Chapter 32 ( Belated SURPRISE )

1 0 0
                                    

                          Bea POV

Nauna na akong nagising kay lomo dahil naisip ko na magluto para sa kaniya. Habang abala ako sa pagtikim ng makarinig na lang ako ng katok sa labas ng pintuan. Kaya pansamantala ko munang iniwan ang niluto ko tutal ay tapos na din naman.

Ng makarating na ako sa pintuan ay agad ko na itong binuksan at tumambad sa akin si ben.

" Hi beh good morning" wika nito sa akin na nakangite.

Napa cross arms na lang ako dahil sa naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

" Ouh anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? May plano na naman kayo ano?" tanong ko dito.

" Ahh, hehehe beh pasensya na naisip kasi namin ni hal na that's a best opportunity para magka usap man lang kayo" saad nito sa akin.

" Naku Ben wag ako. Sana naman pinaalam niyo na lang sa akin" saad ko dito.

" Naku pag sinabi ko ba eh sasama ka sa kaniya?" tanong nito kaya napahinto na lang ako sa tanong nito " Ouh hindi ka makapagsalita dahil totoo diba?" tanong nito ulit.

" Ewan ko sayo, sige na umalis ka na " tugon ko na lang.

" Hep hindi ko pa nga nabibigay sayo ang dala ko eh " wika nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

" Ano ba yan?" tanong ko dito.

" Here ipinapaabot niya " saad nito sa akin.

" Niya? Sinong niya?" tanong ko na nagtataka.

" Sino pa ba ang kasama mo kagabi?" tanong nito.

Nagulat na lang ako ng marinig ang sinabi niya kay Cab galing ang regalong ito?

" Nakalimutan niya kasing iabot sayo kagabi kaya ako na ang pinapaabot niya " dagdag nito.

" Ahm hindi naman na kailangan ang bagay na ito. Ibalik mo na lang sa kaniya" wika ko dito.

" No, ano ka ba para sayo iyo yan. At para namang wala kayong pinagsamahan ni cab. Kaya tanggapin mo na" wika nito at ibinalik sa akin ang regalo " Sige alis na ako, bye" paalam nito at agaran na lumisan.

Kaya naiwan na lang akong nakatayo sa may pintuan habang nakikita ang papalayong si Ben. Kaya kahit na nagtataka sa laman ng regalong ito ay agad ko na lang sinarado ang pinto at naglakad pabalik habang dala dala ang isang box ng regalo. Hindi naman ito kabigatan kaya nagagawa kung mabitbit ito at malapag sa mesa ng sala.

Ng mailapag ko na ito ay nagulat na lang ako ng may nagsalita sa likod ko.

" Sinong nagpadala niyan apo?" tanong nito sa akin.

" Lomo ikaw pala ginulat mo naman po ako" saad ko dito.

" Hahahha masyado ka talagang magugulatin apo. Hahaha teka sino ba ang nagpadala niyan? Manliligaw mo ba?" tanong nito nang may panunuksong pagngite.

" Hay naku si lomo, mali po kayo sa hula niyo. Galing lang daw ito kay Cab bali regalo niya daw sa birthday ko kahapon " saad ko dito.

" Ouh bakit di mo buksan at ng makita natin ang laman " wika nito.

Kaya naisip ko na lang di na buksan ito kasi nagtataka din ako kung anong laman nito. Hanggang sa tuluyan ko na itong nabuksan at tumambad sa akin ang isang teddy bear at may isang photo album at isang parang crystal ball na may parang shooting star sa loob na may dalawang batang nasa isang tree house at masayang nakatingin sa mga shooting star sa langit.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now