CHAPTER 26

1.2K 53 13
                                    

Buong byahi namin ni Borgy siya talaga ang nag o-open up nang topic. Hinahayaan ko lang siyang nag kwento ng mag kwento dahil nag e-enjoy akong nakikinig sa mga stories niya. Wala kaming hanging na usapan kasi after sa isa, meron na namang bago or karugtong na kwento. Bakit hindi nalang sakanya ako nahulog?? Bakit kai Vinny pa na malabong mahalin ka pabalik kasi chickboy siya. 'Pagudpud' basa ko sa malaking signage. Nagulat ako nung biglang umangat ang roof ng sasakyan ni Borgy.

"Prepare to see the nice long way drive view here in Pagudpud." amaze na amaze ako sa pag angat ng roof ng sasakyan niya, di pa ako nakontento, sinundan ko pa kung paano ito automatic na matago mismo sa taas ng trunk. Di masyadong mainit kaya bagay ang weather na to kahit walang roof ang sasakyan niya ngayon. Nag-simula kaming dumaan sa napakagandang tanawin nang dagat.  Nagugulo ng hanggin ang buhok ko pero wala akong pake dahil tuwang-tuwa akong pagmasdan kung paano kaganda ang dagat dito sa Pagudpud. Nag punta naman kami sa Saud beach.

"Wooy!! Grabi ang ganda dito!!!" sigaw ko nung makita ang kabuohan ng beach. The white sand, open calm sea, at kitang-kita ang mga windmills galing dito. "Grabi ang ganda dito! Mawawala stress ko dahil dito."  pahabol ko pa. Lumingon ako sa gawi niya at nagulat ako na kanina pa pala siya nakatingin sakin.

"You're more beautiful when you smile genuinely. SMILE" sabay totok niya sa cellphone sakin at narinig kung nag click. Pinicturan ba naman ako.

"Hoy ang pangit ko sa mga stolen. Ano ka baaa" tinry kung agawin yung phone niya para burahin yung picture ko pero tumakbo lang siya kaya nag habulan kami. Pinong-pino ang buhangin dito kaya di masakit sa paa kada apak ko.

"No way. You look beautiful kaya on the picture." sabi pa niya pero tumatakbo parin kasi hinahabol ko siya.

"Ang pangit ko dyan. Burahin mo yan, Borgy..."

"Naah... Let me keep this photo. I swear, you look beautiful in every angle." diretsahan niyang sinabi. "I'm not lying. Swear." saka nag cross pa siya ng heart.

"Ikaw ha, mambobola ka rin pala."

"Upo muna tayo dun." turo niya dun sa swing. Naupo muna kami habang minamasdan ang napaka gandang beach at dinadama ang preskong hangin. "Is Vinny courting you??" nabulunan ako sa sarili kung laway dahil sa sinabi niya. Napaka random naman kasi ng tanong niya.

"No." I simply answered. Hindi naman talaga niya ako nililigawan. Di nga ako sure sa feelings niya para sakin. Meron ba talaga or pinaglalaruan lang niya ako? Ewan. "Bakit mo naman natanong?"

"He said something about you earlier." bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ano naman kaya ang sinabi ni Vinny? Don't tell me sinabi niya na may nangyari samin? Sasakalin ko talaga siya.

"Ano naman yun?" kahit kabado ako ay kailangan ko parin kumalma dahil baka di pala yun yung sinabi ni Vinny.

"He owns you. I don't know what does he mean by that." nakahinga naman ako sa sinabi niya. Buti nalang walang sinabing iba si Vinny.

"Hayaan mo na yun. Akala niya lang siguro mahahawakan niya ako sa leeg. Chickboy pinsan mo kaya akala niya lahat madadali niya." nadali na nga ako eh. Nagsisimula na ako magsisi sa katangahang ginawa ko.

