CHAPTER 33

1.1K 45 3
                                    

Grabing Borgy to. Pinadalhan ba naman ako ng sandamakmak na Ilocos Norte pride pasalubong para nadin daw sa kapatid ko. Andami niyang binili kaya kanda-ugaga ako sa pagbitbit. Hindi na ako nakapagpaalam talaga kai Vinny dahil pagbaba ko, wala siya. Okay na din yun, siguro nga natutuwa yun kasi wala na ako dun at wala ng manenermon sakanya.

"Maligayang pagdating sa Davao City. I hope you enjoy your flight with us. Thank you very much."

Rinig kung announcement sa eroplanong sinasakyan ko. Nag tatayuan na ang mga tao kaya ready na kaming bumaba. After kasi sa gala namin ni Borgy, kumain na muna kami ng lunch bago niya ako inihatid sa airport. Pagkababa ko sa eroplano ay diretso na kami sa exit at nag antay lang ako saglit makuha ang baggage ko. Pagkatapos ko makuha ang luggage ko ay lumabas na agad ako sa airport at sumakay sa shuttle bus. Na miss ko ito... My hometown.

"Diri lang..." (Dito nalang.) Para ko sa shuttle bus. Tanaw ko na bahay namin at excited na ako makita ang reaction ng kapatid ko sa pagdating ko. Wala yung kaalam-alam eh. Bitbit ang isang maliit na maleta ko at isang bag pack tapos isang supot na ang laman puro pasalubong from Ilocos Norte na bitbit ko.  "Ayo... Ayo..." sigaw ko sa labas ng gate palang. Nakita ko lumabas agad si Jane na nakakunot ang noo at sumusingkit ang mata na tila ba inaaninag kung sino ako.

"Ate??" talagang trying hard siyang makita kung ako ba talaga. Malabo na kasi paningin nya kaya ayan di na makakita ng maayos. "ATEEE!!!!" tumitili na siya sabay talon-talon at agad tumakbo papunta sa gate para pagbuksan ako. "Omg ateee!!! Na miss kita!!" halos mangiyak-ngiyak siyang yumayakap sakin.

Naubo ako bigla sa pagyakap niya. "Aguy, Jane di ako makahinga. Aguy!" agad siyang humiwalay sa pagkakayakap sakin. Kumalat na ang luha sa mukha niya, minsan talaga madugyot din ito eh. "Na miss din kita. Ipasok muna natin to. Maya na kita yakapin, ang dugyot mo ah." asar ko sakanya. Tinulungan niya agad ako nag bitbit ng gamit ko at pumasok na kami aa bahay.

"Kakatapos ko lang maglinis kaya medyo dugyot ako. Maliligo na nga sana ako nung kumatok ka." nilapag na niya agad ang maleta.

"Himala nag linis ka, may inaasahan ka bang bisita??"

"Wala no. Naglinis lang ako kasi wala eh, may sarili na tayong bahay. Wala na akong dapat ibang reklamo." sabi niya. Proud ako sa sinabi niya, talagang nagabayan ko siya ng maayos dahil ganyan siya mag-isip na wag gawing komplikado lahat ng bagay at laging ipagpasalamat lahat ng anong meron kami ngayon.

"Buti naman. Check mo yung supot, pasalubong yan from Ilocos Norte." turo ko sa supot na bitbit ko kanina. Tumayo siya agad at tinignan yung supot na dala ko.

"Andami naman nito, Ate. Thank youuu..." malambing niyang sabi.

"Di sakin galing yan."

"Huh? Kanino??" Takang tanong niya at nagkalkal parin din sa supot.

"Sa kaibigan ko." parang tanga siyang tumingin agad sakin at pinaningkitan niya ako ng mata na para bang nagsasabi 'may dapat ba akong malaman?' "Alam ko na yang mga tinginan mo, Jane. Kaibigan ko lang yun."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Sinong kaibigan ba yan?" tanong niya habang kinakain yung tupig.

"Si Borgy."

