CHAPTER 01

1.5K 59 4
                                    

EZRA's POV.

Hindi man lang ba ako ihahatid ni Papa?? Wala na ba talaga akong halaga sakanya?? Last chance na oh. Aalis na ako papuntang Manila tapos wala man lang anino galing sakanya. May sakit parin sa puso ko habang nag iimpake na ng mga damit. Tsk! Wala na talagang pag-asa na mag kakabati kami ni Papa. Pinipigilan kung umiyak dahil kahit papaano, umaasa parin ako na mag kaayos kami ni Papa dahil aalis na ako ng Davao at hindi ko alam kung kelan ako makakabalik.

"Ate...aalis ka na ba talaga??? Iiwan mo na ba talaga ako???" sabi ni Jane na para ko narin kapatid dahil siya na ang kasama ko nung lumaki ako.

"Kailangan, Jane eh. Kung di ko to gagawin, sasakit lang ang loob ko dahil kai Papa. Ayoko sana iwan ka pero alam mo naman siguro kung anong dahilan talaga nito, diba?" tumango lang siya habang humihikbi na kaka-iyak. Gusto-gusto ko talaga isama kaso hindi pwede dahil anak ng presidente yung pag-sisilbihan ko at nakakahiya naman kung isama ko pa si Jane. "Basta, Jane. Umayos ka dito. Wag na wag kang papauto sa mga kahit sinong lalaki dyan sa kanto ha. Mahal na mahal ka ni ate." naiiyak narin ako dahil umiiyak na naman siya, niyakap ko siya agad dahil ayokong makita niya akong umiiyak. "Mag pakatatag ka Jane. Para din ito saating dalawa. Pag butihin mo ang pag-aaral mo." pikit mata akong umalis sa pag kakayakap sakanya at lumabas na ng kwarto.

"Ate.... Huhuhu mahal na mahal din kita... Ma mis-miss kita.." hindi ko siya nilingon at nag okay sign lang ako para di niya makitang namumugto narin ang mata ko kaka-iyak. Ma mi-miss din kita, bunso. "Mag te-text at tawag ka sakin ha." sabi niya habang nilalagay ko na ang mga gamit ko sa trunk ng taxi.

"Oo naman. Basta, pag may kailangan ka sabihan mo ako agad. Please lang, pag pumunta dito si Papa, wag mo na sabihin kung nasan ako. Hindi man lang siya nag abala na bisitahin ako bago ako makaalis." niyakap nalang ako ng pagka-higpit ni Jane at ginantihan ko naman iyon. "Pumasok ka na dun. Mag-iingat ka palagi ha. Yung pinto wag mung kakalimotan mag lock. Malilintikan ka talaga sakin."

"Ma'am, yes ma'am!" snappy niyang sagot sabay salute. Natawa nalang ako sa ginawa niya bago sumakay ng taxi. Habang umaandar na ang sasakyan namin ay in-enjoy ko muna ang last view ko dito sa Davao kasi ma mi-miss ko yung hometown ko.

Laking pasalamat ko nung nalaman kung ako yung napili ni VP Sara na bigyan ng special assignment pero diko en-expect na anak pala ng presidente yung special assignment ko. Naku! Sana talaga di matigas ang ulo nun kundi, mag kakabalian talaga kami ng buto. Talagang ma a-apply ko dito yung natutunan as PSG dahil pag sumuway yung anak ng presidente, malalagot talaga siya sakin.

Malapit na ako sa event kung saan andun si VP Sara kasama ang Presidente ng Pilipinas. First time ko makikita sa personal ang presidente kaya kabado bente talaga nararamdaman ko ngayon. Parang masusuka yata ako sa kaba. Inayos ko muna ang uniform at pag kakapusod sa buhok ko dahil ayoko masama ang first impression saakin ng presidente.

"Abot nata, dai." (Andito na tayo, dai.) sabi nung taxi driver pag karating namin sa isang hotel.

"Salamat, Manong." inabot ko na ang bayad saka lumabas at kinuha na agad ang dalawa kung maleta at isang pack bag.

Pumasok na agad ako sa hotel at sumalubong saakin yung iba pang PSG para sabihan ako sa mga gagawin ko. Sila na daw ang bahala sa mga gamit ko kaya pinapasok na nila ako sa event hall. Para akong binuhusan ng mlamig na tubig sa sobrang kaba. Giahak mani oy.

