Chapter 15 ( Spend TIME with THEM )

2 3 0
                                    

                       Bea POV


Ilang araw na rin since nangyari ang huling pamamaalam ko kina ina at ama. Masakit mang isipin na wala na akong magulang na uuwian pero alam ko naman na may mga taong nagmamahal pa rin sa akin.

" Ano? Ready ka nang umuwi? " tanong sa akin ni Ba.

" Ahm oo actually nakapang impake na ako " saad ko dito.

" Wala ka bang gagawin ngayon? Bago tayo umuwi bukas? " tanong ni insan.

" Actually naisip ko na mag spend ng ilang araw sa mga kaibigan ko " wika ko dito.

" It's good. Para naman maka bonding mo sila. Bago tayo lumuwas ng maynila" nakangite na wika ni Ba sa akin.

Kaya ngumite na lang din ako.



                     Cab POV


Habang abala ako sa pagmumuni muni ng lumapit sa akin si mama.

" Nagmumukmok ka na naman, kahapon pa yan ahhh " wika nito sa akin.

" Wala po toh ma" pagsisinunggaling ko dito.

" Nga pala, nabalitaan ko mula kay Laine  na uuwi na daw sila sa maynila bukas. At isasama na nila si Bea para permanently na tumira doon " balita nito sa akin.

Kaya napalingon na lang ako dito.

" Bukas? "gulat na tanong ko.

" Oo, alam mo naman na nag aaral doon si bea. Kaya marahil sasama siya pabalik "wika nito.

Magsasalita na sana ako ng may biglang sumigaw.

" Bads lika na. Mamasyal daw tayo sabi ni Clarissa " wika ni ben sa akin.

" Mamasyal? saan naman? " takang tanong ko.

" Aba dating gawi. Naisip kasi namin na mag spend ng time kay bea bago siya umuwi ng maynila bukas. Kaya lika na sasayangin mo ba ang opportunities na makasama ulit ang beng mo? mamaya ka na magmukmok diyan " wika nito sa akin.

" Oo nga naman anak, save the time na kasama mo pa si bea. Kaya sige na umalis ka na. Ako na ang bahala sa pagpapaalam sa papa mo for sure matutuwa din yun" nakangite na wika ni mama sa akin.

Kaya ngumite na lang ako at agad na niyakap siya. At nagmadaling lumapit kay ben saka umalis.



                            Bea POV

Abala ako sa paglalakad sa dalampasigan at nilalanghap ang sariwang hangin. Ito kasi ang favorite spot ko sa tuwing naiisip kung mag relax. Naalala ko rin nong araw na kasama ko sina ama at ina dito.


Flashback


" Ina nasan po si ama? " tanong ko kay ina habang abala sa pagluluto ng ulam.

" Naku nasa dalampasigan siguro yun anak" wika nito sa akin.

" Pwede ba akong pumunta doon? Gusto ko kasi maligo sa dalampasigan. Total nandon naman si ama" pagpapaalam ko dito.

" O siya sige, pero pag wala ang ama mo doon. Bumalik ka dito ok? Wag kang maliligo mag isa! "mahigpit na bilin nito sa akin.

" Opo ina " wika ko dito.

Kaya agad na akong umalis doon at nagtungo sa dalampasigan para puntahan si ama. Ng makarating na ako sa dalampasigan ay agad hinanap ng mga mata ko si ama. And there I saw him na abala sa pangunguha ng mga kabibe.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon