CHAPTER 15

1.1K 54 0
                                    


Ayon na nga. Pupunta daw kaming Ilocos Norte bukas dahil weekends. Akala ko nag-bibiro lang talaga si Vinny kaso hindi kaya napaimpake tuloy ako ng wala sa oras. Sabi dalhin ko na daw lahat ng gamit ko dahil sa Ilocos na muna siya mag stay for a month dahil masyado na daw crowded ang Manila. Buti naimpake ko lahat agad yung mga gamit ko para di na maaberya sa pag-alis namin. Ito naman kasing si Vinny di man lang nag pasabi ng maaga na aalis pala kami ngayon. Papunta kami sa isang building kung saan may helipad at dun nag aantay yung helicopter nila. Panay ang text ni Borgy sakin kanina pang umaga at nangangamusta if naka-alis na ba daw kami. Nirereplyan ko din naman, madami akong load eh.

"Is Borgy texting you again???" tanong ni Vincent na mukhang mag tataray na naman pag sinagot ko na Oo. Ang gara niya sa suot niya kasi kahit naka pants at white plain shirt lang with matching shades, talagang kapansin-pansin yung kagwapohan niya.

"Nakiki-update lang. Bakit ba??" yan na naman. Nag tataray na naman. Minsan ang gulo niya, nag tatanong tas kapag sinagot, nagagalit.

"Nothing." sagot pa niya saka ibinaling agad agad ang atensyon sa bintana. Ihahatid lang kami ng ibang PSG pero kami lang dalawa ang pupunta sa Ilocos dahil tiwala naman si President sakin na kaya kung protektahan ang anak niya. "Turn off your phone, malapit na tayo." pala desisyon eh. Tinago ko nalang sa packbag baka umalburuto na naman bigla siya. Nakarating kami sa isang building at ayon dahil maraming nakakakilala kai Vinny eh pinagkaguluhan agad siya nung makababa kami. Ang ibang guards nalang daw ang bahala mag dala sa gamit namin paakyat kaya ginawa ko na ang duty ko as PSG to secure Vinny's safety.

"Ma'am please back off." dinumog agad si Vinny kaya marami na kaming PSG ang nag tulong-tulong para hindi maipit si Vinny. Grabi yung mga fans niya na halos magkapalitan na sila ng mukha ni Vinny sa sobrang lapit kung mag papicture. "Distansya lang po konti." kailangan talaga namin matyagan lahat ng lumalapit kai Vinny dahil baka may mga nag di-disguise lang at atakihin siya na maari siyang masaktan. Pinilit namin makapasok sa loob ng building agad kahit marami ng fans nakadumog. Buti nalang talaga safe kami nakapasok sa building. Hindi na allowed ang fans na pumasok kaya ang ginawa nalang ni Vinny ay kumaway galing sa loob ng building at hayaan ang mga fans na mismo ang kumuha ng litrato sakanya. Ayon, ang laki ng ngiti, kita talaga gums sa sobrang saya niya na andaming fans. Pumasok na kaagad kami sa elevator nung maipasok na ng ibang PSG yung mga gamit namin.

"Ezra, your arm." parang gulat na sabi ni Vinny nung makapasok kami sa elevator kasama ang ibang PSG at tinitignan ang kaliwang balikat ko. May dugo. Teka, saan ko ito nakuha??

"We need medic." pag radyo ni Sir, Calvin sa earpiece niya.

"Sir, okay lang po. Di naman masakit." inangat ko ang sleeve ko para makita kung gaano kalalim yung sugat. Baka ito yung natamaan ng picture frame kanina na bitbit nung isang fan ni Vinny para ibigay sakanya. Medyo malaki yung cut pero di naman ganon ka lalim. Hindi naman gaano ka sakit, hindi ko nga ito namalayan eh not until sinabi ni Vinny. Pag karating namin sa top floor ay lumabas na agad kami at sinalubong agad kami ng medic. Pinaupo muna nila kami sa lounge area para magamot nila ang sugat ko. Matapang akong tao pero alcohol yung isa sa kinakatakutan ko. "Agay! Agay... Wooh agay!" inda ko sa sakit nung lagyan nila ng alcohol yung sugat ko.

"Just a little bit. Hold on." sabi ni Sir, Calvin habang hinihipan yung sugat ko. Ayon nilagyan niya pa ulit ng alcohol.

"Agay. Agay tangina. Aw.. Agay..." inda ko parin. Natatawa na yung ibang kasamahan kung PSG dahil sa sinasabi ko. Pati si Vinny nag guguluhan kung tatawa ba siya or maawa sakin. Di madali lagyan ng alcohol yung sugat ha. Parang sasabog utak ko sa subrang hapdi.

"There you go." saka nilagyan ng benda ni Sir. Calvin yung sugat ko. Nanatiling naka angat yung sleeve ko dahil dun sa part na yun ako nasugatan.

"Salamat, Sir." hinimas-himas agad ni Calvin yung ulo ko. Tumayo agad si Vinny saka pumunta sa gawi namin na di man lang inaalis yung tingin saamin.

"Is she good?? How are you??" tanong niya samin pareho ni Calvin.

"She's good, Sir." sagot ni Calvin. Muntik pa siya matumba nung hawiin siya agad ni Vinny para mapalitan niya sa pwesto agad si Calvin.

"Are you alright??" tukoy ni Vinny sakin.

"Okay lang, Sir. Malayo sa bituka."

"Malayo sa bituka pero sigaw mo nung nilagyan ng alcohol yung sugat mo eh rinig buong floor." pang-aasar niya. Eh sa takot ako dun eh, bakit ba.

"Ikaw kaya masugatan at lagyan ko ng alcohol, di ba masakit?!" konti nalang, mapipikon na ako.

"Eherm. Boss natin yang kausap mo." singit ni Calvin.

"Sorry po, Sir." hinging paumanhin ko.

"No. Just let her be. I like how she talks to me like that. Parang normal lang." Pag tatanggol ni Vinny.

"The helicopter is ready, Sir." sabi ni Calvin nung makasagap ng signal sa earpiece.

"Alright. Kaya mo na ba??" tanong niya sakin.

"Opo. Kaya ko na." nahiya na ako kasi mali naman talaga na ganon ko kausapin si Sir, Vinny.

Nagsi-tayuan na kami at dumeritso na sa rooftop dah dun nag-iintay yung helicopter ni Vinny. Pagkarating namin dun ay pinasakay na kami agad dahil sila na bahala sa mga gamit namin. Nag mistulang VIP na rin ako dahil hindi na nila ako pinatrabaho sa pag hahakot ng mga gamit. Mag ta-take off na kami at damang-dama ko na ang takot ng katawan ko nung maisara na ang pintuan ng helicopter dahil nakapasok na kami.

"Hold my hand." sabi ni Vinny.

"Ayoko." kusa na niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan yung hanggang sa nag simula na kaming lumipad. Grabi yung kaba ko. Nag divorce saglit yung katawan at kaluluwa ko sa sobrang kaba. Nung okay na ang takbo ng helicopter eh tinitignan ko ang ganda ng view sa baba.

"Still hurts??" sabi niya at ewan kung sinadya na bang pindutin yung sugat ko or hindi pero ang sakit talaga.

"Shutaca! Ang sakit!" ayon, nakatikim agad ng power slap sa balikat niya. Kainis! Alam na ngang masakit, mag tatanong pa.

Game On // Vincent Marcos (3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن