27

362 28 2
                                        

Napansin din nila Tito ang mga sugat ko. Hindi ko  sinabi ang totoong nangyari, ayokong mas madagdagan ang mga isipin nila. Ayokong mas mag-alala sila sa akin. Grabe na ang naibigay kong abala sa kanila ayokong madagdagan pa ’yon.

Sa tuwing kasama ko si Marga ay parang wala akong iniinda. Ayokong malaman niya, ayokong mag-alala siya kaya kahit masakit ang mga sugat ko ay hindi ko iniinda dahil kasama ko siya.

“Hello?” pagsagot ko sa tawag sa akin. Pauwi pa lang kami ni Marga galing school.

[“Austin, si Aureen sinugod ko sa Ospital, nahihirapan siyang huminga. Pinagalitan siya ng Daddy mo kanina.”]

Agad nagsalubong ang kilay ko. Nakakaramdam na naman ako ng galit para sa lalaking ’yon. Alam niyang mahina ang puso ni Aureen at kailangang mag-ingat sa bawat salitang bibitawan sa bata. Kingina niya talaga.

“Ano? Kingina! Hayop talaga ’yan. Demonyo siya!” galit kong sigaw.

[“Nandito kami ngayon sa ****** Hospital. Nasa Emergency room si Aureen.”]

Mabilis kong pinatay ang call nang malaman ko na kung saang Ospital sila nagpunta. Mapapatay ko na talaga si Daddy kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko.

“Anong nangyari?” tanong ni Marga pero hindi ko na nasagot.

“Manong, pakihinto nga ang kotse at bababa ako. Salamat,” sabi ko sa driver nila Marga na agad namang sinunod nito.

“Anong nangyari?” tanong ulit ni Marga pero mabilis na akong lumabas at hindi na siya pinansin.

Mabilis akong pumunta sa Ospital na sinabi ni Mommy. Hindi na ako makapaghintay na makita ang kapatid ko. Sinalubong ako ni Mommy na umiiyak at nanginginig pa.

“Anong nangyari?” tanong ko.

“Lasing ang Daddy mo kanina, si Aureen ang pinagdiskitahan niyang pagalitan, nahirapang huminga si Aureen at umiiyak dahil masakit daw ang dibdib niya.” Nanguyom ang kamao ko dahil sa narinig ko. Wala talagang kwenta ’yung lalaking ’yon.

Tinawagan ko sila Tita. Ayokong makaabala pero kailangan din nilang malaman, malapit sila sa akin at mas lalo silang mag-aalala kapag pinatagal ko pa. Nang masabi kong nandito kami sa Ospital ay pupunta raw sila.

“Nasa Office na ang Daddy mo, tumawag ang secretary niya sa akin,” sabi ni Mommy.

“Umuwi ka muna at magpahinga, ako na bahala rito,” utos ko sa kaniya. Ayokong mas ma-stress pa siya lalo.

“Hihintayin ko ang sasabihin ng Doctor,” aniya. Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

“Mommy, ako na bahala. Magpahinga ka na lang sa bahay,” pigil ang inis na sabi ko. Naghalu-halo na ang nararamdaman ko ngayon.

Walang nagawa si Mommy kundi ang umuwi nga. Nag-grab na lang siya pauwi, ako na rin ang nagbayad no’n. Bumalik ako sa loob para hintayin na lumabas ang Doctor ni Aureen.

“Nasaan ang gago mong ama?” gigil na tanong ni Tito pagkarating nila rito.

“Office,” simpleng sagot ko.

“Anong nangyayari?” tanong din ni Marga.

“Nandito ang kapatid ni Austin,” sagot ni Tita. Gulat namang tumingin si Marga sa akin pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.

“Inatake sa puso dahil sa sobrang emosyon,” sagot naman ni Tito. They know. “Walang hiya talaga ’yang ama mo, Austin.”

“Nasaan ang Mommy mo, Austin?” tanong ni Tita sa akin. Nanatili akong nakatingin sa nakasaradong pinto ng E.R. kung nasaan si Aureen ngayon.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now