CHAPTER 06

1.1K 54 28
                                    

"Enjoying the view??" he said in a hoarse voice.

"Yuck! Ang baho ng hininga mo!" madali-dali ko siyang tinulak at tumayo ako ng maayos.

"Ay wow! Sa lahat talaga ng dapat pansinin mo, yun pa talagang morning breath ko??? Iba ka ha..." bumangon siya agad sa pagkakahiga at umupo muna sa kama, tumambad sakin ang topless niyang katawan.

"Hoy mag damit ka nga!" Kadiri! Tumalikod agad ako sa gawi niya nung makita kung tanging boxers lang talaga ang suot niya.

"I love it when you're blushing." nagulat ako sa biglaang bulong niya sa likoran ko. Ramdam ko ang presensya at init ng katawan niya sa likod ko.

"Lakas ng amats mo! Mag bihis ka na may lakad ka pa!" dun na ako madaling lumabas sa kwarto niya at narinig ko pa siyang tumawa bago isara ko ang pintuan niya. Baliw! Alam na ngang awkward yung sitwasyon mas pinalalala pa niya. Palibhasa dinadala niya sa pa charming siguro yung mga babaeng nakaka date niya kaya sanay na sanay siya sa ganong galawan. Huh? Sinabi ko bang charming siya? Pssh! Hindi noh! Ang feeling niya!

Irita akong bumaba sa hagdan kasi di mawala sa isip ko yung itsura niya kanina na nakaupo sa kama na gulo-gulo ang buhok, naka topless at boxers lang ang sout. Baliw ka Ezra! Wag mung iisipin yan! Bumalik na ako sa garden dahil ma babadtrip lang ako kapag iisipin ko yung nangyari.

"Oh? Bat naka busangot ka dyan?" bungad ni Kuya Rony pagkarating ko sa garden.

"Ay hindi noh. Nakuha ko na ear piece ko, Kuya." pinakita ko agad ang tenga ko na nakakabit na ang ear piece.

"Wag mo yan lagi kalimutan ha. Lagot ka talaga kai Master pag nag kulang ka sa gamit while on duty." Payo niya.

"Sir. Yes, Sir!"

"Good. Gising na ba si Sir, Vinny?"

"Opo. Bababa na din yun pag nakabihis na. Bakit po?"

"Mauuna na kami ni President kasi iba naman lakad nila. Ipahahanda ko lang kotse niya."

"Sige po. Maraming salamat, Kuya." dun na tumayo si Kuya at pumasok sa loob para hanapin ang naka tokang driver para kai Sir, Vinny ngayong araw.

Mag ka-kalahating oras na nung nakababa si Sir, Vinny at nakabihis pormal talaga. Dumeritso siya agad sa garden kung saan ako nag aantay habang kunwari nag lilinis ako ng baril dahil ang awkward ng sitwasyon namin ngayon or ako lang yata ang naiilang saaming dalawa. Palibhasa sanay na siguro si Sir pumorma sa babae kaya hindi na yan bago sa mga ganong galawan para ma fall sakanya. Neknek niya!

"Where's Kuya Rony?" sabi niya nung makaupo na harapan ko.

"Pinahahanda niya na po yung kotse niyo, Sir." sagot ko habang iniiwasan siya tignan. Tama nga ako, ako lang ang naiilang dahil sa nangyari kanina.

"Did dad left already??"

"Not yet, Sir. He's still on the study room." ramdam ko mga titig niya sakin pero ako na mismo ang umiiwas sa di ko alam na kadahilanan.

"Okay... I have lots of meetings to attend to for morning and I have to go on my cousin's event for evening so I hope you take down notes." confident niyang utos. Aba't!

"Sir, I'm your personal body guard, not your secretary. But, I'll still take down notes for that. Noted!" naging tahimik na rin kami pareho after sa sinabi ko. Ewan! Pangit niya ka bonding.

"This is getting boring. Any suggestions for us to have fun???" seryoso niyang tanong. Tinignan ko agad siya sa mata bago sumagot.

"Mag barilan nalang tayo."

"What the—?? Bakit ganyan kayo? Is it normal in your province to play with gun everyday?? Also, VP Sara likes to say that in my face. Like, is it really normal??" nakaisip ako ng biro dahil sa sinabi niya.

"We eat bullets for breakfast. Just a typical day for us." namilog agad ang mata niya sa sinabi ko.

