Kasalukuyan akong nagbabasa ngayon, wala na naman akong maintindihan dahil ang nasa isip ko naman ngayon ay ang inakto ni Mommy kanina at ang mga tinanong niya. Bakit niya naman kasi natanong ang gano’n kung wala lang? Iiwan nga ba ako ni Austin?
“Lalim ng iniisip mo, a. Baka gusto mong i-share.”
Agad akong napalingon sa pintuan ng balcony ko kung saan nakasandal si Austin. Nakajacket na naman at nakamask. Anong trip niya?
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko sa kaniya. Umayos siya ng tayo at lumapit na sa akin. Nakatingin lang ako sa bawat kilos niya.
“Miss na miss mo talaga ako,” pang-aasar niya pa. “May ginawa pa akong assignments kanina kaya hindi ako nakapunta agad,” sagot niya na.
“Kumain ka na ba?” tanong ko ulit.
“Oo, kumain na ako kanina, ikaw ba?” balik tanong niya sa akin. Naupo siya sa tabi ko at tiningnan ang librong hawak ko.
“Kumain na ako,” sagot ko sa kaniya.
Nanatili ang tingin niya sa libro ko. Tiniklop niya pa ’yon para makita ang title.
“Catch Me, Captain?” pagbasa niya sa title no’n.
“Yes, wattpad ’to,” sagot ko naman.
“Sinong author?” tanong niya muli.
“Kanji, maganda naman ’to, gusto mong basahin?” inilapit ko pa sa kaniya ang libro.
“Anong plot?” taas ang kilay niyang tanong.
“Nagsisimula pa lang ako, e. Mukhang maganda naman base sa description. Parang na-inlove siya sa lalaking hindi niya inaasahan gano’n,” sagot ko naman.
“Mukhang maganda nga. I like the description of this story. Malalim at malaman,” aniya pa habang nakatitig doon.
Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakamask siya at bahagyang nakayuko.
“I think this is a tragic ending,” muling sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. Paano niya nasabi?
“Bakit naman?” takang tanong ko.
“The guy will die at the end,” sagot niya at bumaling na sa akin. Kunot na kunot naman ang noo ko. Hindi naman siya spoiler ano?
“Hindi mo naman nabasa pa ’yan,” masungit kong sabi at hinablot sa kaniya ang libro ko.
“Ramdam ko lang, ganiyan naman palagi sa mga story ’di ba? May namamatay palagi,” aniya pa.
“Hindi naman daw tragic ’to sabi nung Author. Pinangungunahan mo kasi, kapag natapos ko ’to ikukwento ko na lang sa ’yo,” sambit ko naman.
“Okay. Hihintayin kong makwento mo sa akin ’yan,” sabi naman niya.
“So bakit ka nakamask?” takang baling ko na ulit sa kaniya.
“May sakit ako,” sagot niya at umubo pa nga. Napaghahalataan na naman siya.
“Hindi ka nagmamask kapag may sakit ka, Austin. Anong meron?” seryosong sambit ko.
“May virus, bawal lumabas ng walang suot na mask,” sagot niya ulit. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nangtitrip, e.
“Isa pang pang-aasar makakatikim ka na sa akin, Austin. Anong meron nga? Bakit nakajacket ka na naman at nakamask?” iritang tanong ko na naman.
“May trangkaso ako nung nakaraan, baka mahawa ka kaya nagmask ako,” sagot niya at iniwas pa ang tingin sa akin.
Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Ito na naman ’yung pakiramdam ko sa kaniya na ayokong maramdaman, para na naman siyang naglilihim sa akin, parang may mali na naman. Hayst.

YOU ARE READING
Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: November 24, 2021 Ended: February 25, 2022 If you really love someone you'll accept all of his/her flaws, insecurities and imperfections. If you really love someone you don't have to force them to change the...