16

426 28 4
                                        

Hindi na ako nakielam pa sa usapan nila. Magagalit si Daddy kapag nakiusyoso ako sa usapan ng matanda.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad na akong nahiga at pumikit. Nilibang ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-anong senaryo na alam ko namang hindi magkakatotoo hanggang sa nakatulugan ko na nga.

"Good Morning, Margaux!" masiglang bati ni Blythe sa akin at sinalubong pa ako ng yakap.

Hindi naman na ako nagulat o nagtaka na ganito siya, palagi naman siyang ganito sa amin ni Johann. Kahit nga kila Snop at Minky ay ganito siya. Sweet lang talaga si Blythe.

"Good Morning. Nandiyan na ba si Johann?" tanong ko sa kaniya. Kumapit pa ako sa bewang niya at sabay na kaming pumasok sa room.

"Wala pa, late na naman," sagot niya.

Nakatingin sa amin ang mga kaklase namin pero pinagsawalang bahala ko na lang.

"Nagbake kaming cookies," sabi ko at nilabas na sa bag na dala ko ang tupperware na may cookies.

"Kami? Sinong kasama mong nagbake? Si Tita?" tanong ni Blythe at kumuha na agad sa cookies na dala ko.

"Si Austin. Tinulungan niya ako," sagot ko naman at napatingin sa paligid. Nakatingin ang iba sa akin at ang iba ay nagbubulungan na naman.

"Naks naman po, magkasundo kayo kahapon?" natatawang tanong niya habang kumakain ng cookies.

Natatawang napapailing na lang din ako sa kaniya. Mas nakakagulat pa nga yata talagang magkasundo kami ni Austin kaysa magkaaway.

"Nag-away pa rin kami dahil sa ingredients at kung anu-ano pa," natatawang sagot ko pa rin.

"Hoy! Bakit hindi ninyo ako hinintay? Lamon na kayo agad diyan," bungad ni Johann sa amin pagpasok niya.

"Late ka na naman," sabi ko sa kaniya. Mabilis siyang naupo sa tabi namin at kumuha sa cookies na dala ko. Nakikuha na rin ako, nainggit ako bigla.

"Wala pang teacher kaya hindi ako late," katwiran niya pa.

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano habang walang teacher. Ang dami nung cookies na ginawa ko at halos maubos na nga namin 'yon. Ang sarap pala nung timpla ni Austin.

"Gawa ka ulit nito," sabi ni Blythe at muling kumuha.

"Sa susunod, kapag natripan namin ni Austin magbake ulit," sagot ko naman.

"Magkasundo na kayo?" tanong ni Johann. Agad ko namang inilingan. "Bakit ko nga ba tinanong pa 'yon. Malabo pa sa mata ko 'yon," dagdag niya at tumawa pa sila ni Blythe.

"Malay mo naman biglang magbago ihip ng hangin at magkasundo sila, maging sila gano'n," sabi naman ni Blythe.

"Malabo pa sa tubig na may putik 'yan," kontra ko agad sa kaniya.

"Hindi mo sure," sabay pa nilang sabi sa akin.

Napapailing na lang ako at hindi na kumibo. Kung anu-ano na naman ang iniisip nila. Magkasundo nga hindi namin magawa ni Austin, ang maging kami pa kaya?

"What if maging kayo nga?" tanong ni Johann. Tiningnan pa nila akong dalawa.

"Hindi mangyayari 'yan," kontra ko na naman.

"Kung mangyayari 'yon siguro para pa rin silang aso at pusa, palagi pa ring hindi magkasundo. Anong kalalabasan ng relasyon nila?" tanong naman ni Blythe.

"Magtatagal sila, may kasabihan na mas magtatagal kapag puro away ang relasyon," tumatango pang sabi ni Johann.

Kung anu-ano na naman talaga ang pinag uusapan nila. Mga baliw talaga 'to. Sobrang imposible ng mga iniisip nila.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now