CHAPTER 25

1.2K 53 0
                                    


Nagising ako bandang alas 5:48 ng umaga na masakit ang ulo ko. Konting beer lang ininom namin ni Borgy kagabi pero tinamaan na ako. Natapos nalang kami ni Borgy mag-inoman, di parin nakauwi si Vinny. Nakatulog nalang ako kakaintay sakanya. Nagpapakasaya na yun kai Millie, baka nag homerun pa silang dalawa. Kainis! Nakakagalit siya! Inisa akong bumangon sa higaan at nag tungo sa banyo para makaligo na agad. Mugtong-mugto pa mata ko kakaiyak kagabi nung makaakyat ako dito sa kwarto. Si Borgy sa guestroom naki tulog kasi di na daw nya kaya mag drive dahil tipsy na. Naligo ako saka nag bihis ng hindi uniform kasi mukhang day-off ko ngayon dahil kaninang madaling araw nakadating dito yung kasamahan kung PSG. Ewan ko kung ano ang desisyon ng head. Bumaba na agad ako after magbihis, napag-desisyonan kung mag ripped jeans saka plain shirt. Pag labas ko ng kwarto saktong nakita ko si Borgy lumabas sa guestroom.

"Ang aga mo nagising ah. Good morning." bati ko sakanya nung makalapit siya sa gawi ko.

"Good morning. Is it early for you to wake up at this time??" natatawa niyang sabi. Pag tingin ko sa relo alas 7 na pala. Grabi. Ganon ba ako katagal maligo at mag-bihis?

"Di ba masakit ulo mo??" concern kung tanong sakanya habang papababa na kami ng hangdan. Nakatingin lang ako sakanyan habang sinasapo niya ang kanyang sintido.

"Masakit—wait!" mabilis pa sa alas kwatro hinapit niya ang bewang ko inakap papunta sakanya, dahilan para magkayakapan kaming dalawa. "Careful. You might fall" sabi niya habang nagkatitigan kami. Ba't parang double meaning yun. Tinignan ko ang likoran ko, may balde paka dun nung lalagyan ng mop, matatalisod talaga ako kung di ako hinila ni Borgy. Tanga ka, Ezra, yan tuloy.

"T-thank you..." nasabi ko sa sobrang kaba dahil magkalapit lang ang mukha namin, kapag gumalaw ako mahahalikan ko na siya. Dahan-dahan akong umatras para makatayo ng maayos.

"What the hell?!" pareho kaming nagulat ni Borgy s boses na nag-salita galing sa taas. It was Vinny. Dali-dali siyang bumaba papunta sa gawi namin at pareho kaming dalawa ni Borgy na matalim niyang tinignan. "Seriously?? Dito talaga sa bahay namin?!"  parang may kung anong tumarak sa puso ko dahil sa sinabi niya. After what he did to me last night? Yan labg matatanggap ko?? Walang emosyon ko siyang tinignan saka sinadyang banggain bago bumaba. Galit na ako sakanya, anong tingin niya sakin, malandi? Gago ka pala eh!

Naupo agad ako sa lamesa at inantay si Borgy nakababa na sinundan ni Vinny hanggang sa makaupo sila. "Why your not wearing uniform? We have meetings to attend." pahabol pa niya. Nagsimula na akong mag sandok ng kanin at ulam. Wala ako sa mood kausapin siya. Balakajan.

"It's her day off." si Borgy na mismo ang sumagot dahil nag mukhang tanga si Vinny kakaintay sakin sumagot.

"What?? Why are you wearing that?? And why are you here, Borgy??"  naguguluhan niyang tanong saka binaling ang atensyon kai Borgy na nagsimula ng kumain. Ako naman eh kumakain lang sabay inom ng kape. Galit ako sakanya pero instead na bulyawan siya, sinarado ko muna tenga ko sa mga sinasabi niya hanggang sa maubos ko kinakain ko.

"I'll just finish what I'm eating then i'll answer your question." sagot naman ni Borgy. Nakatoun lang ako sa pagkain dahil di ko maatim tignan si Vinny baka mabigwasan ko to bigla. Walang bakas na he feels sorry for letting me walk kagabi na mag-isa, iniwan niya ako for no good reason. Tahimik na kaming kumakain at nakikita ko si Vinny sa gilid ng mata ko na papalit-palit ang tingin samin ni Borgy.

"Kunin ko lang jacket at phone ko." direktang sabi ko kai Borgy matapos ko maubos yung pagkain ko at tumayo na agad. Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Vinny ang pulsuhan ng kamay ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sakin saka tinitigan siya sa mata. Paibi-ibang emosyon ang nakikita ko sa mga titig niya pero di yun sapat para patawarin ko siya sa ginawa niya sakin kagabi. Winakli ko agad ang kamay niya saka nag lakad palalayo saka umakyat. Pagkakuha ko sa mga kailangan ko ay di na ako nag tagal at bumaba na naman. Nakita kung nag-uusap sina Vinny at Borgy na nakabihis na pala.

"Bro, you don't own her. What are you up to, Vinny? Your acting like immature lately." rinig kung sabi ni Borgy.

"Cause she's mine, Bro. She's literally my PSG" sagot naman ni Vinny. The reality slap me, yun lang talaga ako sakanya. Walang kwenta yung nangyari kahapon. "Who's gonna be my security now?!" dun na ako lumapit sa gawi nila.

"Conrad will be your PSG for today." singit ko sa usapan nila.

"What about you?? Where are you going?? Why are you dress up like that??" sunod-sunod niyang tanong. "Are you gonna let me go out alone???" biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Pucha!

"Nung iniwan mo ako sa entrance gate ng village kagabi may reklamo ba ako?? Nung para akong timang nag tatanong kung may problema, nagalit ba ako nung wala kang sinagot?? You kick me out in your car and let me walk alone pauwi ng bahay. You went on the bar 2 times na wala kang PSG kasama. Tas ngayon mag re-reklamo ka? Si Conrad ang magiging PSG mo today. Diba na aalibad-baran ka sakin?" nagpipigil ako ng iyak habang sinasabi ko yun sa pag-mumukha niya. Nakakagalit naman kasi yung sinabi niya. Ba't parang kasalanan ko pa na di niy naintindihan na si Conrad ang PSG niya ngayon at day off ko naman. Saktong lumabas si Conrad na naka uniporme na at kakagaling lang kunain.

"Sir, good morning po." bati niya nung makalapit samin.

"Good morning din po." sagot ko pabalik. "Ito si Conrad, ang PSG mo for today." pinakilala ko na kai Vinny kahit masama loob ko sakanya. Sinusubukan ko maging civil kai Vinny dahil boss ko parin siya after all.

"You heard her, Vin. Conrad will be your PSG for today." pag-uulit pa ni Borgy na may halong pag didiin. "Let's go??" aya niya sakin.

"Where are you going???"  Pahabol ni Vinny nung papaalis na sana kami ni Borgy.

"Somewhere you don't know." Borgy simply answered at hinila na niya ang kamay ko papaalis sa harap ni Vinny at di pa nakontento, inakbayan pa ako nung papalabas na kami ng bahay. "I don't know what really happened but I can see your disappointments towards Vinny. I'll help you release your stress. I know some place." masigla niyang sabi at iginiya ako sa nakapark niyang sasakyan.






Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now