CHAPTER 50

1K 46 3
                                    


2 months after....

"Oh ayan, ate. Maganda ka na." tinignan ko ang korte sa mukha ng kapatid ko. Namiss ko talaga siya, iyak ako ng iyak nun the day na ooperahan ako dahil kabado na ako na baka hindi ko siya makita if mag fail yung surgery.

"Paano maging maganda eh wala na nga akong buhok eh." tukoy ko sa parang nakalbo kung ulo. Nag undergo na din ako ng chemotherapy nung after 1 month galing surgery eh may nakita pang iilan na sa utak ko, pina chemo na agad para hindi na kumalat. Laking tuwa ko na andito na ang kapatid ko at handa akong alalayan sa pag papagaling. Nanghihina parin ako pero pinapalakas nila ang loob ko day by day para  ipagpatuloy yung pagpapagaling ko.

"Anong wala? Meron kaya pero iilan lang. Ah basta! Tutubo din yan. Bagay kaya sayo yung biniling scarf ni Kuya Borgy. Ateeee... ang gwapo niya pala talaga sa personal no?" kilig niyang sabi.

"Pang-ilan mo na ba yang sinabi. Ikaw ha, nung dumating ka dito, siya na palagi bukam-bibig mo."

"Eh kasi naman eh! Ang gwapo niya kaya. Tapos, sweet pa. Alam mo ba kanina, dumaan pa siya para ibigay yang scarf sayo habang tulog ka. Nililigawan ka ba niya, ate?" diretsahan niyang tanong. Busy siya kaka-ayos ng pag lagay ng scarf sa ulo ko para naman matabunan yung mga nag lalagas kung buhok.

"Huh? Hindi ah. Friends lang kami nun." di naman talaga siya nanliligaw ah. Although di ako blind para di makita na may nararamdaman siya sakin pero ayoko naman mag paka-feeling dahil baka mabait lang talaga siya sakin.

"Sus! Yan din sinabi mo nung pumunta sa bahay si Kuya Vinny eh—sorry..." napatigil siya agad aa sinabi niya nung nabanggit niya si Vinny.

"Ano ka ba? Okay lang yun. Wala na akong balita ka sakanya after nung last ko siyang marinig na lasing na lasing sa telepono. Sana okay siya palagi at masaya." napabuntong hininga nalang ako saka tinignan yung mga make-up sa harapan ko na gagamitin ni Jane sakin. "Andami naman nito. Lahat ito ilalagay mo sa mukha ko??"

"Di ah! Concealer lang para di naman masyadong putla yung mukha mo at konting lipstick naman." paliwanag niya. "Pero ate, hindi mo na ba talaga siya kakausapin? I mean, binitawan mo lang naman siya na walang valid reason. Isn't it unfair from his part?"

"Di ko alam, Jane. Wala akong mukhang maiharap na sakanya. Iniwan ko yung tao na walang dahilan. Baka nga galit na yun sakin. Okay na din siguro yun, para naman maka move-on na siya."

"Last time nung nag punta siya sa bahay, takang-taka talaga ako na andun siya tas hinahanap ka niya. Nag maka-awa nga yun na sabihin ko sakanya kung nasan ka eh wala akong masabi kasi pati ako walang alam na umalis ka pala sa PSG." nag simula na siyang mag lagay ng concealer sa under eyes ko. Hinayaan ko lang siyang mag kwento habang ginagawa niya yun. "Nag try akong tawagan ka pero walang sumasagot. Ang hirap kaya nun, iyak ako ng iyak kasi akala ko napano ka na. Nalaman ko na nga lang na may sakit ka nung si Kuya Borgy na mismo tumawag sakin at pinapapunta ako dito sa Manila. Siya lahat ang nag-ayos para makapunta ako dito. Tas malaman-laman ko lang after mo na operahan." mahina pa niya akong binatokan. Siraulo talaga!

"Maka batok ha! Yung ulo ko di pa masyadong magaling. Bangasan kita dyan."

"Sorry naman hehehe... Masaya ako ate at lumaban ka knowing na takot ka sa karayom. At least hindi ka sumuko na hindi man lang sinimulan lumaban. Na kwento na lahat ni Kuya Borgy sakin kung gaano katigas ang ulo mo para pilitin ka nilang magpa-opera." saka siya natawa sa sinabi niya.

