49

447 25 1
                                        

I’m here in Paris right now. Nag-aasikaso na ako para sa runway mamaya. Inaayusan na ako ng make up artist na naka-assign sa akin.

After nung nangyari sa amin nila Patricia ay nagpasya na akong pumunta na lang agad dito sa Paris kahit na hindi ko pa naman talaga alis nung time na ’yon.

“Hello?” pagsagot ko sa tawag ni Johann nang mapansin ko iyon.

[“Nabalitaan mo na ba?”] tanong niya agad sa akin. Agad namang nangunot ang noo ko.

“Ang alin?” takang tanong ko.

Pinapikit ako ng nag-aayos sa akin para lagyan ng make up ang mata ko. Hinihintay ko namang sumagot si Johann na busy pa yata dahil sa naririnig ko sa background niya.

[“Nasa mental si Patricia.”] Muling nangunot ang noo ko. Ang tipid naman kasing magbalita ni Johann.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ko ulit.

Dumilat na ako nang sabihing okay na raw. Buhok ko na lang ang aayusin at pagtapos no’n ay pahinga na then pupunta na ako sa event venue.

[“Ang balita ko lang ay matagal na yata siyang depress at ’yon nga, nabaliw na yata ng tuluyan kaya pinasok na sa mental. Ayaw pa niya, nagwawala pa nga.”] Nakarinig na naman ako ng ingay sa background niya.

“Puro tsismis inuuna mo, may trabaho ka pa yata,” sita ko na sa kaniya. Natawa naman siya.

[“Hindi na ako makapaghintay sabihin sa ’yo, e.”] Bruha talaga siya.

“Mamaya na tayo mag-usap sa video call. May ginagawa rin ako ngayon,” sabi ko na sa kaniya.

[“Okay. Ingat and Goodluck.”] Pinatay niya na agad ang tawag. Halatang busy ang bruha.

“Basta tsismis walang pinalalampas,” natatawang nasabi ko na lang din.

Nang matapos akong ayusan ay nagpahinga muna ako saglit. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya lumabas na ako para maghanap ng pagkain. Gutom na kami ni Baby.

Hindi ko nasabi kay Austin na buntis ako. Masama pa rin ang loob ko at dumagdag din ang nangyaring usapan namin ni Patricia. Siguro ay pag-uwi ko na lang saka ko sasabihin sa kaniya.

“What do you need, Ma’am?” tanong sa akin ng isang bakla na nag-aassist din yata.

“Nagugutom kasi ako, may pagkain ba rito?” mahinang tanong ko naman sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

“Yes, Ma’am. Dito po tayo,” aya niya sa akin kaya sumunod naman ako.

Dinala niya ako sa buffet nitong event. May mga kumukuha naman na ng pagkain kaya hindi na ako mahihiya kung sakaling kukuha ako.

“Thank you!” pasasalamat ko sa nag-assist sa akin.

“Eat whatever you want, Ma’am. Enjoy and eatwell,” nakangiting sabi niya pa sa akin at iniwan na ako dahil marami pa siyang gagawin.

Kumuha na ako ng plato ko at nilibot ang tingin sa mga pagkaing nandito. Parang gusto kong tikman lahat ng pagkaing nandito ngayon. Ang sasarap kasing tingnan lahat.

“Ano bang kakainin mo?” tanong sa akin ng pamilyar na boses.

Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Austin na may hawak na ring plato. What is he doing here?

Agad nagsalubong ang kilay ko. “Ginagawa mo rito?” tanong ko na.

Ngumisi lang siya sa akin at kumuha na ng pagkain niya. “Makikikain ako,” sagot niya sa tanong ko. “Ano bang kukunin mo?” tanong niya nang mapatingin sa plato kong walang laman hanggang ngayon.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now