Today is his birthday.
Wala pa rin akong regalo sa kaniya. Wala akong maisip na pwedeng ibigay dahil afford naman niya lahat. Bahala na mamaya.
“Nakaready ka na ba, Maggie?” tanong ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.
“Not yet, Mommy. Why?” malakas na tanong ko para marinig niya ako mula sa labas.
“Can you help me with this one? Lagyan lang nating sapin ang mga table,” sagot niya.
Mabilis kong binitawan ang dalawang dress na hawak ko. Wala akong mapiling isusuot ngayon kaya mamaya na lang kapag nandito na sina Johann at Blythe.
“Sure, Mom!” ani ko paglabas ng kwarto. Hindi pa nakaayos si Mommy.
“After this mag-ayos ka na, baka biglang dumating ang mga kaibigan ninyo, ready naman na lahat,” bilin niya pa na agad kong tinanguan.
“Hihintayin ko sina Blythe and Johann, hindi ako makapili ng isusuot ngayon,” iritang sabi ko pa sa huli. Ngayon lang yata ako nagkaganito when it comes sa susuotin.
“Really? Youʼre having a hard time sa pagpili ng isusuot mo, Maggie? Himala yata ʼyan?” natatawang tanong pa ni Mommy.
Napairap na lang ako at bahagyang lumayo sa kaniya dahil aasarin niya na naman ako. Kumuha na lang ako ng isasapin sa mga lamesang gagamitin namin mamaya. Dito nga sa bahay gaganapin ang birthday ni Austin.
“Hello, Tita!” rinig ko ang malakas na bati ni Austin.
Nakagayak na yata siya, pormang-porma pa nga, e. Gwapo niya ngayon, mukha siyang tao.
“Kagwapo naman, binatang-binata na talaga, a!” puri pa ni Mommy sa kaniya.
Hindi ko sila binalingan pa, pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko para matapos na kaagad. Apat na lamesa lang naman ʼtong lalagyan ng sapin.
“Ako lang naman ʼto, Tita!” mayabang pang sabi ni Austin kaya hindi ko napigilang mapairap sa kaniya. Siraulo talaga.
“Happy Birthday, anak!” malambing na bati ni Mommy.
I suddenly stop and look at them. Naabutan ko sila na magkayakapan na. Napangiti ako pero agad ding itinago ang ngiting ʼyon nang balingan na ako ni Austin.
“Puntahan ko lang si Marga,” paalam niya pa kay Mommy. Nakangiti namang tumango ito sa kaniya.
Lumipat na ako sa isang table para lagyan ng sapin ʼyon. Bigla ay naramdaman ko naman ang yakap niya sa akin mula sa likuran ko.
“Good noon, Marga!” bati niya sa akin at pinisil pa ang pisngi ko.
“Anong good sa noon ko kung makikita kita?” mataray kong tugon sa kaniya.
“Tita, si Marga inaaway ako, birthday ko ngayon pero inaaway niya ako!” sigaw niya kaya bahagya kong siniko ang tiyan niya. “Sinasaktan pa ako, Tita!” muling sigaw niya.
“Ano ba, Devaux? Ang ingay mo naman!” gigil kong sabi sa kaniya.
“Ikaw kasi, nananakit ka at nagsusungit, hindi naman kita inaano,” nakangusong aniya pa.
Tinapos ko na ang ginagawa ko para makapasok na ako sa loob. Nang maayos ko na ay hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko para alisin ʼyon pero mas kumapit pa siya lalo.
“Mag-aasikaso pa ako ng sarili ko, Devaux. Tigilan mo ang kalilingkis sa akin,” inis kong saway sa kaniya at pilit inaalis ang brasong nakapulupot sa bewang ko.
“Whereʼs my gift?” tanong niya sa akin. Sa bandang tainga ko pa talaga siya nagsalita kaya nagtindigan ang balahibo ko.
“Hindi pa nga nagsisimula ang birthday party mo tapos gift agad hinahanap mo,” mataray ko pa ring sabi sa kaniya.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...