CHAPTER 42

920 49 6
                                    


"Kita mo mukha ni Amarilio kanina??? HAHAHAHA" ayan nag tatawanan na kami sa loob ng sasakyan after namin ma drug test at ma check-up. Kabado talaga ako habang kinunan ako ng dugo kanina para sa general check-up pati pa CT-scan, para akong ipinasok sa kweba. "Tignan mo, halos malukot na yung mukha sa pag kuha ng dugo kanina HAHAHAHA" sabay pakita niya ng picture samin. Natatawa nalang ako habang tinignan silang inaasar si Amarilio. "Oyy.. nananahimik yung isa na takot din pala sa karayom..." sabay tingin nila sakin. Oh no... Ako na naman aasarin nila. Pinakita niya agad yung picture ko kanina habang kinukunan ng dugo at nakahawak ang isa kung kamay sa arm rest ng upuan.

"Woy!! Grabi kayo ha!" patuloy parin sila sa pag tawa habang tinitignan yung mga stolen pictures kanina sa ospital. Ang kukulit din nila, nakipag-picture pa sa mga nurse. Lakas din ng trip eh. "Ikaw nga halos matawag na lahat ng santo kanina kasi kabado ka sa karayom, pero nung nakita mo yung nurse na mag tuturok bigla kang naging matapang." balik kung asar sakanya.

"Ay syiempre, kailangan maging matikas talaga." pag mamatapang niya sabay pakita pa sa mga muscles.

"Ah talaga? Sumbong kita sa asawa mo." singit ni Amarilio. Biglang siyang nanlumo agad, takot yan sa asawa niya eh. "Oh! Tamo, nanghina ka bigla HAHAHAHAHA la ka pala eh!"

"Wala eh, mas nakakatakot pa asawa ko kesa sa karayom. Oy! Wag mo yan isumbong sa asawa ko ha. Gusto ko pa mag bagong taon." nagtawanan na naman kami sa sinabi niya. Pag sino talaga matapang eh may asawang amazona. Buong byahi nag-aasaran lang kami na parang magbabarkada kahit malayo ang agwat ng edad ko sakanila, di nila ako tinuring na iba. Nakarating kami sa isang bar kung saan andun si Sir. Vinny. Pag-usapang bar, di ko to kaya, sakit sa mata yung mga pag patay sindi ng ilaw at malalakas na tugtug.

"Bantayan niyo yan si Sir. Vinny. Baka malagot na naman tayo kai Master." usapan namin bago pumasok sa loob ng bar at hinanap na siya, naiwan yung tatlo sa labas para magbantay din dahil laging request ni Vinny na di damihan yung mag babantay sakanya.

Di ko alam itong bar na to dahil iba ito nung napuntahan kung bar sa Ilocos. "Excuse me. Saan dito yung VIP room??" tanong ko sa waitress na nakasalubong namin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago sagutin. Taray!

"Ayon sa taas oh." mataray niyang sagot saka umalis. Aba! Nag tatanong ng maayos. Tumingala agad ako at una talagang nahagip ng mata ko si Vinny, nag iinom na naman habang may mga kausap at may katabi pang babae. Nang gagago ba siya?? Putaena. Ang gulo niya, akala ko ba may something kami? Ay gago! Wala? Di nga nanligaw eh. Ano pa ba aasahan ko? E playboy yan. Ambobo ko naman at hinayaan kung mahulog sakanya, pero pucha, bakit niya ako sinundan sa Davao kung wala lang yun para sakanya? Bakit niya ako sinurprise ng sky lanterns kung wala lang?? Dahil sa daming iniisip ko, di ko namalayan na may nakabangga akong lalaki.

"Sorry po." hinging paumanhin ko agad saka aalis na sana nung marahas niyang hinablot ang kamay ko.

"Anong sorry?? Ganon na lang yun?! Binangga mo ako tas mag so-sorry ka lang?!" may amats na yata ito, halatang lasing.

"Sir, pasensya na po, hindi ko po sinasadya na mabangga ka." pormal ko paring tono dahil baka akalain niya nag mamatapang ako. Hindi ko nga sinasadya eh.

"Payag ka nun pre? Binangga ka lang ng isang babae tas sorry lang sasabihin???" gatong nung isang kasamahan niya na mukhang lasing na rin. Nag sorry na nga ako eh. Tinignan ako nung nakabangga ko mula ulo hanggang paa.

"Total mukhang okay ka naman... Katawan mo nalang gawin mung kabayaran." Seryoso ba siya?? Ang bastos pala ng bunganga nito.

"Gusto ko yan, Pre. Yan nalang pambayad mo." gatong na naman nung kasama niya. Mga manyakis talaga! Aktong hahawakan na ako nung unang lalaki sa mukha nung tinampal ko ang kamay niya kaya nag bounce back papunta sa pisnge yung sarili niyang kamay.