"Si BORGY?!?!" muntik na ako malaglag sa kinauupuan ko sa gulat dahil sa lakas ng boses niya. "As in BORGY MANOTOC?!?! Jusko! Kagwaping niya nya amigo ra nimo?! Ka swerte ba!" (Sa gwapo niyang yun naging kaibigan mo lang?! Ang swerte ha!)

"Makagulat ka naman! Oo. Kaibigan ko siya, crush mo???"

"Sinong di magkaka-crush nun eh dati palang nung nag mo-model siya, galing na galing at gwapong-gwapo ako sakanya." sabi niya at pinag-salikop pa ang kanyang mga kamay at parang nag da-day dream about kai Borgy. Baliw na to.

"Baliw. Kaibigan ko lang yun. Pakilala kita pag may chance."

"Talaga?! Yieee thank you ate!!" lumapit agad siya sakin at niyakap ako. Sus! Na-miss ko talaga siya kaya niyakap ko siya pabalik. "Yieee miss niya ako." sabi pa niya sa gitna ng yakapan namin. Minsan lang kami sweet kaya parang cringe na yung yakapan so tinulak ko siya. "Grabi makatulak ate ha." kunwari pinagpagan ko yung niyakap nyang part.

"Maligo ka muna. Dugyot mo." natawa nalang siya sa sinabi ko.

"Maliligo lang ako tag ipa-luluto kita ng favorite mong ulam. Pahinga ka muna, ate. Tawagin nalang kita pag nakaluto na ako." sabi pa niya at aalis na sana para maligo.

"Jane... si Papa?? Pinuntahan nya ba tayo?" bigla siyang natigilan sa sinabi ko at dahan-dahan na lumingon sakin. Kita ko ang pagka-dismaya na may halong lungkot sa expression niya. Umiiling nalang siya at parang pareho kaming nasaktan sa katotohanan na wala na ba talaga kaming chance na makita ulit si Papa? "Okay lang. Nakaya naman natin na wala siya. Hayaan nalang siguro natin yung panahon na mismo ang mag desisyon kung pagtagpuin ba nila tayo or hindi."

"Alam kung masakit parin sayo hanggang ngayon, Ate. Pero wala na tayong magagawa dun. Si Papa na yata mismo nag desisyon na wag magpakita saatin. Mas pinag-aral nya nga yung anak ng kabit niya kesa sayo na totoong anak niya." biglang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? "Nung umalis ka, hinanap ko si Papa para naman mabuo mo yung sarili mo. Kaso, iba yung nalaman ko. Itinaboy nga niya ako nung pinuntahan ko siya. Nakausap ko siya actually pero diko sinabi sayo dahil alam ko mahirap ang sitwasyon mo sa trabaho at hindi ko gustong makadag-dag sa problema mo."

"Bakit ngayon ko lang to nalaman? Kelan ka pumunta?"

"Ate naman eh, di nakikinig. Sabi ko nga nung pagka-alis mo, hinanap ko siya. Tsk!" aba't pilosopo talaga! Bigwasan ko kaya to. "Yun nga hinanap ko siya. Nakita ko bahay nila, gaya din ng sitwasyon natin, dun yung tulugan at kainan. Kinausap ko, tinaboy lang ako. Pinagalitan pa ako kung bakit andun ako." pag papaliwanag niya. Ako yung nasaktan para sa kapatid ko, imbes na hindi naman niya obligasyon na gawin yun kasi di naman niya yun totoong ama pero ginawa niya parin para sakin. "Wag mo na muna ipilit ang sarili mo sakanya, Ate. Masasaktan kalang din kasi alam mo sa sarili mong babaliwalain ka nya parin." Ouch. Parang double meaning yun. Yung ginawa ni Papa eh ginagawa din ni Vinny sakin ngayon. Siguro nga tama siya, wag kung ipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin. Masyadong masakit tanggapin ang katotohanang kung sino pa yung taong mahal mo eh di ka kayang mahalin pabalik. Napailing-iling nalang ako sa nadatnan na sitwasyon ng kapatid ko nung makita niya si Papa.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now