Chapter 17 ( Heartache )

3 3 0
                                    

                         Bea POV

Simula ng mangyari yung nakaraan pang gabi, di ko na napapansin si stone. I haven't seen him sa University na pagmamay ari nila.

" Tulala ka na naman " bungad sa akin ni Ba habang nasa library kami.

" Ahm wala toh " giit ko dito.

" Is it because of stone?" tanong nito.

Napayuko na lang ako sa tanong niya.

" Hindi ko lang kasi siya makita dito ilang araw na. Simula ng pumasok tayo sa school " wika ko dito.

" Marahil busy lang sa shoot, alam mo naman na model yun " wika nito sa akin.

Habang nagbabasa kami ni Ba ng marinig namin ang tilian sa labas ng library kaya napailing na lang ang librarian.

" Hayss, di ba nila nababasa ang salitang silence " wika ni Ba na nakatakip ang kamay sa tenga.

Napailing na lang ako habang nakangite. Hanggang sa.

" Hi girls " wika sa amin ni marcus na tumabi kay insan.

" Tss kaya naman pala may asungot na naman  " inis na wika ni insan.

" Graveh ka naman sa akin babe. Eh kasalanan ko bang gwapo ang bf mo? " nakakindat na wika ni marcus kay insan.

Kaya napaagik- ik na lang ako sa dalawa.

" Hayy naku, kung mag momoment kayong dalawa. Doon sa labas wag dito na iinis na ang librarian " saway ko sa mga ito.

" Tss! ito lang naman kasi ang asungot eh " wika ni insan.

" Babe naman hinanap kasi kita sa kung saan. Dito lang pala kita makikita " wika ni marcus dito.

" Tigil tigilan mo ako sa kakababe mo huh, sasamain ka sa akin" wika ni insan na naiinis na.

" Hahhaha insan naglalambing lang naman si marcus. Pagbigyan mo na " mahinang wika ko dahil baka masita kami ng librarian.

" Hayy naku Ba " wika ni insan na tinalikuran na lang si marcus.

Naisip ko na tumayo na muna at lumabas doon. Bibigyan ko muna ng privacy ang dalawa. Kaya agad na akong naglakad palabas. Pero habang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng mapansin ko na nakangite si Stone. Ewan ko pero ng makita ko ang mga ngite niya ay napapangite na lang ako. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya napatulala na lang ako. Ngunit habang nakatingin ako sa kaniya ay di ko inaasahan ang susunod na mangyayari.

Bigla na lang nawala ang ngite ko ng makita ko itong nilapitan ng isang babae habang, nakayakap sa kaniya ng mahigpit at parehong nakangite sa isat isa. Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot. At bumalik sa akin ang isang scenario na kung saan may kausap akong ibang babae sa phone ni stone and he call her honey. Siya ba ang babae na yun? ano ba naman ang laban ko sa babae na kayakap niya, eh ang ganda ganda nito. Halatang isang modelo.

Natataranta na lang akong umalis na lugar na iyon. Hindi ko kaya bakit ang sakit. Bigla na lang bumalik sa akin ang mga alaala na kung saan sweet siya sa akin. Yung mga bagay na pinapakita niya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtulo ng butil ng luha sa pisnge ko.





                 Lissa POV


Ng mapansin ko na wala na si Ba ay agad na akong lumabas ng library pero bago pa ako makalakad paalis ng makita ko itong nakatingin sa may garden and there I saw stone na kasama ang isang babae. Kaya nag aalala na lang akong napatingin kay insan, there I saw her na naglalakad paalis doon.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon