dala siyang bag at doon nakalagay ang mga baon niyang gamit, kinuha niya ang ipad niya ro’n. Pinagpatuloy ko naman na ang ginagawa ko.

“Let’s eat, Tita!”

“Wait, patapos na ako rito, mauna na kayo,” tugon ko.

Konting shading na lang at tapos na nga ako sa isang design ko. Tatahiin na lang ’to ng mga nakaassign dito. Hindi ko na obligasyong tahiin ang mga designs ko dahil gagahulin ako sa deadline no’n, sagot ng company na kumukuha sa akin ang pagpapatahi ng mga gawa ko.

“Marga, kakain na tayo,” tawag na rin ni Austin.

Nang matapos na ako sa isang design ko ay agad na akong lumapit sa kanila. Isang set ng jollibee ang inorder ni Austin. Tamang-tama at gutom na rin ako dahil ilang oras din kaming nandito at may kani-kaniyang ginagawa.

“Pupunta rin sina Shan at Vince rito para may kasama ka, Mirei.” Napabaling ako kaagad kay Austin nang sabihin niya ’yon.

“Bakit pupunta?” tanong ko.

“Pati si Vince ay naiwan din at binilin sa akin pero kila Snop siya pumunta para makasama si Shan. Alam mo naman ang dalawang ’yon, magtropa simula pagkabata.”

“Sinong maghahatid sa kanila?” tanong ko habang nagsisimula na akong kumain. Si Mirei naman ay hindi nakikisali sa usapan namin at kain lang siya nang kain.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now