CHAPTER 44

920 43 20
                                    


EZRA's POV.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa lumabas na resulta sa general check-up ko, lahat okay naman liban sa isa. May tumor sa utak ko??

"Parang nag-kamali yata yung bigay na resulta sainyo, Master." tinignan ko pa talaga ang pangalan kung akin ba talaga yun. Ezra Michaela Libradilia, akin nga itong results. Hindi ko alam kung anong dapat kung isipin, papaano yung kapatid ko pag nawala ako??

"I'm sorry, Ezra." he said and sound so pity. Hindi ba ito magagamot na sakit??? Nag simula na mag unahang pumatak ang mga luha ko dahil una kung inalala yung kapatid ko, paano pag nawala ako? Sinong makakasama niya? Maiiwan na naman siyang mag-isa? Ayoko. Humahagolhol na ako sa pag-iyak dahil sa sobrang kaba dahil sa kung ano ang mga posibleng mangyayari sakin. Lumapit kaagad si Master sakin saka niyakap ako at hinayaang umiyak sa balikat niya.

"Bakit sa akin pa ito nangyayari, Master? Hindi naman ako masamang tao, diba?" tuloy parin ako sa paghagolhol. Para akong bata na masyadong nasaktan dahil sa sugat kaya hindi ako matigil sa pag-iyak. Sana nga, sana nga nasugatan lang ako para madali lang maghilom ang sakit kesa magka brain tumor ako. Hindi ko alam kung may nakaka-survive ba sa ganitong sakit. Tinapik-tapik pa ni Master ang likod ko habang hinahayaan lang niya akong umiyak.

"This is just a challenge to you, Ezra. I'll do the very best I can para mabigyan ka ng medical assistance. Hindi kita pababayaan nito." magsasalita na sana ako nung makarinig ako ng yapak sa labas ng office ni Master kaya humiwalay agad ako sa pagkakayakap sakanya.

"Mukha si Vinny yan, Master. Please do me a favor, Calv." ayoko pa munang malaman ni Vinny yung sakit ko dahil nag-iipon pa ako ng lakas para may mapagsabihan ako tungkol dito.

"What is it?"

"Sabihin mo busy ako, hindi muna ako pwede kausapin. Paalisin mo muna siya, Calv. Bigyan ko muna ang sarili ko ng oras para makapag-isip ng maayos kung ano ang gagawin ko. Mag papagamot ba ako or hindi." mukha lang siyang kalmado pero kitang-kita ko yung pag-aalala niya sakin.

"Don't say that. Mag papagamot ka, okay? Hahanap ako ng paraan about that. About Vinny, ako na bahala. Please take time to think and wag ka papasubra sa iyak. As much as I want to comfort you, I have to go. May meeting si President maya-maya.

"Kaya ko ito. Kayang-kaya ko to. Lumakad ka na, baka mahuli kayo sa meeting. Calv..." hinawakan ko siya sa kamay "thank you..." nasabi ko nalang at may mga luha na namang pumapatak sa aking mga mata. Kita ko kung paano siya naawa sa kalagayan ko. Bakit pa naman kasi sa lahat ng tao, bakit ako pa nagkasakit ng ganito?! "Oh siya. Umalis ka na, baka hinahanap ka na ni Pres." sabi ko at pinilit na ngumiti para hindi niya ako kaawaan. Nung makalabas na si Calvin sa office ay inantay ko muna makausap niya si Vinny at pareho silang makaalis saka ako umiyak ng umiyak at nappaayakap nalang ang aking mga tuhod habang napaupo sa sahig. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Natatakot ako para sa kapatid ko, para sa sarili ko at para kai Vinny. "Lord, bakit sakin nangyayari ito? Naging mabuti naman akong tao, bakit nagkasakit pa ako ng ganito?" panalangin ko. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa tuhod dahil wala na akong maisip na matino dahil napapangunahan ako ng takot.