"Mas naunahan ako ng takot na baka hindi ako makaligtas sa surgery at mas mapapadali meet and greet namin ni San Pedro. Ayoko pa mamatay eh." biro ko.

"Ang masamang damo, matagal mamatay." pabalik na biro niya. Kapatid ko ba talaga ito? Pinaninliitan ko nalang siya ng mata. "Joke lang HAHAHA..."

"Sorry if hindi ko sinabi sayo yung sakit ko. Ayokong mag-alala ka eh. Ibang klasi ka pa naman mag-alala, dinaig mo pa uuod na nalagyan ng asin halos mataranta."

"Eh. Wala eh, ate kita. Ayokong may masamang mangyari sayo. Edi naiwan akong mag-isa if nawala ka." ngayon naman ay nilalagyan niya ako ng konting blush-on. "Ang importante ngayon, gumaling ka at lumakas ka. Bawal kang ma stress kaya wag kana humingi ng sorry. Naiintindihan kita, Ate."

"Hindi ka naman mag-iisa ha. Andyan naman si Papa" napangiwi agad siya sa sinabi ko. "At please lang mag hanap ka na ng boyfriend. Para naman di ka na bitter."

"Anong andyan si Papa? Ni hindi nga yan nag donate ng dugo para sayo. Wala naman yang pakialam satin. Wala na tayong aasahan sakanya, Ate. Mas pinanindigan niya talaga yung kabit niya kesa satin." mas malaki pa ang galit ng kapatid ko kai Papa. Nakita niya kasi kung paano ako halos tinapon na parang wala lang eh. Di ako marunong lumaban kai Papa kaya siya palagi yung sagot ng sagot. "About naman sa boyfriend... Hehehe malapit na." nanunukso niyang sabi. Napakunot agad ang noo ko.

"Anong malapit na? May natitipuhan ka na???" gulat kong tanong.

"Huh? Wala ah..." deny niya.

"Wag mo'ko pinagloloko Jane Khezia Libradilia. Alam ko kapag nagsisinungaling ka, lumalabas yung sagot mo sa ilong."

"Complete name talaga?? Eh! Tsk! Kasi naman ang gwaping niya."

"Sinong tinutukoy mung gwaping?!" may halong pag babanta ko na. Humaharot eh.

"Eherm si Calvin. UwU" automatic yung expression ko from gulat to na amaze. Nung isang linggo lang para silang aso't pusa na nag babangayan, palaging galit sa isa't-isa tapos ngayon parang may something na.

"Hoy ikaw ha! Ang harot mo. Pero mabait naman yun. Di ako magkaka-problema pag nagkatuluyan kayo. Sus! The more you hate, the more you love pala tandem niyo ha. Kurotin kita sa singit eh!" kulitan namin.

"Ewan. Di ko napapansin na nagugustuhan ko na pala siya."

"Luh? Meganon. Sus. Okay na din yun. Atleast di ka na bitter." tinapos na niya pag lagay ng make-up sakin saka nilagyan lang ako ng konting lipstick.

"Ayan. Tapos na. Tignan mo mukha mo sa salamin. Ang ganda mo na ate." sabi niya sabay abot sa salamin. Last ko nakita yung mukha ko is nung time na nasisimula na mag lagas ang buhok ko at ang putla na ng mukha ko. That was 1 month ago, hindi na ako tumingin sa salamin after nun dahil naawa ako sa itsura ko. "Ate, maganda ka na, okay? May sakit ka lang pero maganda ka. Tignan mo na." I sigh then look at my face on the compact mirror. Parang na amaze ako sa itsura ko nung nakita ko ang aking sarili sa salamin, parang wala akong sakit. Ang aliwalas kung tignan at ang ganda ko. "See?? Ang ganda mo, diba?" tumulo yung mga luha ko after makita ang itsura ko na naayosan ni Jane. Although naka scarf yung ulo ko pero ang ganda parin tignan.

"Thank you, Jane. Ang ganda ko." hinawakan ko ang kamay niya saka pinisil-pisil. Nahawa yata siya sa pag-iyak ko kaya tumulo na rin ang mga luha niya habang nakangiting nakatitig sakin. Hindi na siya napag-pigil at niyakap na ako saka tinapik-tapik ang likod ko. Buti nalang pala talaga at lumaban ako, mas pagsisisihan ko pa naiwan ko yung mga taong nag mamahal sakin na hindi ko man lang sinubukan lumaban.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now