"So the rumour is true??" parang naging interesado siya sa sinabi ko. Hayst! Hirap niya biruin, naniniwala agad.

"What rumour?"

"That people in your province are really tough and powerful also death is just nothing to you."

"That is not a rumour but it's a fact. We are not afraid to die but we are afraid what will happen to our loveones. Well, totally normal for a human being to be scared of death but naah..." we are more independent and raise to be tough in any times.

"Oh well... Sounds scary but amazing. This is not a joke, right?"

"Joke sana kaso sineryoso mo." basag ko agad. Parang gusto niya tampalin ang noo niya sa sinabi ko.

"Ang gulo mo kausap. Is the car ready? We have to leave." nag paging lang ako sa ear piece din kinomperma na nila na naka ready na yung kotse ni Sir, Vinny.

"Ready na daw, Sir." dun na kami tumayo at pumunta sa harapn ng bahay nila kung saan naka park yung sasakyan niya.

"How's your first day sa kwarto mo?" tanong niya out of nowhere habang nag lalakad kami.

"Di ako nakatulog masyado, Sir. Nag aadjust pa ang katawan ko. Masasanay din ito."

"Gusto mo tabi tayo?"

"Gusto mo balian kita ng buto?" lumayo agad siya sakin habang dume-depensa sa katawan. Takot lang niya!

"Harsh. I was just making your sleep more comfy. You know, cuddles are the best option to boost your melatonin." Neknek mo!

"Naah... I can handle myself." minsan talaga nakakalimutan kung boss ko siya sa sobrang kulit. Sarap batokan sa pagiging maharot!

"I'm making your sleep more comfy na oh..."

"Balakajan!" nauna akong mag lakad sakanya para pag buksan siya ng car door. Pagka pasok niya ay dun naman ako sa front seat umupo katabi ang driver. Alam na nila kung saan dapat pupunta si Sir, Vinny kaya dire-diretso na agad ang takbo ng sasakyan.

Natapos lahat ng morning meetings ni Sir, Vinny at mga walang katapusang contract signing and ground breakings. Grabi, nakakapagod pala talaga yung ginagawa nila kasi pag katapos ng isang event, meron namang naka schedule agad so tuloy-tuloy na lakad namin.

"Let's have lunch sa BGC. I'm starving." sabi ni Sir, Vinny sa driver. Tahimik lang ako nakaupo sa front seat at nag mamasid sa paligid dahil kailangan double yung ingat namin kai Sir, Vinny since may death threat na siyang natatanggap mula pa noon.

"Okay, Sir." pinaandar na agad yung sasakyan at pumunta na kaming BGC. Di naman kalayuan dahil malapit lang naman yung last building na pinuntahan namin para sa contract signing.

"Come, sit beside me." sabi niya nung makarating na kami sa isang restaurant dito sa BGC.

"Dito nalang po ako, Sir." dali-dali akong umupo katabi ni Manong driver. Nakakatuwa na sinasama niya kami ilibre sa ganitong restaurant. I mean, meron kasing iba na hindi caring sa mga staffs nila. Sinamaan niya agad ako ng tingin pero ginantihan ko lang siya at ginaya ang ginawa niya.

"What would you like to order, Manong? Ezra?" sabay pakita niya ng menu samin. Una ko talagang tinignan yung tumatagingting na presyo bawat serve. Bigla akong nalula sa subrang mahal. Nagkatitigan agad kami ni Manong at pareho kaming naguguluhan kung tatawa ba kami or hindi. "My treat. Pili na kayo." dagdag pa niya. Jusko nakakahiya pumili kai ang mamahal naman ng pagkain.

"Kung ano nalang sainyk, Sir. Hindi kami pamilyar sa mga ganyang klasing pagkain eh." umagree agad ako kai Manong kasi pareho kami ng iniisip.

"Alright. Waiter..." tawag niya sa waitress na ang laki ng ngiti nung makalapit kai Sir, Vinny at gustong mag pa picture sakanya. "Okay... Can I have a platter of this...this.. and this... One serve of this..." andami niyang tinuturo sa menu. Jusko! Nagkatitigan nalang kami ni Manong na napipigil tumawa dahil andami niyang inorder eh tatlo lang kami.  Take note, platter yan kaya expected na andaming serve. Grabiha maka this this oy. Kuyawan sad ta.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now