CHAPTER 20

1.3K 53 30
                                    

Kahit nakapikit ang mga mata ko ay nararamdaman kung may tumitingin sakin. Unti-unti kung dinilat ang mga mata ko at bumungad agad ang mukha ni Vinny na nakatingin saakin eh ang lapit-lapit namin. BOGSH!

"HOLY SHIT!" reklamo ni Vinny nung mahulog siya sa kama dahil sa pag sipa ko.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" tinignan ko agad ang katawan ko at baka hubo't-hubad na ako.

"This is my room.. ouch... My butt hurts." reklamo niya at sinusubukang bumangon galing sahig. Kwarto niya ito?? Tinignan ko agad ang paligid, kwarto niya nga. Wait, di ba ako lumipat kagabi? Aiish! Nag tuloy-tuloy na talaga yung tulog ko talaga? Gaga ka, Ezra!

"Oy sorry... Lasing na lasing ka kagabi kaya inakay kita papunta dito tas pinunasan, nakatulog pala ako dito. Sorry." bumangon kaagad ako at tinulungan siya makatayo ng diretso. Masakit yata talaga pwet niya kasi hinihipo-hipo niya.

"Well, that explains I'm topless." sabay tingin niya sa katawan. Umiwas agad ako ng tingin dahil plantada katawan niya sa harapan ko. Naramdaman kung parang nag-iinit ang pisnge ko.

"Sinukahan mo yung damit mo kagabi kaya kailangan kang bihisan pero ayaw mo magpa-sout ng damit kaya hinayaan nalang kita." di ko siya matingnan ng diretso habang nag sasalita dahil na nasaharapan ko parin siya na topless at nakapamewang na parang modelo tignan sa tindig at tikas ng katawan niya.

"Ohhh... Thanks for taking care of me. I see your blushing..." mag-sisimula na naman yata itong mang-asar. Uunahan na siya.

"Feeling mo. Mag bihis kana para makapag-umagahan ka na rin." tumayo na ako saka naglakad papuntang pintuan at lumabas pero may pahabol pa siyang sinabi.

"Noted. Miss, Sungit." saka siya tumawa at isinara ko ang pintuan. Baliw! Lumingon-lingon pa ako sa paligid dahil baka may makakita sakin na lumabas ako galing sa kwarto ni Vinny at kung ano pa isipin niya. Okay, clear. Nakayuko lang akong tinahak ang pintuan sana ng kwarto ko nung biglang sumulpot si Mayordoma sa kung saan nanggaling.

"Ay palaka!" halos matalon na ako sa sobrang gulat. "Ma'am, naman. Nagulat ako sainyo." siningkitan niya agad ako ng mata pero di naman siya mataray tignan, natatawa nga ako minsan kasi mabait naman siya pero gusto niya mag seryoso sa trabaho.

"San ka galing??" sabi niya. Ah oh... Isip, Ezra. Isip.

"Ahh..." kabado kung panimula. "Sa kwarto ni Vinny.. ay.. ah oo nga sa kwarto ni Vinny. Ginising ko kasi mag breakfast na. Oo, dun ako galing po. Hehehehe..." diko mabasa emotion ng mukha niya kaya diko alam kung naniniwala ba siya sa sinabi ko or hindi. "Mauna na po ako, mag bibihis lang ako." tumalikod na ako sa gawi niya saka nag lakad.

"Di yan ang kwarto mo. Dito." pahabol niya. Lumingon agad ako saka nag madaling lagpasan siya. Tama sa left side pala. Sorry, kinabahan ako eh. Pag kapasok ko sa kwarto ay isinara ko agad ang pinto at dun pasalampak na sumadal dahil nakahinga na ako ng maayos. Grabi. Kinabahan ako kai Mayordoma ah. Woh!

