CHAPTER 45

960 46 1
                                    


"Is she okay, Doc?" nakarinig akong may mga nag-uusapan sa paligid dahilan para magising ako. Napatingin ako sa ceiling nung ma realize na hindi ko naman ito kwarto. Teka? Asan ba ako?? Bakit puro puti yung paligid? Nasa hospital ba ako??

"Hey...your awake..." it was Borgy who saved me?? "I saw you running outside one my friend's bar so I followed you but then you passed out. I brought you here cause I don't know what to do. Are you okay??" punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha habang nag-tatanong sakin.

"Ah? Oo.. oo, okay lang ako. Teka, diba nasa Ilocos ka?" takang tanong ko. Last kasi niyang text sakin is nasa Ilocos Norte pa siya at madaming ginagawa.

"Tinapos ko na lahat ng dapat ayusin so I can go back here and hang out with you but I think your not feeling well. Good thing I saw you earlier or else the floor will catch you." biro niyang sabi. Ako naman ay parang naguguluhan kung magsisimula na ba akong mangamba dahil lumalabas na yung ibang mga symptoms sa sakit ko. Should I tell him? "Anyways, Is Vinny at the bar?? Is he making your life hard again?" Oo. Pinapahirapan na naman niya buhay ko. Hindi pa nga ako okay dahil sa nalaman ko about sa sakit ko tapos dumagdag pa si Vinny na nakipagtukaan kai Millie.

"Andon siya—" natigilan ako sa pagsasalita dahil bigla tumunog ang aking cellphone. Nakita ko na nakalagay ito sa table katabi ng kama. "Si Master Calvin..." napalunok nalang ako ng laway at nag dadalawang isip na sagutin yun.

"You should answer that. They must have been worried about you. I'll buy us something to eat so you could also have privacy." sabi niya at nag paalam na lalabas muna. Sinagot ko na agad ang tawag nung pagkasara na ni Borgy sa pinto.

Calvin: "Where the hell are you?! Everyone is worried sick about you." galit niyang bungad pagkasagot ko palang.

Ezra: "Master, sorry kung pinag-alala ko kayo. May nangyari kasi."

Calvin: "What?? What happend? Are you alright?" ang kaninang galit niyang boses ay ngayon napalitan na ng pag-aalala.

Ezra: "Bigla akong nawalan ng malay kanina nung nakipagkita ako kai Sir. Vinny"

Calvin: "What?! Where are you? Pupuntahan kita dyan." medyo nataranta ako sa sinabi niya na pupuntahan niya ako dito. Minsan ang OA din mag react niya kasi eh.

Ezra: "E te-text ko nalang sainyo yung pangalan ng ospital kasi diko alam anung address dito." yun lang ang nasabi ko at pinatayan na ako ng phone. Loko talaga.

Unti-unti akong bumangon sa kama dahil masakit parin yung ulo ko at parang nag wa-wave yung paligid. Hindi pweding manghina nalang ako bigla, hindi ko pa nasasabihan si Jane. Kung mawawala ako, anong mangyayari sa kapatid ko? Bakit ba kasi binagsakan ako ng ganitong problema eh. Tulak-tulak ang poste kung saan nasabit ang dextrose ay nag tungo ako malapit sa bintana at pinag masdan ang mga ilaw ng bawat sasakyan at matatayog na buildings. Unti-unti ng lumalabo ang aking paningin at lumiliit ng lumiliit ang bawat ilaw na nakikita ko. Wala akong ibang magawa kundi umiyak dahil napapangunahan lagi ako ng takot sa kung ano ang susunod na mga mangyayari.

"Ez—hey..." nataranta si Borgy na lumapit sa gawi ko nung nakita niyang wala ako sa kama ng ospital. "Why are you crying? May masakit ba sayo? Are you hungry?" sunod-sunod niyang tanong. I can see how worried he is seeing me crying without saying anything. He cupped my face then wipe down my tears. "Everything's gonna be alright..."

"No.. no.. I don't think this will gonna be alright..." tuloy-tuloy parin ako sa pag-iyak at walang kupas sa pag-hikbi. Yung gustong-gusto ko nalang sumabog dahil sa sobrang sakit na nararamdan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa eh.

"Is there something you wanna tell? I can listen. I'm always here to listen." sinusubukan niya talagang hulihin ang tingin ko. Hindi ako makatitig ng diretso sa mata niya dahil anytime mag bre-break down na ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko pa kaya na may makaalam sa kalagayan ko. Ayokong kaawaan nalang nila. May tiwala ako kai Borgy pero ayoko na muna na may ibang makaka-alam ng pinagdadaanan ko talaga. Umiling-iling lang ako at pilit kinalma ang sarili ko dahil ayokong mag-alala pa siya sakin. "I brought you some foods. Also you favorite... Tada~~ wiggles." pinakita niya yung isang pack ng wiggles. Naalala niya na favorite ko yung wiggles, yan kasi pinagbibili ko nung nagpunta kaming Pagudpud at nakita ko yung isang convenience store na nag bebenta ng ganyan. "Stop crying na." parang bata niya akong kinakausap at inabutan pa ako ng tissue para punasan yung mga luha ko. Kahit humikibi parin ako ay pinahiran ko na yung mga luha sa mukha ko para hindi na mag tanong si Borgy kung ano ba talaga ang problema.

"Naalala mo pa pala yung paborito ko." sabi ko. Kinuha niya muna yung folding table at dinala sa gawi ko saka nilapag yung mga pagkain na binili niya.

"Of course. I remember everything that involves you. Opps..." kinuha niya agad ang pack ng wiggles sakin saka inilayo. "Eat that later. For sure di kapa nag dinner. Here." siya na mismo ng mixed ng spaghetti saka ibinigay ito sakin. Dinaig ko pa may sakit sa pagiging maalaga niya. Ganitl din kaya si Borgy sa magiging ka relasyon niya? Ang swerte naman kung ganon.

"Salamat, Borgy ha. Kung di dahil sayo baka nabagok na ulo ko sa sahig kanina kung walang sumalo sakin. Life saver ka talaga!" papuri ko sakanya na ikinatawa niya.

"No beggie. I just want you to know that I'm always here for you. I know something is going on but I'll just wait for the perfect time na ikaw na mismo mag share sakin about what really happened. I respect you, Ezra. I'll wait for you to personally tell." those words makes me flattered. Bilib ako sa pagiging gentlemen ni Borgy.

"I will, Borgy. I will." sabi ko. Kakain na sana ako nung napagtanto ko na hindi pa pala ako nakapag-hugas ng kamay. "Wait. Hugas lang ako ng kamay." aktong aalalay na siya jung pigilan ko iyon. "Kaya ko maglakad, no worries." saka ako nag dahan-dahan pumunta sa banyo para umihi na din bago mag hugas ng kamay. Nakarinig ako na may pumasok at nag uusap sa labas. Baka yung Doctor lang at si Borgy yung nag-uusap. Pagkatapos kung umihi at makapag-hugas kamay ay lumabas na agad ako at nagulat ko nag-uusap na si Calvin at Borgy. Nahagip ko ang atensyon ni Borgy kaya napatingin agad ito sakin na parang naawa at nag-aalala ang nakikita ko sakanya.

"Why you didn't tell me na may sakit ka." for how many times, para na naman akong binuhusan ng malaming na tubig sa buong katawan dahil sa sinabi niya. Ngayong alam na niya, what will happen next??



Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now