CHAPTER 28

1.1K 49 0
                                    


Nagising ako sa sobrang ingat ng phone ko, kanina pato tawag ng tawag. Tsk! Kinuha ko agad yun sa bed side table para tignan kung sinong tumatawag. Si Jane? Agad ko yung sinagot.

"Oh napatawag ka?? Ang aga pa ah." bungad ko.

Jane: "Ate!!!! Myghad!! Congratulations!!" halos matanggal na tutuli ko dahil sa tili niya sa kabilang linya.

"Ano?! Teka! Kumalma ka nga. Anong congratulations???" nawala bigla antok ko sa tili niya.

Jane: "Ate!!! Ga-graduate na ako!!! Congrats ate napagtapos mo ako!!!" naririnig ko iyak niya sa kabilang linya. Diko alam na umiiyak na rin pala ako sa sobrang tuwa. Jusko! Ang saya-saya ko. Maraming salamat sa Panginoon at nakapagtapos si Jane. "Ito pa. Yung business natin dito sa Davao, patok na patok. Ate, di na tayo magugutom!!" mas lalo pa akong naiyak sa sinabi niya. Tandang-tanda ko pa nung mga bata pa kami halos ibigay ko na ang pagkain na nakukuha ko para lang di siya magutom, buti nalang talaga may mga kapitbahay kaming mabubuti ang puso at binibigyan nila kami ng ulam at kanin. Malaki talaga ang utang na loob ko sakanilang lahat.

"Hinding-hindi ko hahayaan na magutom tayo, Jane. Congratulations! Proud na proud si ate sayo!" napabangon agad ako sa kama dahil miss na miss ko na talaga siya pati yung mga tawanan lagi namin habang sabay mag-aral.

Jane: "Pano yan, Ate. Sinong mag a-aattend sakin sa graduation ko??" 

"Syiempre ako. Palalampasin ko ba to? Pinaghandaan ko ang pag graduate mo kaya di ako pweding mawala dun. Kelan ba graduation mo??"

Jane: "Next week na ate, makakauwi ka kaya?? Si Papa makakapunta ba??" malungkot niyang sabi. Kahit di kami tunay na magkadugo ni Jane, parang tunay na kapatid ko yan, Papa na nga rin tawag niya sa taong umabandona samin para sumama sa kabit niya.

"Wag muna hanapin ang matagal ng ayaw magpakita. Uuwi ako kahit anong mangyari. Mag ce-celebrate tayo ha. Natanggap mo naba yung pinadala ko sayo? Ikaw na bahala pagkasyahin yun ha." half ng sweldo ko, sakanya ko agad pinapadala dahil pinalipat ko na agad siya sa disenting bahay nung nagsimula na akong kumita. Naalala ko nung first time may sarili kaming kama, talon kami ng talon sa tuwa dahil ang lambot ng higaan namin. First time namin ma experience magka shower ang banyo. As in, naabot namin yun paunti-unti dahil sa pagsisikap namin.

Jane: "Nako! Ate, wag kana mag-alala dyan. Binayaran ko na lahat ng dapat bayaran at yung sobra is nilagay ko sa banko para naman may pera tayong naitatabi. Ako na din bahala sa negosyo natin. Basta, ate. Wag kang magpapagod dyan. Mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal kita..." bumuhos na naman mga luha ko dahil sa sinabi niya. Miss na miss ko na talaga tung makulit nato.

"Oh siya, sige na. May duty pa ako eh. Tawagan nalang kita kapag nakapagpaalam na ako sa head namin na uuwi ako dyan. Mag-iingat ka lagi. Love you too..." binaba ko na agad ang tawag. Saka ako nag patuloy na umiyak. Natutuwa ako dahil ga-graduate na ang kapatid ko at the same time halo-halong emosyon ang nararamdam ko pero hindi ko maintindihan kung bakit. Ah basta! Ang importante, maging masaya ako dahil masaya ang bungad ng umaga ko. Pinunasan ko na agad ang mga luha ko at bumangon na para maligo. Mugto na naman ang mga mata ko kaka-iyak. Di parin mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Vinny kagabi. Nagugustuhan na niya ako?? Tss! Naguguluhan lang siguro siya. Partly gusto ko maniwala pero playboy siya eh. Hanggat hindi ko yun maramdaman, dapat matatag ang gwardya ng puso ko para hindi na naman masaktan.

Pagkatapos ko maligo ay nag bihis na kaagad ako at nag-ayos ng buhok at kailangan pangkuin parin. Minsan ko nalang malugay itong buhok ko kaya nagiging kulot na talaga. After ko maayos ang sarili ko ay lumabas na agad ako ng kwarto. Sana di kami mag pang-abot ni Vinny. Napaka-awkward, di ko alam kung anong sasabihin ko or pano ko siya titignan.

"Morning..."

"Ay piskot!!" muntikan na ako matalisod sa hagdan dahil sa may kung anong biglang nag salita sa likoran ko. Pagkalingon ko si Vinny na nakatopless at pajama pero nakasabit ang shirt sa balikat niya.

"Sorry... I didn't mean to scare you." hinging paumanhin niya. Muntik na malaglag puso ko dahil dun!

"Ah? Okay lang. Okay lang. Sige, baba na ako." halos mataranta na ako at naunang bumaba sakanya. Naalala ko mga halik niya sakin kagabi na may halong gigil pero hindi inyon pwede. Alam kung wala lang yun para sakanya dahil naguguluhan lang siya. Naupo na agad ako sa dining para kumain. Tamo to, sinasadya talaga eh, uupo ba naman sa harap ko. Kinuha niya yung shirt sa balikat niya at sinout yun sa harapan ko. Lintik! Nanandya ba siya??

"Enjoying the view??"

"Feeling" bulong ko saka inirapan siya. Kumuha na agad ako ng kanin at ulam nung mabigyan na ako ng kape. Nag-simula na kaming kumain at nakikita kung nag nanakaw ng tingin siya sakin. Ang awkward na nga eh tas palalalain pa niya. "Bakit? May sasabihin ka?" di na ako napagpigil at nakipagtitigan na rin sakanya. Olats siya, siya una bumawi ng tingin eh.

"Nothing. I just wanna let you know na may charty work tayong pupuntahan. We'll help my cousin, Gov. Matt and my brother, Kuya Sandro." tumango-tango nalang ako habang nagsusubo na para makaiwas sa mga titig niya. Lintik na Vinny to! "I'll go change first. Wait me here." sabi niya pagkatapos namin kumain. Umakyat na siya sa taas para magbihis at saktong lumabas si Conrad na nakabihis na din, kasamahan ko siya sa pagbantay kai Vinny.

"Magandang umaga, Kuya. Na late ka ata ng gising. Late kaba nakatulog kagabi? Kumain ka na??" sunod-sunod kung tanong nung makalapit na siya.

"Oo. Kumain na ako. Nahuli ako pag gising, pano ba naman kasi, nag lasing yan si Ser Binny kagabi. Ayon, nag-wala sa harden kagabi kaya inawat ko. Tulog na lahat ng kasambahay kaya ako na nag asikaso." nag wala si Vinny kagabi? Bakit?

"Kuya, Vinny po. V hindi B." pag correct ko. "Bakit ho siya nag-wala??"

"Ewan ko sa batang iyon... Nag lasing tapos nag-wala na. Kita mo yung mga paso basag na basag." kaya pala angdaming lupang nakakalat dito sa Patio area, nagwala pala si Vinny kagabi. Lagot siya kai Mayordoma, mahal pa naman nun itong mga halaman niya.

"Patay siya kai Mayordoma." umagree agad si Conrad. Pareho naming alam na mahal ni Mayordoma yung mga halaman dito. Patay talaga siya pag gising nun.

"Magandang umaga, Ser." bati ni Conrad pagkalpit ni Vinny samin.

"Good morning..." bati niya naman. "We have to go. We don't want to be late." tumayo na kami at sumunod sakanya.

"Ba't ka nagbasag kagabi??" mahingang boses na tanong ko sakanya. Tinignan niya ako na parang what the fuck ako sa paningin niya.

"It's because of you." malamig niyang sabi at naunang pumasok sa naka park niyang sasakyan. Nabuang na, ako pa nasisi ngayon. Kasalanan ko kung bat nag basag siya? Abay gagi pala ito eh.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now