Chapter 8 ( Flashback Of THE PAST )

4 5 0
                                    

                    Bea POV

Morning

Simula kahapon di na ako kinikibo ni Ba na siyang ikinagulat ko. Ganun ba talaga siya kagalit kay Diane at pati sa akin ay nagtatampo siya?

" Anak anyare kay Lissa? " tanong ni manang sa akin.

" Nagtatampo po yata sa akin, kahapon pa ako di kinikibo eh" pagsusumbong ko dito.

" Bakit ano ba ang nangyayari? " tanong nito.

" Kasi po pilit ko siyang pinakikiusap kay Diane " wika ko dito.

" Diane? " kunot noong tanong ni manang.

" Opo si Diane, Diane Flores ba yun, basta yung apo ng mga Smith " wika ko dito.

Napansin ko naman ang pagkatahimik ni Manang kaya napalingon ako dito.

" Manang? " kunot noong tanong ko.

" Ahm alam ko na di dapat manggaling sa akin ang bagay na ito. Hayaan mo na lang na si Lissa ang magsabi sayo. Sige na maiwan na muna kita diyan. Kumain ka lang, di ba wala kang pasok ngayon?" tanong nito.

" Opo wala po " sagot ko dito.

" Mabuti naman at ng makalibot ka dito sa maynila. Maiwan na muna kita may gagawin pa ako kumuha ka lang nang makakain mo sa ref " habilin nito kaya ngumite na lang ako.

Kaya naiwan na naman ako naisipan ko na muna na maglibot libot sa garden nina Ba. Habang naglilibot ay may napansin akong isang bagay na parang nakaipit sa puno kaya agad ko na itong nilapitan.

Ng tuluyan na akong makalapit na ako ay napansin ko ang isang parang box na nasa loob ng puno. Ngunit di ko mabuksan dahil sa nakakandado ito. Akmang hahanap na ako ng pangbukas ng may magsalita sa likod ko.

" Wag mo nang ituloy ang balak mo " wika ni Ba sa akin na siyang ikinagulat ko.

" Ba ikaw pala " wika ko dito.

Nakita ko naman na lumapit ito sa gawi ko at hinawakan ang leeg nito na may susi?

" So pendat pala ng kwentas mo ang susi dito sa box? "tanong ko dito.

" Yeah " tugon nito

" Ba bat naging cold ka na sa akin since kahapon? Sorry kung pinipilit ki- "di niya naman ako pinatapos.

" Hindi ako galit sayo, galit ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon I am still into the past. Na hanggang ngayon bumabalik na naman pala ang pain na naramdaman ko mula pa noon " malungkot na wika nito.

Nakita ko naman na nabuksan na niya ang box at binitbit niya ito papunta sa table sa garden. Kaya sumunod na lang ako dito.

" Kanino ba yan? "tanong ko.

" Sa akin, it's supposed to be our memories and a treasure together. Pero she left and cause me such pain " nakita ko naman na nasasaktan nga siya.

Nakita ko na unti unti niyang nilalabas ang laman ng box at bumalagta sa akin ang mga larawan, sulat at iba pang mga bagay na maaring konektado sa kanilang dalawa.

" Alam ko na naguguluhan ka pero alam ko na alam mo na rin dahil matalino ka Ba. Naging kaibigan ko si Diane way back elementary years. Naging close kami higit pa sa magkakapatid ang turingan namin sa isat isa. Until we reach highschool, akala ko we will always stay what we have since the first time we meet but everything change when I meet Daniel. I accidentally meet him. He is the man that I can't move on easily. Simula ng tagpo namin ni Dan, nagkakamabutihan kami hanggang sa dumating sa punto na minahal ko na pala siya. I decided na ipakilala si Dan kay Diane at first it was great. But then I found out that Dan does not really loved me that he loved Diane ever since. Nalaman ko rin na it was Diane's idea na maging kami ni Dan kasi noon pa man alam niya na crush na crush ko talaga si Dan. Ok na sa akin eh, tanggap ko na di talaga ako ang mahal niya pero ang di ko matanggap yung bagay na siya lahat ang nagplano na saktan ako. Na sinadya niyang ligawan ako ni Dan para masaktan ako. Akala ko she's my best friend, I thought- " naiiyak na wika nito kaya niyakap ko na lang siya.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now