Umayos na ako ng pagkatayo saka pumuntang banyo para maligo. Kadiring Vinny yun, muntikan na akong masukahan kagabi. Pero nakakapanibago kasi naging comportable akong naging katabi ko siya. Automatic nakatulog ako eh. Nakakapanibago talaga. After ko maligo at mag ayos ay bumaba na kaagad ako para mag agahan. Nauna na palang bumaba si Vinny at kasalukuyang kumakain.

"I have meetings to attend. Please sit and eat." mando niya. Nag madali akong umupo saka nag simula ng kumain. Oy! Isa to sa mga paborito ko, longganisa. Ayos! Masarap na naman kain ko. Nag lapag agad si Manang ng kape. "Why are you smiling??" tanong niya habang masaya lang akong kumakain. Tinignan ko agad siya ng masama, sinisira niya pag enjoy ko sa favorite kung ulam eh.

"Favorite ko lang tung longganisa. Bakit ba??"

"Nothing. You really love that? You can also try hotdogs." sabi niya sabay turo sa mga nakahain na hotdogs.

"Masarap din naman yan pero mas gusto ko ito." at inangat ko ang longganisa na ulam ko.

"Really? You can also eat me instead." Puta! Nabilaokan ako bigla sa sinabi niya. "Oh jeez! Are you okay?? Water." sabay abot sa tubig niya.

"Siraulo ka! Anong you can also eat me instead?! Bakit longganisa ka ba? Muntik pa ako ma tegi dahil sayo." saka ko siya mahinang sinapak sa balikat.

"Tegi? What's that mean?" hahay...basta spokening dollar di talaga alam yung mga ganyan.

"Tegi ba..." tinignan lang niya ako na parang nag aantay ng sagot. "Tegi gud... Tegi like dead, patay, owkk—" sabay acting na parang ginigiliitan sa leeg at namatay.

"Ohh... You mean dead." sagot niya at nag pakita ng napakalawak ng ngiti.

"Oo. Ganern."

"Teach me bisaya so I could also try to talk with you in your own dialect." pag ito nag paturo ng bisaya sa lugar namin, unang ituturo talaga sakanya 'bayot ko.'

"Ah yeah. Sure. Diba bisaya din si Madam Imelda??"

"Yeah. She's from Tacloban actually but we seldom see each other and that explains we don't have time to learn bisaya words. Actually, Kuya Simon's wife is also from CDO and she's bisaya." Wow from CDO. Grabi. Pumupunta kami dyan minsan nung training days namin. "You should meet her one of these days."

"Good morning!!" lumingon kami agad kung saan nanggaling ang boses. Si Borgy na papasok dito sa dining area. "Good morning, Ezra." lingon niya sakin nung makalapit siya. "Bro." pansin niya kai Vinny at nakipag fist bump.

"What are you doing here, bro?" tanong ni Vinny na parang naasiwa na andito si Borgy.

"I came here for the meeting. Sabay na tayo."

"Your part of the meeting?? I didn't know that."parang ang off ng sinabi ni Vinny. Nag punas siya agad ng bibig saka tumayo dahil tapos na kumain. Ako naman eh nag madali na taposin yung kinakain ko.

"Now you know. I'm also a share holder slash ambassador. I also have meetings with Honey's clothing line." after nun sa sinabi ni Borgy eh umakyat muna si Vinny para mag toothbrush. Ako naman umakyat nung matapos na kumain para mag toothbrush din. Papaalis na kami nung nakita naming nakaoark sa labas ang dalawang sasakyan. Kai Vinny at Borgy. Nagkatinginan agad silang dalawa habang napapagitaan nila ako.

"She's coming with me." sabi ni Vinny at hinigit ang kamay ko papalayo kai Borgy na di man lang nakapag-salita.

"You know what? I'm coming with you."  sabi ni Borgy nung di pa naman kami makapasok sa sasakyan ni Vinny pero inunahan niya agad kami.

"Ezra, sit beside me." utos ni Vinny nung makita na s passenger seat sana ako uupo katabi ni Borgy. Ayon, sinunod ko nalang para makaalis na kami. Mahirap na pagtalunan.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now