Nung masyado na akong kumalma sa pag-iyak ay pinahid ko yung mga luhang natitira sa mukha ko bago lumabas sa office ni Master at pumunta muna sa kwarto ko. Masyadong nabasa ng luha yung sout kung uniform kanina kaya mag papalit nalang ako bago pumunta sa bar na tinext ni Vinny sakin. Nakapag desisyon ako na sabihin sakanya ang sakit ko dahil baka matulungan niya ako. Gusto kung gumaling para sa kapatid ko, kahit wag na para sa sarili ko. Mahal ko si Jane at ayaw kung maiwanan na naman diya mag-isa kung mamatay man ako. Nung nakapagbihis na ako ay saktong dumating si Kuya Conrad at pinapasundo daw ako ni Vinny.

"Oh, bakit namumugto yang mata mo? May umaway ba sayo?" alalang tanong niya nung makapasok ako sa sasakyan.

"Ay wala po. Medyo komplikado, kuya. Sabihin ko nalang sayo pag okay na ha." pag papaliwanag ko. Tumango-tango naman siya saka pinaandar ang sasakyan at nag tungo na kami sa bar na sinasabi ni Vinny kung saan kami mag-kikita. Kabadong-kabado na ako dahil di ko alam kung anong posibleng reaction niya kapag nalaman ang tungkol sa sakit ko. Biglang nanlabo ang mata ko sa kalagitaan ng byahi, isa ba ito sa symptoms? Kaya ba palaging dumudugo din ang ilong ko at madalas sumasakit ang ulo ko ay dahil dun? Magsisimula na naman ako iiyak nito kaya pinipigilan ko ang sarili ko.

Di nag tagal ay nakarating kami sa bar na sinasabi ni Vinny. "Nasa second floor daw si Sir. Vinny. Ikaw na bahala sakanya. Intayin ko nalang kayo dito." sabi pa ni Kuya Conrad. Tumango naman ako bago bumaba ng sasakyan at pumasok na agad sa loob ng bar, nag tungo ako sa second floor para hanapin siya nung saktong pag pasok ko nakita ko silang nag hahalikan ni Millie. Para akong nanigas saglit sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.

"Vinny???" halos di ko na marinig yung sarili kung boses dahil mas malakas ang kabog ng aking dibdib at umaasang sa paglingon nung lalaki ay hindi iyon siya pero binigo na naman ako ulit ng tadhana. Nagulat siya nung makita ako at tinignan ulit si Millie, sa sobrang gulat pa ay natulak niya ito. Mali pala ang desisyon ko. Mali ang desisyon ko na sabihin sakanya ang condition ko dahil kitang-kita na mismo ng dakawang mata ko na wala lang ako sakanya. Umalis nalang ako dun at nag dire-diretsong bumaba. Papalapit na ako sa exit nung mahablot niya ang kamay ko.

"Baby, let me explain—" Sa sobrang galit ko ay nasampal ko siya agad.

"Sabi mo hindi mo ako sasaktan?! Nangako ka Vin! Nangako ka! Sabagay, ano ba aasahan ko. Wala nga tayong label diba HAHAHAHAA.... bwesit na yan" life is full of disappointments daw pero di ko naman inexpect na iisang bagsakan pala ito. Mabigat na nga yung nararamdaman ko dahil sa nalaman ko about sa sakit na meron ako tapos ito?! Yung taong mahal ko, niloloko ako?! "Don't you ever call me, Vinny. Bumalik kana dun at mag laplapan na kayo ni Millie! Mga walang hiya kayo!" inagaw ko agad ang kamay ko sakanya saka tumakbo papalabas ng bar. Lumalabo na naman ang paningin ko at parang nag 360 yung paligid. "Tulong..." halos pabulong ko ng sabi dahil sumakit masyado ang ulo ko.

"Ezra? Is that you?" may naaninag akong lalaki na papalapit sa gawi ko pero dahil malabo na yung vision ko, hindi ko makita talaga ang mukha niya.

"T-tulong...." yun nalang ang huling naalala ko bago paman ako mawalan ng malay.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now