38

396 22 0
                                        

“Ang daming tickets!” gulat kong sabi nang makita ko ang tickets nila. Grabe, halos hindi na nga mahawakan nung dalawang bata ang tickets nila.

“I’m Captain Austin Devaux, what do you expect?” mayabang na sabi niya sa akin. Nakarinig ako ng mahihinang bulungan sa mga babaeng kanina pa nakatingin kay Austin. Tsk!

“Yabang mo!” asar kong sabi sa kaniya. “Ipalit na natin ’yan para makapagshopping na kami,” baling ko naman sa dalawa.

“I want that spiderman,” sabi ni Vince habang nakaturo sa spiderman na medyo mahal ang halaga. Kaya naman ng tickets nila ’yon.

Pinagtulungan nilang ipalit ang tickets nila. Ang dami talaga nilang nakuha kaya natagalan kami. Umabot ng thousands ang tickets nila kaya marami kaming nakuha na gusto nila. Ang kinuha ni Austin ay teddy bear at binigay niya ulit sa akin.

“Ilalagay ko muna sa kotse ang mga gamit natin para hindi abala sa pagshopping ninyo,” presinta ni Austin.

Sinamahan naman namin siya hanggang sa baba, kinuha niya sa amin ang mga dala namin at mabilis na tumakbo palabas. Naghihintay naman kami sa kaniya. Dito lang din kami sa baba magshoshopping.

“Margaux?” Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Nabalingan ko si Patricia na may bitbit na mga paper bag. Mukhang nagshopping din.

“Hi!” bati ko sa kaniya at tipid na ngumiti.

“Ang dami mo namang alaga,” aniya habang nakatingin sa mga batang kasama ko.

“Busy ang mga magulang kaya sa akin muna sila,” sagot ko naman. Inakbayan ko pa si Mirei na nakatingala ngayon kay Patricia.

Hindi ko sure kung kilala ng mga bata si Patricia. Pero baka kilala nga nila dahil madalas naman sigurong kasama ni Austin ’to. Naisama nga niya ’to sa reunion.

“Okay na!”

Sabay kaming napalingon nang dumating si Austin. Agad siyang tumingin kay Patricia.

“Oh? Nagshopping ka pala?” gulat pang tanong nito kay Patricia.

“Yes, nabored ako sa bahay at sabi mo rin wala ka sa condo mo so nagshopping na lang ako,” nakangiting sagot ni Patricia at muling tumingin sa akin. “Saan kayo?” tanong niya sa akin.

“Shopping,” tipid kong sagot.

“Oh okay. Mauna na ako sa inyo, ingat kayo!” masiglang aniya pa at lumapit kay Austin para halikan ito sa pisngi. Mabilis kong iniwas ang paningin ko.

“Let’s go, Tita. We’re going to buy a new dress!” malakas na sabi ni Mirei dahil sa tuwa at hinatak na nga ako.

Napatingin ako kay Austin na nakatingin na rin sa akin. Nakaakbay siya sa dalawang batang kasama niya  na busy sa mga nakuhang laruan kanina.

Hindi ako kumibo at iniwas ko na lang ang tingin ko kay Austin. Ginawa na nga namin ni Mirei ang pakay namin dito sa mall. Halos lahat ng makita naming boutique ay pinasukan na namin. Hindi kami makapili dahil sa ang daming magaganda. Kaya naman ang pinapili namin ay ang tatlong lalaking kasama namin.

“Matagal pa ba, Tita Margaux? We’re hungry,” reklamo ni Shan habang nakahawak na sa tiyan niya.

Nagbabayad na kami ngayon ng mga pinamili namin ni Mirei. Nakatatlong dress lang naman ako at si Mirei ay lima yata. Lugi na naman ako sa anak ni Minky.

“Just wait, Shan. Nagbabayad na nga ako ’di ba?” sabi ko naman sa kaniya. Inabot ko na ang card ko sa cashier para matapos na.

Si Austin ang nagdala ng mga pinamili namin. Ang tatlong bata naman ay nauuna sa amin at nagkukulitan na. Naghahanap na kami ngayon ng pwede naming kainan.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now