CHAPTER 10

1.1K 52 4
                                    

Kahit may hangover pa ako, pilit ko parin bumangon dahil may duty pa ako. Aalis daw kami ni Vinny. Tinawanan ba naman ako kagabi na nag paa nalang akong umuwi dahil masakit na talaga ang paa ko kaka-heels. Pag kabangon ko, inayos ko agad ang kama bago pumasok sa banyo para maligo nang mahimasmasan naman ako sa hangover. Pagkatapos ko mag bihis ay bumaba na agad ako saktong gising na pala si Vinny at kumakain na nang almusal kasabay yung mga kasamahan ko.

"Good morning, Sir." bati ko kai Vinny at saka mga kasamahan.

"Good morning. Kumain ka na, may pupuntahan pa tayo." sagot niya. Umupo na agad ako dahil may plato na namang nakahanda na. Andaming ulam ah, daming pag pipilian. Susubo na sana ako nung biglang sunod-sunod na tumunog yung phone ko. Nataranta ako kaya tinignan ko agad. Ang aga-aga, sino naman kaya ito?

Unknown number. Napakunot agad ang noo ko dahil sino na naman kaya ito. Bakit andaming messages. Tinignan ko agad.

"Borgy here. I hope your awake." sunod-sunod pa text niya. Saan niya ba nakuha ang number ko??

"Who's that??" usisa ni Vinny.

"Ha? Wala, scam yata." taranta kung sagot. Ewan ko kung tama ba talaga sinagot ko. Hindi ko muna ni replyan at binaba na ang cellphone ko para kumain. Masamang pinag-aantay ang grasya.

"Okay. Eat your breakfast para di tayo ma late sa appointment." tumango lang ako saka kumain na. Baka ma beast mode na naman si Vinny.

After namin kumain, nag vibrate naman yung phone ko. Kaya tinignan ko ito habang inaantay si Vinny makababa dahil nag bibihis pa siya. Si Borgy na naman.

Borgy: "I hope you don't mind texting you at this early. It's about my arm..."

Oh shit! Baka nabalian ko talaga siya ng kamay.... Oh no!

Me: "Good morning, Sir. Sorry ngayon lang ako naka-reply. Kamusta po yung kamay niyo?? Sorry talaga..."

Hindi naman nag tagal eh nag reply siya kaagad. Grabi ang dali niya mag reply ha.

Borgy: "Diba I told you call me Borgy. Anyways, medyo masakit pa rin siya pero I can manage. How are you? You don't have hangover??"

Mag re-reply na sana ako sa text niya pero nagulat akong bigla siyang tumawag. Nataranta akong tumingin sa pintuan papunta dito sa garden dahil tinitignan ko kung andito na ba si Vinny. Wala pa naman siya kaya tumalikod muna ako dun bako sinagot ang tawag.

"Hello..." bungad niya sa kabilang linya.

"Borgy, sorry talaga sa nangyari kagabi ha. Hindi ko sinasadya. Please lang ipa check-up mo na yan. Sabihan mo ako kung magkano binayaran mo, babayaran nalang kita pag naka sweldo na ako."

"HAHAHAHA... I can pay my bills. You have nothing to worry..." Sanaol. Boses palang ang gwapo na pakinggan, lalo na sa personal eh ang gwapo talaga.

Ezra: "Sabihan mo lang ako kung anong kailangan mo para mabawasan ko kasalanan ko sayo. Sorry talaga."

Borgy: "Stop saying sorry, Ezra. You did a good thing in protecting yourself, mali nga lang na lugar."

Ezra: "Ang sama mo HAHAHAHA pinag-sisihan ko talaga yun. Ahm.. Borgy??'

Borgy: "Hmm??"

Ezra: "Hindi mo naman siguro ako isusumbong kai President na binalian kita ng buto, diba? Baka mapaalis ako dito."

Borgy: "What?? No. No HAHAHAHA... Is that bothering you??"

Ezra: "Oo eh. Pasensya ka na talaga ha. Kailangan ko kasi itong trabaho eh."

Borgy: "If ever you get fired, you can work with me." narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya.

Ezra: "Sira! Sige na, on duty ako. Balitaan mo ako kapag nakapag pa check-up ka na ha." Inantay ko lang siya sumagot bago ko binaba yung phone.

Umayos ako ng upo saka humarap sa bandang may pintuan papunta dito sa garden. Saktong lumabas si Vinny na naka purontong shorts at black shirt lang. Akala ko ba may appointment kami?? Dire-diretso lang siyang pumunta sa gawi ko.

"Akala ko may pupuntahan tayo, Sir?" tanong ko.

"Meron nga. Let's go." kahit takang-taka ako sa suot niya eh sinundan ko nalang siya papunta kung saan naka parking yung sasakyan niya.

Siya na naman mag dra-drive kaya kami ulit dalawa ang naka sasakyan lang. Tahimik lang kami buong byahi dahil wala naman akong magandang maikwento sakanya. Di ko rin siya trip kausapin kaya yung atensyon ko nakatoun lang sa daan.

"Kwento ka sa buhay mo..." panimula niya. Natawa ako konyi sa sinabi niya. Sa lahat talaga ng pweding pag kwentohan, buhay ko talaga.

"Walang interesting sa buhay ko. Wag na."

"Pssh... Ang tahimik kasi dito kaya mag kwento ka nalang ng kung ano-ano para di boring yung byahi natin." pangungulit niya.

"Andaming issue sa family ko. Yung tatay ko, iniwan kami at sumakabilang bahay na..."

"What?? Sumakabilang bahay??? You mean—"

"Sumama sa kabit. Ayon, para di kana mahirapan. So yeah, pinag palit niya kami sa ibang babae. Namatay yung mama ko dahil sa konsimisyon dahil iniwan niya.  Lumaki akong walang magulang, binubuhay ko na ang sarili ko at si Jane, kinupkop ko dahil kawawa nakatambay lang sa tabi ng basura..."

"I'm sorry to hear that. Wow... I didn't expect na yun pala pinagdaanan mo. Such a tough woman. Where's your father now??"

"Di ko alam. Di naman yun nag papakita sakin ever since. Kahit nga graduation, birthday, pasko, bagong taon. Kahit anino, di ko man lang nakita. Okay na rin siguro yun. Nag pursige ako makapagtapos nang pag-aaral dahil dun maraming scholarships ang pinasukan ko at mga extra na trabaho para buhayin ko sarili ko pati si Jane." ang lakas ko sa part na nakaya ko pang mag kupkup kai Jane kahit ako mismo di ma-alagaan ang sarili ko. "Ang drama ng buhay ko. Ang hirap, ayoko ng bumalik sa ganong sitwasyon na kulang nalang ibenta ko lamang loob ko para lang makahanap ng pambayad sa upa ng bahay."

"Grabi pala talaga pinag daanan mo noh??? No wonder malakas kang babae. After all what happen to your life, naging matatag ka." yung mga nangyari sakin ang ginawa kung inspirasyon para mag pursige.

"Teka. San ba tayo pupunta?? At bakit ganyan ang suot mo?? Akala ko ba may appointment tayong pupuntahan??"

"One question at a time. It's a surprise." one question at a time pero it's a surprise lahat ng tanong. Napairap nalang ako sa sagot niya.

"Plano mo ba akong e-dispatsya??" pabiro kung tanong.

"Hmm... Hindi naman. Basta, I know your would love this." excited niyang sabi.

"Mag babarilan naba tayo???"

"Gigil kang bang barilin ako noh???" sabi niya sabay tawa. Nagiging comportable na kami the way kami mag-usap at nakakatuwa lang isipin na anak siya ng Presidente pero parang equal lang kami kung paano niya ako kausapin.

"Di naman. Edi nawalan ako ng trabaho. So ano nga?? Mag babarilan ba tayo??" pangungulit ko.

"Oo na. Tsk! That was supposed to be a surprise. Na spoil na tuloy." sabi pa niya. Ses...

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now