"Your right. Maybe he was just messing me around." nakatitig lang ako sa kawalan at binubusog ko ang mga mata ko sa ganda ng view. Ito yung tanawin na di ako magsasawang tignan hanggang sa mamatay ako. Favorite place ko na ito.

"May ibang sinabi pa ba siya sayo??"

"Wala naman. We should do this often." sabi niya.

"Ang alin??"

"Hang out sometimes. Nakaka-enjoy ka kasama eh." napangiti naman ako agad sa sinabi niya.

"Sus nambola ka pa. Nagkataon lang to na day-off ko. Baka nga matanggal ako sa ginagawa ni Vinny na umaalis na walang kasamang PSG."

"Much better." abot hanggang tenga yung ngiti niya habang sinabi yun.

"Anong much better ka dyan?? Gusto mo matanggal ako sa trabaho??"

"Yeah. So I could hire you as my assistant." gulat ko agad siyang tinignan.

"Ano?! Assistant mo??"

"Oo. Assistant at the same time guard. You almost broke my arms last time." pang-asar niya.

"Kainis to. Nakakahiya talaga yun and I swear pinagsisihan ko yun."

"Naahh... I think that was meant to happen. If that didn't happened? I would've a chance meet you." malumanay niyang sabi. Ewan ko kung kikiligin ako or masasapak ko siya.

"Heh! Pinagsasabi mo dyan?? " Isa din to, parang pa fall din. Mag pinsan talaga sila.

"HAHAHAHA nothing..." halos makita ko na gilagid niya dahil sa pagtawa. Cute, halos mawala na mata sa singkit. "I'm starving. Let's eat." pag-aaya niya. Tumayo na kami sa swing at pumasok sa loob ng resto dito sa beach. Hinayaan ko lang siya mag order ng food. "You like pasta? Cesar salad?..." madami pa siyang sinabi pero diko maintindihan.

"Pasta nalang." yan lang familiar sakin eh. Mahirap kumain pag di ka pamilyar sa pagkain. Dika mabubusog. Tumango naman siya at yun ang sinabi sa waiter na order namin. Tahimik lang ako habang nag-aantay kami sa order namin. Iniisip ko parin si Vinny kahit anong oilit kung iwas na isipin siya. Nagagalit ako pero nakakahanap parin yung puso ko ng reason para di magalit sakanya.

"Is something bothering you??"

"Huh?" nabalik ako bigla sa wisyo dahil sa sinabi niya. "Ah... Wala. Iniisip ko lang anong next move ng head namin."

"Don't stress yourself about that. Anyways if you get fired, you'll be working with me." sabi niya sabay kindat. Maharot din ito eh. Natigil lang kami sa pag-uusap nung dumating ang order namin. Woohh pasta, ang sarap mo kahit tinitignan palang kita. "It seems like you fell inlove with the pasta." natatawa niyang sabi sabay abot ng tinidor.

"Ang sarap kasi kahit tingin palang. Pano pa kaya pag natikman ko na." biglang nanlaki ang mata ni Borgy sa sinabi ko at parang mabubulunan sa kinakain niya. "Hoy! Okay la lang?? Ito, juice oh." sabay abot sa juice niya.

"I'm fine. I'm fine hahaha... That was double meaning." sabay ngiti ng nakakaloko.

"Gagi ka! Ang dumi mo mag-isip. Right in front of my pasta? Really?" nag-aasaran na kami at panay tawa habang kumakain. Chill lang kami pareho. Nagiging comfortable na ako kai Borgy pero di parin maialis sa isip ko si Vinny kahit alam kung di naman ako iniisip nun. Kaya kakalimotan ko muna siya ngayon. Bahala siya dyan.

"Let's wait for the sunset before umuwi." sabi ni Borgy. Teka? Tama ba yung narinig ko? Gusto niya makasama ako manoud habang papalubog ang araw? Teka. Sign ko yun para sa the one ko ha. Sino ba the one ko? Si Borgy or Vinny?? Halaka! Nagkagulo na.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now