"Putangina!!" sigaw niya. Mapapaaway yata ako nito. Imbes ako na umiiwas sa away, sila na mismo lumalapit sakin. "ANO?! AARTE KA PA?! PWES PAPAWIS LANG TAYO" nag taas siya agad ng sleeve at nag luluwag ng necktie nag hahamon na ng away.

"Wag kana makisali, Kuya." utos ko sa kasamahan kung PSG. Malaki tiwala nun sakin kaya alam niya di ako olats dito. Aamba na siya nung suntok nung makaiwas ako kaya mas lalo pa siyang nagalit. Sumuntok naman siya nung nahuli ko kamay niya saka inikot yun papunta sa likod kaya ininda niya agad ang sakit, umamba naman yung isa niyang kasama na sumuntok pero sinipa ko siya sa tyan kaya napaatras siya agad. Nakabawi ng tayo yung lalaking hawak ko at nasuntok niya ako sa mukha, nalasahan ko ang mala kalawang na lasa ng dugo sa gilid ng bibig ko.

"Putanginang babae ka!" umamba siya ng suntok nung nakatikim siya ng uppercut bago ko siya na high kick kaya natumba siya agad. Nagkakagulo na sa paligid namin dahil sa ginawa na kaguluhan nitong mga gonggong na ito. Umamba na naman sumugod yung kasamahan niya kaya hinawakan ko agad ang kamay niya saka hinila sakin at yumuko ako para makasampa siya sa likod ko at tumayo ako para salampak siyang bumagsak sa sahig. Di paman ako nabawi nung sumugod na naman yung isa at niyakap ako galing likod kaya nahirapan agad ako gumalaw dahil masyadong hinigpitan niya pagkakayakap sakin. "Wala kanang kawala ngayon!"

"Sure ka??" sagot ko pa bago inuntog ang ulo ko sakanya. Sa subrang tikas ng ulo niya, ininda ko yung sakit ng ulo ko pero kailangan ko parin lumaban. Sinipa ko itlog niya sa likod kaya kumawala siya sa pagkakayakap sakin at nagkaroon ako ng pagkakataon na makawala at ambahan siya ng suntok sa mukha saka nag ready stance at nag front kick sa alaga niya bago nag hammerfist punch. Napabulagta nalang siya sa sahig dahil sa sobrang sakit sa pag sipa ko sa pagkalalaki niya. Kita kung bumangon pa yung kasama niya kaya aambahan ko sanang sipain sa tyan.

"Wag!! Parang awa mo na wag! Pasensya na! Sorry..." pag-mamakaawa niya. Ang lakas mag hamon, di naman pala kaya panindigan. Naghahabol pa ako ng hinga dahil di rin sila biro kalaban, malalakas din eh.

"Anong nangyayari dito?!" sulpot nung mga bouncer. Kahit kelan, late na dumadating yung mga taga awat eh. Kainis! "Hoy! Kayo na naman!?!" dinampot na nila agad yung mga lalaki na nakaaway ko na halos di na makatayo ng maayos. Yung isa namantal agad ang mukha dahil sa mga suntok ko, yung isa naman duguan sa labi at bandang mata. Pinagpagan ko agad ang jacket ko nung may humigit sakin.

"What the fuck are you doing here?!" galit na giit ni Vinny. Kinagat ko ang parting labi kung nasaan dumudugo kanina pa di niya makita na natamaan ako ng suntok. Ako dapat magalit sakanya eh! Hinawakan niya ako sa pisnge at tinignan yung tama ko sa labi. "Look at your lips! Fuck! What the hell happened?!?"

"Eh sir, ang babastos naman kasi nila. Binastos si Ezra. Pinaglaban lang niya sarili niya." depensa ni Amarilio sakin. Tinignan niya ako, wag mong sabihin ako na naman sisishin niya kung ba't ako nabastos?! Isusunod ko talaga siya dun sa mga lalaki na nakalaban ko. Nagulat ako nung niyakap niya ako bigla.

"Thank God your okay. You got me worried. I'm sorry if I wasn't there to protect you." mas lalo pa niyang hinigpitan pagkakayakap sakin.

"Vin. Vin, di ako makahinga. Bitaw na." tapik-tapik ko sa likod niya. Kitang-kita sa mga mata niya yung pag-aalala sakin. "Okay lang ako, lagyan ko lang ito ng ice." tukoy ko sa pumutok kung labi. Umalis na kami sa bar dahil nadampot na naman yung mga lalaki at si Vinny ang nakipag-settle sa may-ari ng bar kung bakit nag kagulo dahil dinepensan ko lang ang aking sarili.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now