Naging iwas sa akin si Austin sa mga nagdaang linggo. Hindi ko alam kung busy lang ba siya o talagang iniiwasan niya ako.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Hindi talaga mawala sa isip ko ’yon, ’yung mga kilos ni Austin. Parang may mali, e. Hindi ko masabi kung ano.
“Babe...”
Hindi ako kumilos. Nanatili akong nakahiga at nakatingin lang sa kisame ko. Bakit ba siya nandito? Hindi niya nga ako pinapansin nang ilang linggong nakalipas, e.
“Galit ka?” bakas ang pangsimangot sa tono niya. Ganiyan siya, e, mahahalata mong nakanguso dahil na rin sa parang batang tono ng boses niya.
Nanatili akong hindi kumikibo. Naharangan niya na ang kisameng tinitingnan ko. He’s now on the top of me. Hindi ako nagpatinag sa kaniya.
“Sorry na...” nakangusong aniya pa rin. “Marami lang akong ginawa nung mga nakaraang linggo kaya hindi ako nakakadalaw sa ’yo, sorry na, babe.”
I sighed.
“Bakit nandito ka?” blankong tanong ko sa kaniya.
“Miss na kita,” mahinang sagot niya at sinubsob pa ang mukha sa gilid ng leeg ko. Ang bigat niya. Nakadagan siya sa akin ngayon.
“Hindi kita miss kaya umalis ka r’yan,” mataray kong sabi sa kaniya pero mas sumubsob pa siya sa akin. “Baka may gagawin ka pa, gawin mo na. Sanay naman na ako, Austin.”
Alam kong ang immature ko sa part na ’yon. Na imbes sanang intindihin ko siya sa busy days niya ay kung anu-ano pang sinasabi ko ngayon. Hindi rin naman niya ako masisisi kung ganito ako, malapit lang siya sa akin at pwede naman niya akong puntahan kahit saglit pero wala, ni text or chats man lang sana kahit papaano kaso wala talaga.
“Sorry na...” mahinang sabi niya ulit. Natigilan naman ako bigla. “Huwag ka na magalit. Sorry na...”
Umiiyak siya! Gosh! Umiiyak si Austin.
“Bakit ka umiiyak?” malakas kong tanong dahil sa gulat. Hindi naman siya iyakin at mas lalong hindi siya umiiyak sa akin.
“Galit ka sa akin, e. Sorry na kasi!” muling sabi niya. Ramdam ko ang pamamasa ng leeg ko dahil sa luha niya.
“Para kang tanga. Huwag kang umiyak diyan,” saway ko sa kaniya. “Hindi ako galit. Nagtatampo lang ako kasi ni isang chat man lang hindi mo magawa, naiintindihan ko naman kung busy ka ang sa akin lang kahit sana update man lang o kahit isang chat man lang para malaman ko kung okay ka lang ba, kung okay lang ba tayo o kung tayo pa ba. Kasi naman hindi ako manghuhula, Austin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ’yo.”
Mahigpit niya akong niyakap. Kahit ako ay naiiyak na rin tuloy dahil sa sinabi ko. Para siyang batang inaway dahil sa pag-iyak niya. Humihikbi pa siya.
“Sorry. Sorry na, babe. Hindi ko nagawa ’yung obligasyon ko bilang boyfriend mo. Sorry!” mas lalo niya lang siniksik ang sarili niya sa akin.
“Hayaan mo na ’yon, nangyari naman na. Sana lang kung mauulit ’yon ay magsabi ka na sa akin, ayokong mangapa, Austin. Ayokong mag-isip nang mag-isip sa kung anong nangyayari at bakit nagkakagano’n.”
Tumunghay siya sa akin. Basang-basa ang mukha niya ng luha kaya pinunasan ko ’yon gamit ang palad ko. Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko ’yon.
“Sorry.”
Bahagya akong tumango. “Accepted.”
Pinatakan niya ako ng isang mababaw na halik sa labi at muli akong niyakap.
“I love you.”
“I love you, too.”
Naging okay na ulit ang relasyon naming dalawa. Palagi pa ring nag-aasaran pero hindi na ulit namin naranasang mag-away na tulad nung nakaraan. Nagpapaalam na rin siya sa akin kapag may gagawin siya at matatagalan siya ro’n kaya naman hindi na rin ako nag-iisip pa ng kung ano.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...