CHAPTER 17

1.1K 50 18
                                    

Para akong tanga habang nag papalit ng bandage sa sugat ko. After ko kasing maligo eh tinangal ko yung bandage para makita yung sugat ko. Medyo malaki yung sugat pala talaga kaya masakit. Medyo mahina katawan ko dahil masakit ang ulo ko tas isama pa na nasugatab ako. Yan yung ayaw ko sa tuwing nasusugatan ako kasi apektado lahat ng katawan ko kahit di ko gustuhin. Ba't para akong tanga? Inantay ko lang naman si Vinny na bumalik dito sa kwaeto para tulungan akong mag palit ng bandage kasi sabi niya eh. Umaasa ka gorl?? Kainis! Andyan pa na nag bibigay siya ng mixed signals sakin kaya sumsakit lalo ang ulo ko kaka-isip kung totoo ba yun or hindi. Walking red flag talaga siya!

Pagod na pagod na ako at gusto kung mag pahinga dahil di naman daw aalis si Vinny kaya makakapagpahinga talaga ako. Gusto ko bumawi ng lakas yung katawan ko kaya nahiga na agad ako sa kama after ko mapalitan yung bandage sa sugat ko. Pinikit ko agad ang mga mata ko dahil masakit na talaga ang ulo ko at pagod na pagod na ako after a long travel.

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko at nakita kung alas 8 na pala ng gabi. Napasarap yung tulog ko. Bumagon muna ako kahit masakit parin ulo ko saka sinagot yung tawag ni Borgy.

Ezra: "Oy. Ba't napatawag ka??"

Borgy: "Oh. Your sleeping?? Sorry to disturb you."

Ezra: "Okay lang. Kakagising ko lang, napagud ako sa byahi kanina."

Borgy: "Really? Well. Nasa Ilocos na din ako. Hello" parang nagising diwa ko sa sinabi niya kahit slight antok pa ako.

Ezra: "What?? Anong ginagawa mo dito?"

Borgy: "Sa Ilocos din ako nakatira hahaha..." Tawa niya sa kabilang linya. May point naman siya. Lutang pa yata ako.

Ezra: "Oh sige. Mag-iingat ka ha."

Borgy: "Alright. I'll call you later." Huh? Ba't siya tatawag ulit? Sasagot na sana ako nung nag baba na siya ng phone.

Naiwan na naman akong nakatunganga at biglang tumunog yung tiyan ko. Gutom na naman ako. Kahit masakit ulo ko eh bumangon na ako saka nag suot ng tsinelas bago lumabas ng kwarto. Bumaba na agad ako at nakita pa ako nung kasambahay nila.

"Iha, pinagbilin ka ni Sir, Vinny. Kumain ka na. May nakahanda na kaming haponan." sabi niya.

"Ay salamat po. Magandang gabi nga po pala." sinamahan niya alo sa dining table at pinaghanda ako ng makakain. Adobo yung ulam kaya mapapasarp ang kain ko nito. "Nako. Ang sarap naman po nito." sabi ko nung matikman ko yung ulam.

"Salamat, Iha. Paborito din yan ng apo ko. Kumain ka ng marami ha." Tumango lang ako at nilantakan na ang pagkain kasi ang sarap ng luto niya. Nung matapos na ako kumain, saktong dumaan ulit yung kasambahay nila.

"Nag dinner na po ba si Sir, Vinny? Baka malipasan na yun sa gutom." concern yan??

"Nako. Wala naman siya dito. Umalis yun kanina eh." Putangina! Tinakasan ako ni Vinny!

"Ano po?!" Gulat ko. Pati siya nagulat din sa paglaki ng boses ko.

"Oo, iha. Umalis siya kanina lang." patay ako nito! Maling-mali yung ginawa mo Vinny! Nag pipigil na ako sa galit dahil sa ginawa niya. Malilintikan ako nito!

"Alam niyo po ba kung saan siya pupunta??"

"Hindi ko alam eh."

"Okay. Sige, salamat po." hindi pweding umalis ng walang kasama si Vinny! Siraulong yun! Taranta akong bumalik sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Kapag tumawag ako sa head, malilintikan ako. Bwesit! Bwesit talaga! Saan ko naman siya hahanapin eh di ko alam tung Ilocos. Kainis! Kainis ka Vinny!! Ipapahamak mo pa ako. Dali-dali kung kinuha yung jacket ko at phone saka bumaba ulit. Para akong tanga na lumabas ng bahay nila at tumambay sa garden kahit tense na tense na ako dahil di ko alam kung san ko hahagilapin si Vinny. Naiiyak na ako dahil kinakabahan ako. Kailangan ko itong trabahong to at sa ginawa ni Vinny eh baka matanggal ako. Saktong tumawag si Borgy kaya sinagot ko kahit di ko na alam yung ginagawa ko.

