CHAPTER 13

1K 49 3
                                    

"HOLY SHIT!! OUCH!" mura ni Vinny nung natulak ko siya saka nasampal. Putik! Bigla akong nakonsensya kasi pumantal agad sa pisnge niya yung sampal ko. "That slap makes me dizzy! Ouch my cheeks.." inda parin niya sa sampal ko. Natataranta na ako kasi baka mag beast mode na naman ito.

"Ikaw kasi! Ba't mo'ko hinalikan?! Nababaliw ka na ba?! Jusko ka!!!" taranta kung sisi sakanya. Alam ko mabigat ang kamay ko dahil palagi akong batak sa training dati kaya malakas talaga yung pag-kakasampal ko sakanya. Nabigla ako eh!

"I... I don't know. Why did I do that?? What the fuck." Ang gulo niya. Siya humalik tas ako tatanungin. Baliw.

"Ewan ko sayo! Ikaw nang halik tas ako tatanungin mo." parang di na yata ako makakapag-concentrate kumain dahil sa sobrang awkward na nangyari. "Ibang klasi ka mag pasalamat. May halik talaga!" naiisip ko palang na si Vinny yung first kiss ko eh nangigigil na ako! Reserve ko yun para sa magiging jowa ko eh! Kainis! "Kainis ka!" hinampas-hampas ko siya sa balikat at agad niyang hinuli ang mga kamay ko para pigilan. "Kainis ka! Yung unang halik ko ikaw! Kainis!!!" bulyaw ko sakanya.

"What?! I'm your first kiss?? Seriously??" sabi niya na animoy di makapaniwala. Pwersahan ko kinuha ang mga kamay ko saka bumaba sa likod ng sasakyan niya para maiwasan ang tanong. Bakit ba?? Eh hindi ako interesado sa mga lalaki noon eh kaya wala akong naging jowa. "Wait. So you mean no boyfriend ka since birth??" sumunod pa talaga siyang bumaba saakin.

"Tigilan mo nga ako!"

"Wait. Wait HAHAHAHA so no boyfriend ka nga since birth???" pangungulit niya pa.

"Ewan ko sayo!" iniiwasan ko siya makaharap kahit pinipigilan niya ako.

"Stop. So I'm you first kiss. Like, for real??" may pang halo na yung pang-aasar ha.

"OO NA. HAPPY?? MAG-DIWANG KA NA." Aist! Ang kulit.

"HAHAHAHAHAHAHAHA...." halos mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa. Siraulo talaga. Tawanan ba naman ako.

"Ang sama mo..." sinamaan ko agad siya ng tingin. "Di ako mahilig makipag jowa dati kaya wala talaga akong experience sa ganyan. Di ako katulad mo na mahilig sa babae noh."

"Correction. Sila ang lumalapit sakin. You want me to teach you??" sabi niya saka ngumiti ng nakakaloko.

"Gusto mo balian kita ng spinal cord???"

"Harsh. Pero seriously. I did stole your first kiss??" paniniguro niya. Paulit-ulit??

"Putangina naman, Vinny. Paulit-ulit? OO nga diba. Sarap mo batukan eh!" humagalpak na naman siya ng tawa. Ang dali niya patawanin, konting kibot lang tatawa na agad.

"Well. Thank me." pag mamayabang niya.

"Thank me mo mukha mo. Ibalik mo first kiss ko. Walang hiya ka!" walang kaabog-abog na hinapit niya ako sa bewang at pinaglapit ang katawan namin pareho, isang dangkal nalang ang pagitan sa mukha namin. Papalit-palit niyang tinititigan ang mata at labi ko habang kinakagat ang labi niya mas lalo niya pang hinapit ang bewang ko dahilan para mag dikit talaga kami. Dinilaan niya muna ang labi niya saka nilapat iyon sakin. Rinig na rinig ko ang bawat kabog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Parang huminto ang mundo dahil sakanya. Hindi ko alam kung nagugustuhan ko ba yun. Yung utak ko ang nag sasabi na mali yun pero yung puso ko parang nagiging marupok dahil ginugusto iyon. Bahagya ko siyang tinulak para matigil yung halikan namin.

"What's the problem? I'm giving you back the kiss I stole from you." patay malisya niyang sagot. Putcha na reason yan.

"Gagi ka! Hindi yan ang ibig kung sabihin!" I have to stay cool para di niya malaman na partly ginusto ko yung halik niya. Hindi ito pwede. Maling mali kahit saang angulo tignan. Nag kunwari pa akong nag punas-punas ng bibig.

"Does my breath smells bad??" Inosente niyang tanong at inamoy-amoy pa niya hininga niya. Minsan nag tataka ako kung isa ba yan sa tactics niya para maka hakot ng chixs or natural na talaga na ganyan siya.

"Hindi. Ah basta. Bahala ka! Umiwi na tayo. Nakakadalawa ka na! Kainis ka!"

"Kainis? But why do I have this feeling that you want more." He said in a seductive voice.

"Psychic ka ba? Tantanan mo ako Bisente ah." lumayo ako ng bahagya sakanya kasi parang may mainit na di ko ma explain sa pagitan namin at kung mag kalapit kami eh parang may kuryente.

"What the hell?? 'Bisente'? Where did that come from??"

"Vincent pangalan mo eh. Sa lugar namin, pag Vincent ang pangalan, matik Bisente itatawag sayo." Phew! Buti nalang naiba agad ang topic.

"The hell??"

"Sige mag the hell ka pa dyan. Pag ikaw binisita ni Lucifer sa panaginip mo, tingan ko lang." pananakot ko.

"That sounds odd..." maniwala tanga HAHAHAHA... "Why are you laughing??"

"Nothing..."

"No. Am I the reason why you're laughing???" sinimulan na niya akong habulin kaya tumakbo na agad ako bago pa niya ako mahabol. Tatawa-tawa pa akong habang tumatakbo habang iniiwasan ko siyang mahuli niya ako. "Come here!" habol niya parin.

"Mahina ka pala eh HAHAHAHA..." nag hahabulan na kami pareho kasi nangingiliti na siya at para na kaming mga bata sa kakatawa at kakatakbo.

Napagod na kami sa pag hahabulan nung maisipan namin maupo na ulit sa likod ng sasakyan niya. Masyadong madali ang oras, di namin namalayan na papalubog na pala ang araw. Pinag mamasdan namin pareho ang pag lubog ng araw at ini-enjoy kung gaano kaganda ang view. Tahimik ang paligid at masyadong romantic ang ambiance dahil sa pag lubog ng araw. Isang sign nalang talaga ang hinihintay ko para malaman kung malapit ko na bang makita ang the one for me. Kasabay ng pag lubog ng araw ang sinabi ni Vinny na ikinawindang ng buong sistema ko.

"The sunset is beautiful, isn't it??" Gulat akong tinignan siya.. "What??" That was the sign I've always been praying for. Yung taong makasama sa pag lubog ng araw. Yung taong kahit nagiging madilim na ang mundo eh makakasama mo hanggang sa dulo. Si Vinny?? As in si William Vincent Araneta-Marcos ba talaga?? Coincidence lang siguro. There's no way na siya yun.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now