CHAPTER 32

1.1K 47 3
                                    


Granted ang request ko na mag leave for one week dahil uuwi ako sa Davao. Tumawag si Head Calvin kagabi na approved yung leave ko at sila mismo ang bumili ng ticket ko pauwi sa Davao. Di ko muna sinabi kai Jane na ngayon ang uwi ko. Ang epic ng pagtawag ni Calvin kagabi kasi umiiyak ako dahil nga nasaktan ako sa sinabi ni Vinny kagabi sakin sa bar. Kahit galing akong umiyak ay sinubukan kung hindi mahala yun ni Calvin. Mamayang hapon ang alis ko kaya maaga akong nagising para makapag-impaki. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kai Vinny na aalis muna ako. Bahala na, di kami okay. Di naman siguro ako kawalan, baka matuwa pa yun.

Matapos ko mag-impaki ay bumaba muna ako para kumain ng agahan. Buti nalang wala siya para di awkward habang kumakain. Nakita ko gising na si Conrad at kumakain na nang almusal.

"Oh? Ba't dika naka uniporme? Dika papasok?" bungad niya nung makababa ako. Nakapantulog pa kasi ako nung bumaba kaya siguro nagtaka siya.

"On leave na po ako ngayon. Uuwi akong Davao, graduation kasi nang kapatid ko." nakangiti kung sagot. Excited na ako makita ang reaction niya sa pag-uwi ko.

"Ganon ba? Nakakatuwa naman yun. Sabihin mo congrats sakanya at napakaswerte niya na naging ate ka niya. Masipag kang bata. Oh sya, kumain ka na." inaya niya ako kumain at siya pa mismo ang nag-abot ng kanin sakin. "May maghahatid na ba sayo??"

"Mag ta-taxi nalang siguro ako. Busy lahat ng tao eh." sagot ko. Nag simula na akong kumain habang nag kwentohan kami.

"Mukhang walang lakad si Sir. Vinny. Hatid nalang kita, iha." pag-alok pa niya.

"Talaga po?? Naku, baka maabala pa kayo."

"Ano ka ba? Wala yun noh. Parang kapatid na turing ko sayo. Masipag kang bata kaya proud ako sa mga ginagawa ko." para akong maiiyak sa sinabi niya. Buti pa yung ibang tao, nakakaya yang sabihin sakin, sarili kung tatay di ko man lang narinig na sinabi yan sakin. "Oy bat ka naiiyak? May masakit ba sayo??" bigla siyang nataranta at nabitawan pa kutsara-tinidor niya. Akmang tatayo na sana siya nung pigilan ko at pinunasan ko agad ang aking luha.

"Hahaha... sorry po. Di ko lang napigilan ang sarili ko. First time ko po kasi makarinig nyan." natawa nalang ako sa sarili ko dahil umiyak ako ng hindi namamalayan.

"Bakit?? Di ka ba nasabihan ng ganon nang mga magulang mo??" umiling-iling nalang naisagot ko kasi maiiyak na naman ako nito. Apaka iyakin talaga. "Ulila ka na ba???"

"Buhay pa po Papa ko kaso di na namin siya nakikita." mapait akong natawa sa katotohanan na mas concern pa yung ibang tao sa kalagayan ko kesa sa sarili kung ama.

"Malungkot akong marinig yan, Iha. Naku wag na natin yan pag-usapan para hindi kana malungkot. Ito, kumain ka pa." sabi niya at nilagyan pa ng ulam ang plato ko. Natatawa ako sa ginagawa niya kasi alam niyang pagkain ang mag-papasaya saakin.

After namin kumain eh tumambay muna ako sa garden dahil tapos na akong mag-impake. Mukhang di na ako makapag-paalam kai Vinny kasi tulog padin hanggang ngayon eh tanghali ang flight ko from Laoag to Manila tas Manila to Davao dahil walang straight flight na available. Isang linggo lang akong mawawala pero parang ma mi-miss ko siya. Ewan! Kahit nasaktan ako sa sinabi niya kagabi ay di ko parin magawang magalit ng todo sakanya. Ayan na naman tayo sa pagiging marupok eh. Nag check muna ako ng mga social media accounts para pampalipas oras.

"Hey..." biglang kumabog ang puso ko dahil sa nagsalita sa likod ko. Si Vinny ba??? Dahan-dahan akong lumingon at nadismaya ako nung si Borgy pala ang nandun.

"Oyy hi..." bati ko. May lahi din yata tung kabute si Borgy eh. Sumusulpot lang bigla-bigla kahit saan. "Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka?" direkta kung tanong.

"Wala naman. Galing ako kela Simon, dun sa kabila." turo niya sa isang malaking bahay na katabi nito at bakuran lang ang pagitan. Teka, bahay pala yan nila Honey??? Di ko alam yun ah. "I just drop by to say Hi. Are you busy??"

"Hmm...hindi naman."

"Maybe we could hangout, again?"

"Naku... mamayang hapon yung flight ko papuntang Manila, uuwi kasi ako sa Davao. On leave na nga ako ngayon eh. Akala ko kasi may pag-uusapan lang tayo."

"Wait. Did they fired you??" agad niyang tanong.

"On leave nga ako. Di ako tinanggal HAHAHAHA.... Graduation kasi ng kapatid ko and gusto ko andun ako." I proudly said. Napangiti siya agad sa sinabi ko at siya na mismo umupo dun sa harap ko.

"Is that so?? Well then, ako mag-hahatid sayo sa airport. I badly wanna come with you in your hometown but I have lots of works to do here. Maybe next time I can travel in your hometown." he said in a long face. Ang cute din niya eh tas napaka gentleman pa. No wonder madaming babae ang nagkakandarapa sakanya.

"Si Conrad sana maghahatid sakin."

"Ako na. At least we could say goodbye before sending you off." offer niya.

"Maka sending you off ka ha, para akong patay nyan." humagalpak agad siya ng tawa dahil sa sinabi ko.

"No HAHAHAHA I wasn't like that HAHAHAHA gosh you make my tummy hurts. No, I didn't mean like that." sinabayan ko nalang siya sa pagtawa niya. "What time is your flight?"

"12:50pm."

"Alright. Since it's still..." tumingin muna siya sa relo niya bago patuloy na nagsalita. "9:56am. Maybe we could just go now para makapag-hangout muna tayo sandali." napangiti agad ako sa sinabi niya. Magandang idea yun.

"Sige. Maligo lang ako at magbihis, mabilis lang to. Ibaba ko na din mga gamit ko." tumayo na kaagad ako at tumakbo papasok sa loob saka umakyat, saktong pagkalabas ni Vinny sa kwarto nya kaya natigilan ako pag takbo sa papunta sana sa kwarto. Nag tagpo mga tinginan naman pero tinignan lang niya ako saka nilagpasan saka bumaba sa hagdan. Di man lang ako binati?? Tsk! Matamlay akong pumasok sa kwarto at naligo nalang para ma light yung mood ko. Kainis siya! Siya pa talaga may gana di ako pansinin! Kainis! Kainis ka Bintot! Tamo, makakabawi din ako sayo. Kainis ka!

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now