Chapter 1 ( Childhood Best friend )

21 8 11
                                    

                                Bea POV


Abala ako sa pagdidilig ng mga bagong pananim namin ni Ina ng.

" Ano na naman ang ginagawa mo? " tanong sa akin ng isang tao sa likod ko.

" Ouh ikaw pala. Ano bagong bulaklak na nagustuhan ko, hehehehe "nakangite na wika ko dito.

Lumapit naman ito sa akin at ginulo ang buhok ko. Kaya bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

" Hays ang hilig mo talaga sa bulaklak "nakangite na wika nito sa akin habang siya na ang nagdidilig nito.

Kaya mas lalong lumawak ang ngite ko dito.

" Wala ka bang ginagawa? I mean, wala ka bang pasok? " tanong ko dito habang naisipan na umupo sa isang upuan.

" Hmm meron naman. Kaya lang naisip ko na dalawin ka muna dito. Alam ko kasi na namimiss mo ako "wika nito sa akin na siyang ikinapula ng pisnge ko.

Kaya napaiwas na lang ako ng tingin dito.

" Heh! bolero ang hangin mo rin noh. If I know may kailangan ka lang sa akin "saad ko dito para di lumala ang pamumula ko.

Inaamin ko bata pa lang kami ay minahal ko na si Caleb. Pareho kaming lumaki sa isang simpleng pamilya. Pareho ang trabaho nang mga ama namin. Isang carpentero si papa samantalang ang ama niya rin. Ngunit di naging hadlang ang kahirapan namin para makapasok ako sa isang exclusive na paaralan kasama si Caleb. Isa kaming scholar sa paaralan nang isang sikat na pribado rito sa amin. Kaya yun ang ipinapapasalamat ko sa Maykapal. Sapagkat binayayaan niya kami ng isang blessing na regalo.

" Hoy ano na naman yang iniisip mo? " bungad na tanong ni cab sa akin.

" Huh wala. Wala naman " wika ko dito.

Umupo naman ito sa tabi ko at inakbayan ako. Ganito siya lagi sa akin kaya napagkakamalan kaming mag jowa. Na sana nga totoo, di naman hanggang akala lang. Naalala ko pa noon ang sabi ng mga lolo namin na ipapakasal daw kami sa tamang edad na namin. Kaya natawa na lang ako, pero inaamin ko na kinikilig ako sa tuwing inuulit kung itanong kay lomo ang mga bagay na iyon. Paraparaan kung baga. Hehehe.

" Lovers wag muna kayong masyadong sweet diyan dahil maaga pa. Baka dumami na naman ang mga langgam sa loob ng bahay" pabirong sabi ni lomo sa amin ng mabungaran niya kami.

Kaya natawa na lang si Cab sa sinabi ni lomo ako heto graveh na ang resulta ng pamumula ko. Ewan ko ba sa pisnge ko masyadong halata kapag nagmamahal na.

" Lolo Sib kayo talaga masyadong mapagbiro, baka lalong mamula si beng niyan " baling nito sa akin sabay wink.

Kaya pinalo ko na lang ito at tumayo na.

" Ewan ko sayo. Pinagkakaisahan niyo na naman ako ni lomo " nakapuot na wika ko.

" Hahaha, bakit totoo naman ahh. Ang lakas talaga ng epekto ko sayo. Hahahhaa " proud na wika nito habang tumatawa.

" Hahaha, kahit na may gusto ako sayo, di ibig sabihin ganun na ako kabaliw. Maiwan na nga kita diyan " nagmartsa naman ako papasok ng bahay.

Nakasalubong ko naman si lomo. Nga pala lomo ang tawag ko sa lolo ko hehehe. Wala lang gusto ko lang na bago hehehe.

" Apo hindi nga ba? "bulong ni lomo sa akin na siyang ikinapuot ko.

" Lomo naman "wika ko dito.

" Hahaha, sige na po lomo alis na po ako, bye beng wag magpapagutom "sigaw nito sa akin.

" Opo " wika ko dito.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon