CHAPTER 41

1K 44 1
                                    


"Ate, mag-iingat ka dun ha. Thank you dahil umuwi ka para sa akin. Wag ka papalipas ng gutom dun. Mamimiss kita." halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Jane at yumakap sakin. Balik trabaho na ako kaya kailangan ko ng bumalik sa Manila. "Ikaw, Kuya Vinny. Wag mong sasaktan ate ko ha. Lagot ka sakin. Payakap nga." napa-poker face nalang ako nung niyakap niya si Vinny at ang tanggal pang kumalas.

"Oh tama na yan. Masasakal mo na si Vinny eh." ako na mismo nag pahiwalay sakanya kai Vinny kasi wagas makayakap.

"Hmp! Hug lang eh." kunwari pa siyang nag pout. Bigla akong nandiri. Feeling cute!

"Aguy yuck! Ampangit mo tignan. Wag munang uulitin yan." sabi ko.

"Ay grabi siya oh. Sige na nga, umalis na kayo. Baka mahuli pa kayo sa flight. Mag-iingat kayo ha. Thank you ate! Love you..." nag yakapan na agad kami saka siya humalik sa pisnge ko.

"Mag-iingat ka palagi dito. Yung pinto wag mo kakalimotan e lock kahit andyan ka sa loob. Love you too..." binitbit ko na yung bag ko at nilagay sa trunk ng taxi bago sumakay. We bid our goodbyes for the last time bago maka-alis yung taxi namin papuntang airport.

"Private jet is already there." sabi ni Vinny after mag-baba ng phone dahil may katawag. Taray ng sasakyan namin, private jet na naman nila, lakas maka VIP. Oh well... anak nga pala ng Presidente si Vinny. Nakahawak lang siya sa kamay ko buong byahi, di ko maiwasan mapatanong. Ano ba talaga kami? Ano bang status namin? We kissed, cuddle, make-out, and do romantic surprises pero wala namang label. Hindi niya naman ako nililigawan, di din niya naman ako inalok kagabi nung sinurprise niya ako. So ano nga ba talaga kami??

Nakarating kami sa airport at nag dire-diretso nag boarding. Tirik na tirik yung araw tas kailangan pa namin mag lakad bago marating kung saan nag aantay yung jet kaya nababad talaga kami sa init. Buti nalang may nag bitbit ng gamit. Pagka-akyat namin ay dun palang kami nakahinga sa sobrang pagod. Pinaupo niya na ako kasi wala na kaming dapat sayangin na oras, para kaming nag mamadali nito eh. Iinom na sana ako ng tubig nung mag tagpo ang tingin namin ni Vinny na para bang may something sa mukha ko.

"Your nose is bleeding..." nataranta niyang sabi. Inabot niya agad ang tissue saakin at tumayo pa para matulungan akong punasan ang dumudugo kung ilong. Yan na nga sinasabi ko eh! Masyado akong natamaan ng araw kaya ayan, nose bleed na naman.

"Ako na, kaya ko na. Salamat. Upo ka na dyan." utos ko saka kumuha pa ng isang tissue para punasan na naman ilong ko.

"How are you?? Does your head hurt??" alalang tanong niya. Siya na mismo ang nag abot ng tubig sakin habang ako naman ay nag pupunas parin sa ilong ko.

"Masyado lang mainit sa labas kaya ayan. Okay lang ako. Keri ko ito." pampagaan loob ko sakanya saka uminom ng tubig. Pag-aalala niya parin ako tinignan kahit sinabi ko ng okay ako. Itutulog ko nalang siguro to bago kami makarating ng Manila kaya hinayaan na niya muna ako akong makatulog buong byahi.

"Baby..." naramdaman kung may tumatapik-tapik sa pisnge. Kahit inaantok pa ako ay pilit kung idinilat ang mga mata ko. "We're here. Wake up." sabi niya. Napaayos agad ako ng upo at lumingon-lingon sa paligid pati sa bintana, nakalapag na pala kami sa Manila.

"Kanina pa ba tayo nakarating??" tanong ko habang inaayos yung buhok at sout ko na nagulo siguro dahil sa pagtulog ko.

"20minutes ago. As much as I don't want to wake you up cause I know your tired, we really have to go." siya pa mismo nahiya nung ginising ako. Loko talaga, siya amo dito tas nahiya siya nung ginising ako.

"Sana ginising mo na ako nung pag landing natin. Halika ka na." tumayo na ako at nauna pa bumaba ng jet sakanya. Inantay ko lang siya makababa at nag dire-diretso na kami sa exit kung saan nag-aantay ang sasakyan nila, yung ibang PSG nalang ang kukuha sa mga gamit namin. "Saan tayo pupunta, Sir?" back to normal boss/employee tandem na naman kami dahil maraming matang nakatingin saamin.