"Kaya mo to, Ezra." pag che-cheer ko sa sarili ko. Pumasok na ako sa event hall, andaming tao pero kailangan kung maging matikas tignan dahil di pwede ang lampa-lampa na PSG. Hinanap ko agad ang kinaruruonan ni VP Sara dahil siya ang mag i-introduce saakin.

Namataan ko sila sa isang table malapit sa stage at napapalibotan sila ng napakadaming tao. Inayos ko agad ang pagkakalakad ko dahil isa sa mga ayaw ni VP dati nung mayor pa siya is yung di inaayos yung lakad ng mga trainee. I tried my best to correct my posture but at the same time look like not trying so hard.

"Oh there she is!" sabi ni VP nung mahagip ng mata niya ako. Giatay na. Naka-kakaba pero andito nato, push na natin ito.

"Good morning, Ma'am. Mr, President." bati ko agad sa kanila sabay saludo nung makalapit ako. Grabi!!! Yung feeling na ang lapit-lapit ko na sa presidente. Wooh!!! Worth it lahat ng trainings ko dahil kitang-kita ko na ang presidente sa malapitan. Although anak naman niya ang babantayan ko pero parang ganon na rin yun.

"Vinny, your drooling." napabaling agad ako sa direksyon kung sino ang sinabihan ni President. Yung tisoy na lalaki na katabi ni VPS. Siya siguro yung anak na naka assign sakin. "Well... She is your personal guard. What's your name again, iha?"

"Ezra Michaela Libradilla, Sir." marespeto kung sagot. Nakatingin sakin si VPS kaya bawal akong mag kamali dahil ayokong mapahiya siya dahil siya ang nag tra-train samin dati.

"What would like to be called??" Tanong pa ni Pres.

"Ezra, Sir." ingat na ingat ako sa mga isasagot ko dahil maraming mga mata ang nakatingin saamin.

"Okay good. Sit with us, iha. Go sit beside my son, Vinny." sabi pa ni Pres. Parang inaasar yata niya ang anak niya dahil pinanliliitan na man siya ng mata nang anak niya. Ang cool niya siguro maging tatay no? SANAOL! "Ezra, meet Vinny. My son. Vinny, this is Ezra, your babysitter." Anong babysitter?!—

"Dad!!" parang si Sir, Vinny na mismo ang nahiya sa sinabi ng ama niya. Cute nilang mag-asaran. Nakita kung namumula na ang pisnge niya sa hiya. Pumunta na ako sa tabi niya para umupo dahil sa sobrang kaba ko eh nangangatog ang mga paa ko.

"Sir, good morning." nag simula na akong mahiya nung makaupo na ako sa tabi niya dahil nag bubulungan sila VPS at Pres habang tumitingin samin sabay hagik-hik ng tawa. Bakit niyo ba kami pinag tri-tripan???

"Good afternoon. I'm Vinny by the way. Nice to meet you, Ezra." sabi niya. Diko siya matitigan sa mata sa sobrang ilang pero kailangan kung makipag shake hands sakanya dahil ayokong matawag na walang modo. Inabot niya agad ang kamay ko at pareho kaming nagulat na biglang kumuryente yung mga kamay namin. Binawi niya agad ang kamay niya at dahilan para makatitigan kami. Napaka tempting ng mga mata niya—gaga! Gumising ka! Bawal yan!

"Looks like someone is being struck by eletric love..." sabi ni Pres sabay tawa at siniko pa si VPS na tinatawanan lang din kami. "Vinny, it's still morning. Na distract ka yata sa ganda ng katabi mo." enebe! Naramdaman ko nalang ang mga pisnge ko na umiinit. Am I blusing?? Ibinaling ko agad ang attention ko sa iba dahil nahuli ko si Sir, Vinny na nakatingin saakin.

"Yes. She's really good-looking." sabi niya ng dire-diretso habang nakatititg parin sakin. Nag hiyawan lahat ng tao na nakaupo sa lamesa namin dahil sa sinabi niya. Pinipigilan ko ang sarili ko mag react dahil bawal sa trabaho namin yun. Putchang banat yan. Halatang sanay bumanat sa ibang babae. "Beautiful..." halos pabulong na niyang sabi bago umayos ng pagkaka-upo.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now