CHAPTER 07

1.1K 55 5
                                    

Kayata. Tatlo lang kami kakain pero yung order ni Sir, Vinny pang isang barangay sa sobrang dami. Nag tititigan pa kami ni Manong kasi pareho kaming nalula sa daming pagkain. Halos tatlong waitress ang nag serve ng pagkain at lahat platter ha.

"Sir, kadaghan ba ani oy. Di mani namo mahurot." (Sir, ang dami nito. Di namin to kaya ubusin.) Nakapag bisaya agad ako sa sobrang gulat sa daming pagkain. Platter yung inorder, di lang pang isahang tao. Jusko!

"What?? I don't understand." ultimo siya at si Manong naguluhan sa sinabi ko.

"Sabi ko, andami nito, di namin ito mauubos."

"Ahh... Then ipapabalot so the other staffs at home ang kakain." hindi parin ako makapaniwala sa daming pagkain dito sa lamesa. "Just eat all you want. Wag kayong mahiya. Kain na tayo." nag sisikohan na kami ni Manong kung sino una kukuha ng pagkain. "C'mon. Wag na kayong mahiya." naunang kumuha si Sir, Vinny at nag simula ng kumain. Sumunod na din si Manong kumuha at kumain. Gumaya na rin ako at pinagkukuha kung ano sa tingin ko ang masarap kainin. Although unfamiliar ako sa mga pagkain na ito, gusto kung i-try naman.

"Sarap." sabi ni Manong nung nakailang subo na siya. Tama ang sinabi niya, ang sarap ng pagkain dito.

"I'm glad you love it. Ikaw, Ezra?" tumango-tango ako habang kumukuha ng pagkain kasi nasarapan talaga ako. "Hahaha dahan-dahan lang, di ka mauubosan. Eat well." grabi. Ang sarap ha.

"Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Salamat sa libre, Sir." sabi pa ni Manong.

"Oo nga Sir. Thank you sa libre. Ang sarap nito." dagdag ko pa.

"Always welcome. Isa to sa fave restaurant ko kaya gusto ko ma try din ninyo." Kumuha siya ng tissue sa tabi niya. "You have something on your face.." sabay abot sa tissue sakin at kinuha ko agad iyon saka pinahid sa gilid ng labi ko. "Let me help you.." hinawakan niya agad ang kamay ko at inilagay kung saang parte may dumi. Parang kumabog bigla yung puso ko dahil sa ginawa niya.

"Yieeee...." sabat ni Manong. Tinampal ko agad ang kamay ni Vinny. "Hoy boss natin yan! HAHAHAHA" bahagya akong tinulak ng mahina ni Manong.

"She's always like that, Manong. I'm used to it." paawa effect niya.

"Nang cha-chansing eh!" depensa ko.

"Oy ang feeling ha." may pagka-marites din pala itong si Manong. Hilig makialam hahaha...

"Sinabi mo pa." sagot ni Vinny. Aba naman talagang pag tutulungan pa ako.

"Heh!"

"Let's continue eating baka lumamig yung pagkain." dun na kami nag patuloy kumain. "Uuwi muna tayo sa bahay dahil e uuwi nating tung sobrang food. Mag bibihis din ako bago pupunta sa event ni Kuya Borgy."

"Okay, Sir. Noted!"

Ini-enjoy namin ang pagkain at busog na busog talaga kami. Hindi ko nilubos-lubos ang pagkain kasi baka antukin ako while on duty. Bawal yun saamin. After maibalot lahat ng pagkain na di namin nagalaw ay halos malula na naman kami sa laki ng bills na binayaran ni Vinny. Pang tatlong buwan na sweldo ko na yun.

"Ang galante mang libre ni Sir. Tinalo pa birthday blow-out." bulong ni Manong sakin.

"Sinabi mo pa."

"Let's go??" sabi ni Vinny nung maibalik na ulit yung black card niya. Nauna na siyang tumayo at kami na mismo ang nag bitbit sa mga binalot na pagkain.

Papunta na sana kami sa parking lot nung may mga nakasalubong kaming group of girls at parang pinag-uusapan si Vinny at halatang kinikilig. Sino ba naman kasing di kikiligin eh ang gwapo niya sa suot niyang grey long sleeve na tinupi niya hanggang siko tas black pants with belt pa at nag lalakad lang siya habang nakapamulsa. Hindi ako kinikilig, sinasabi ko lang kung anong nakikita ko. Ah basta!

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now