CHAPTER 53

948 50 20
                                    


Nakatulog na ako kagabi kaka-isip kung tama ba talaga yung nakita ko sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa gawi namin nung papasok kami sa ospital. Mababaliw na ako kaka-overthink if si Vinny ba talaga yung nakita ko or hindi. Tsk!

"Sa palagay mo, Ate. Si Kuya Vinny ba talaga yun?" simula nung magising ako, yan na palagi yung tanong niya sakin. Kainis to!

"Kung sure ako Jane edi sana di na ako nag-ooverthink ngayon. Tsk!" pagtataray ko.

"Sorry naman. Ito naman, highblood masyado. Kiss nalang kita." saka siya ngumuso at aktong e-kiss ako.

"Kiss my butt. Ikaw ha, laylow ka muna kakasama kai Calvin. Ang corny niyong dalawa." reklamo saka siya inirapan.

"Bitter ka lang kasi wala kang love life HAHAHA..."

"Heh! Cheesy ninyong dalawa!" saka ko binato dakanya ang balat ng saging.

"Pero ate, kahapon. Nung sinabi mo yung pangalan ni Kuya Vinny, parang nasaktan si Kuya Borgy. Yung expression kasi ng mukha niya eh parang may something." ultimo ang kapatid ko napapa-isip na sa ikinikilos ni Borgy. Bumalik sa isip ko yung sinabi niya kahapon na he likes me daw. He likes me lang pala eh, ang tanong, hanggang kailan? Aist!

"Reporter ka ba? Dami mong I therefore conclude. Bilisan na natin mag-impake dahil gusto ko na umalis dito sa ospital." ngayon ako e de-discharge. Nag request kasi ako na ituloy yung pag papagamot ko kahit di na sa hospital. Ang laki kaya ng bills namin, binayaran lahat yun ni Borgy.

"Oh heto na. Tapos na ako dito." sabi niya. May biglang kumatok sa labas ng pintuan saka ito pumasok at bumungad saamin si Borgy.

"Are you guys ready? Nabayaran ko na lahat." tanong niya. Nagtalo pa kami about the bills dahil ayaw kung siya ang mag bayad. Hindi naman ako gold digger para ipasalo lahat sakanya porke magkaibigan kami.

"Oo, kuya." naunang binitbit ni Jane yung dalawang bag at ako naman ang nag bitbit sa isa kaso kinuha agad ni Borgy para siya na daw ang mag dadala.

"Calvin's on duty so tayo na muna for now. Diretso na tayo sa condo ko." wiks niya nung papalabas na kami sa kwarto. Nagulantang naman agad ako.

"Ano?! Teka? May nakuha na kaming pad para pansamantalang tumira doon ni Jane since di pa ako pwede umuwing Davao." angal ko.

"Jane and I already talked about that. It will be safe if you stay in my condo, di ko naman yun nagagamit." tinignan ko agad si Jane saka siningkitan ng mata. Peace sign nalang talaga tangi niyang nagawa.

"Sorry ate...hehehe.."

"Don't blame her. I was the one who asked her if you both could stay at my condo. In that way, I wouldn't have to worry about anything." depensa niya. Sumakay na kami agad sa elevator at diretso sa basement kung saan naka park yung sasakyan niya.

"Borgy, madami ka nang ginawa para sakin. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba ito. Nakakahiya na." nahihiya na ako sa subrang dami niyang naitulong saakin. Ayokong umabot sa punto na sa dami na niyang naitulong ay hindi ko na alam kung paano ito babayaran.

"Shhh... Don't say that. Please accept my offer. I won't ask anything in return. I just want you to be safe and well." pag-iinsist pa niya. Wala na akong ibang magawa kundi tanggapin ang alok niya dahil pag nakipag-talo pa ako, siya pa din mananalo sa huli. Mapilit yan eh kagaya ni Vin—Aist!  "Hmm?" tanong niya nung napa-dabog ako ng paa.

"Ah wala. Thank you sa lahat ng ginagawa mo, Borgy. Walang sawa akong magpapasalamat sayo."

"No beggie." sabi niya sabay ngumiti at kumindat. Nakarating kami sa basement at tumungo agad sa sasakyan niya. Tinulungan niya muna si Jane ipasok yung mga gamit namin sa trunk habang ako naman ay nakatayo lang malapit sa hood ng sasakyan niya. Bakit pamilyar yung sasakyan na nakapark lang din sa harap ng sasakyan ni Borgy? San ko ba ito nakita? Tinititigan ko muna yung driver's seat pero masyadong tinted ang salamin kaya wala talaga akong makita from here. Napapaisip nalang ako kung bakit pamilyar sakin itong sasakyan na ito.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now