"Office." he said in a serious tone. Ba't nag bago bigla ang mood niya? Sinusumpong na naman yata sa pagiging bipolar. Tumango lang ako saka nakipag-apiran sa mga kasamahan kung PSG dahil na miss daw nila ako. Wala eh, ako bunso nila dito.

"Nag-enjoy ka sa leave mo no?" tanong ng isa kung kasamahan.

"Oo, kuya. Masaya na din ako kasi nakita ko grumaduate yung kapatid ko."

"Paki sabi congrats sa kanya. Anong ginagawa ni Sir, Vinny sa Davao??" bulong pa niya. Nag-isip ako ng ibang dahilan kasi ayoko naman pag-isipan nila ng di maganda si Vinny.

"Nag kataon may meeting sila dun." tumango-tango naman sila. Buti naniwala, nakahinga naman ako ng maluwag. "Naka duty tayo, umayos kayo dyan." natatawa kung puna bago kami pumasok sa sasakyan. Hindi ako naka-uniform dahil di ako na inform na back to duty na pala agad-agad pag lapag namin dito sa Manila, okay na din yun. Para mawala sakit ng ulo ko galing sa byahi kanina. Nakarating kami sa office ni Sir. Vinny dahil may meetings daw siyang dadaluhan kaya lahat ng PSG nakatambay muna sa pantry area para kumain at tumambay dahila mahaba-haba na naman yata itong meeting nila.

"Oy, alam mo ba yung bagong mando ni Master??" panimulang kwento ng iba kung kasamahan. Mga tolits din pala itong kasamahan ko 'tol, anong latest?' mga galawan. "Lahat tayo ipapa-mandatory drug test at general check-up." napaisip ako agad, bakit bigla-biglaan? May nangyari ba dito nung wala ako?

"Kuya, may nangyari ba dito nung wala ako?" di ki na mapigilan di mag tanong.

"Wala naman pero mag kumakalat kasi na isa sa member ng PSG, gumagamit nang ipinagbabawal na gamot." halos pabulong na niyang wika. Namilog agad ang mata ko sa sinabi niya, kung meron? Sino naman? Alam naman nila na isa yan sa number 1 kontra ni Master. Lagot talaga yan pag nahuli. "Nga pala, first batch ka kaya ngayon ang schedule mo sa drug test at check-up."

"Agad-agad?? Grabi, ako talaga pinauna niyo." reklamo ko. Di naman ako takot ma drug test pero takot ako sa karayom. Naalala ko first check-up ko before pumasok sa training, halos ma yupi na yung hawak kung bottled water sa sobrang kaba.

"Ikaw lang babae dito eh. Di ka naman siguro gumagamit diba?"

"Oy hindi ha. Ano... yung karayom kasi." sabi ko sabay kamot sa batok kahit di naman makati.

"Takot ka din pala sa karayom. Katulad ka ni Carding." turo niya sa kasamahan na nakaup sa harap namin at nakikinig na ngayon ay tumatawa dahil sa hiya na takot siya sa karayom. Nakipag-apiran nalang ako sakanya kasi brotherhood alpha takot sa karayom eh. Unang turok, comatose agad. Lintik na linyahang yan, na trauma ako.

"Libradilia, Amarilio, Gomez, Lee, Sendo." biglaang roll call ni Master kaya tumayo kaming mga tinawag niya saka nag salute. "Batch 1. Follow me outside." isa-isa na kaming tumayo saka binitbit ko lang yung leather jacket ko at phone. Andun lang naman yung ibang gamit ko sa sasakyan. Sumunod na kami kai Master Calvin sa lobby ng company ni Sir. Vinny. "Welcome back, Libradilia." bati ni Master.

"Sir. Thank you, Sir!" snappy kung sagot.

"Alright. As all you know, may kumakalat na balitang isa daw member nang PSG ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ayoko sa lahat yung mga pasaway at walang kwenta sa grupo ko kaya umayos kayo. Kung malaman ko lang kung sino yun, malalagot talaga. We all should undergo mandatory drug test and also general check-up para na din incase hingan kayo ng mga papeles, di ninyo na kailangan ma-hassle. Naka prepare na yung sasakyan ninyo, sila na bahala ang magdadala sainyo sa hospital." agad na kaming pumunta sa sinabing sasakyan ni Master para madala na kami sa ospital dahil kailangan din namin bumalik eventually. Kalmado lang naman ako sa drug test kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Mas kinakabahan ako kung may mag positive sa mga kasamahan ko, may pinagsamahan na kaming lahat eh. Lahat kami masasaktan pag malaman namin na isa pala samin eh gumagamit. Sana wala talaga, pag nagkataon, masakit yan para saamin.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now