Ezra: "Hello??"

Borgy: "Wait. Are you crying??? What happened??"

Ezra: "Tinakasan ako ni Vinny at kapag nalaman ng head namin na lumabas si Vinny na walang PSG kasama, baka matanggal ako. Please tulungan mo akong hanapin si Vinny..."

Borgy: "Come outside. Nasa gate ako." Binaba ko na ang tawag at wala na akong sinayang na oras kaya tumakbo na ako papalabas ng gate kahit di ako nag paalam sa kasambahay nila.

Pinagbuksan agad ako ng guard ng gate kasi sabi ko andun si Borgy sa labas. Nakita ko siya naka crossed arms habang nakasandal sa hood ng sasakyan niya.

"Hey.." bungad niya nung makalabas ako. "Wear your jacket, malamig masyado." lunapit siya sakin at tinulungan akong masout yung jacket ko. "Stop crying. Hanapin natin si Vinny." pinapasok niya agad ako sa sasakyan niya saka siya lumibot para makasakay naman sa kabila at nag drive na papaalis ng bahay at village.

"Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin si Vinny." nag simula na tumulo yung mga luha ko. Para slong tanga sa loob ng sasakyan ni Borgy habang siya panaka-naka akong tinitignan.

"Tissue." sabay abot niya ng pack of tissue. "Mahanap din natin si Vinny. Calm down. Iyakin ka pala noh." pang asar niya. Sinamaan ko siya agad ng ngiti saka humikbi ulit.

"Kabado ako na matanggalan ng trabaho. Siraulong Vincent yun, tinakasan ako. Natulog lang naman ako kasi masakit talaga yung ulo ko." pinunasan ko yung mga luha kung kanina pa hindi tumigil sa pag tulo. Mas takot pa ako matanggalan ng trabaho kesa mamatay.

"He's being playful again."

"Hindi nakakatuwa tong ginawa niya. Malaking impact to pag nalaman ng head namin na lumabas si Vinny na walang kasamang PSG." naiisip ko palang ang consequences, kinakabahan na ako. Nag punta kami sa isang bar at nag park lang saglit si Borgy bago kami bumaba at nauna siyang mag lakad.

"Is Vinny here??" tanong ni Borgy sa mga bouncer. Parang boss kung makapagtanong ha.

"Yes, Sir." pinapasok kami agad ng mga bouncer. Teka, sakanya ba itong bar nato???

"Ikaw may-ari nang bar??"

"Is that bad??"

"Nope. Not at all." sagot ko nalang habang papasok na kami sa loob ng bar. Napakaraming tao at napakaingay ng paligid. Isama pa yung ilaw na ang sakit sa mata dahil iba't-iba ang kulay.

"Where's Vinny??" tanong ni Borgy sa mga nakasalubong niyang waitress.

"Nasa VIP room, Sir. Room 08." sagot nung waitress. Hinila agad ako ni Borgy sa kamay habang tinatahak namin ang papunta sa VIP room. Naka yuko lang ako dahil di ko kaya ang dami ng tao, mas lalong sumasakit yung ulo ko. Pagka akyat namin sa 2nd floor, hinanap namin kaagad ang room 08 st nakita namin yun sa dulong parte. Hindi na kumatok si Borgy at binuksan agad ang pintuan. Tumambad saamin si Vinny na nililingkisan nung babaeng nakita namin kaninang umaga. Miley? Micky?—Millie. Tama, siya nga.

"What the fuck?!!" bulyaw ni Vinny at mukhang galit nung di natuloy halikan nila ni Millie.

"Oppss.." humarap kaagad si Borgy sakin saka hinarangan ang dapat hindi ko makita. Pero huli na siya, nakita ko na nag halikan si Vinny at Millie kanina.

"Ezra?!? What are you doing here?! Fuck!" tumayo agad si Vinny at pumunta sa gawi namin.

"We have to leave." hinila ako ni Borgy paalis sa VIP room kahit tulala na ako sa nakita ko. Parang nanghina ako bigla sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Bro. Stop!" hinahabol kami ni Vinny habang papalabas na kami ng bar. Naabot ni Vinny ang kamay ko dahilan para matigilan kami sa exit door. "Let's go home. Your coming with me." mando niya.

"No. She's with me!" malamig na sagot ni Borgy.

"Back off bro! Let's go." bulyaw na naman ni Vinny. Walang emosyon inagaw ko agad ang kamay ko sakanya.

"Kai Borgy ako sasama. Umuwi ka, malaking kasalanan ang ginawa mo." malamig ko rin wika at naunang mag lakad at iniwang mukhang di makapaniwala si Vinny sa sinabi ko.




Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now