Chapter 34 ( Last WISH )

0 0 0
                                    

    1 week later


                         Bea POV


Isang linggo na pala ang nakakalipas since nangyari ang lamay at libing ni lomo. Isang linggo din akong nanatiling nakakulong sa kwarto ko simula ng mangyari ang bagay na yun. Ang sakit pa rin pala, parang kahapon masaya pa kami. Pero unexpected things happen. Ang isang bagay na hindi ko pa kailanman naiisip na mangyayari sa akin.


Knock knock

" Ba gising ka na ba?" tanong ni lissa sa akin sa labas ng room ko.

Ngunit nanatili lang akong tahimik habang inaantay ang susunod na sasabihin nito.

" Ba kung naririnig mo man ako. Sana, sana wag mong hayaan na lamunin ka ng lungkot nang mag isa. Nandito kami ni mom para samahan ka. Sana Ba tulungan mo din ang sarili mo na bumangon pa. Kasi nandito pa kami ni mom. Nandito pa kami na kailangan ka, kailangan ang isang Bea sa tabi namin upang manataling matatag sa buhay. Hindi man madali ngunit makakaya natin na magkasama. Tayo na lang ang naiwan at tayo lang din ang magdadamayan. Kaya sana tulungan mo din kami Ba " mahabang wika nito kaya mas lalong naglandasan ang luha sa pinsge ko.

Narinig ko na lang ang mga yabag nito paalis. Kaya napatingin na lang ako sa picture frame naming lahat na magkasama.


                             Lissa POV


Habang naglalakad ako sa garden ay biglang bumalik sa akin ang alaala na kasama ko dito si lomo noon.


Flashback


Habang naglalakad ako palabas ng makita ko si lomo na abala sa pagtatanim ng mga gulay kaya agaran ko na itong nilapitan.

" Lomo anong tinatanim mo?" tanong ko dito ng makalapit na ako sa kaniya.

" Ikaw pala yan apo, ahh mga gulay lang alam ko na mahilig kayo ni bea nito eh" nakangite na wika nito. Kaya napangite na din ako.

" Hehehe ang sweet mo naman lomo. Tulungan ko na po kayo diyan" saad ko dito.

" Sige ba" wika nito

Kaya agad na akong kumuha ng galay upang magbungkal at magtanim ng akin. Habang nasa kalagitnaan na kami ng pagtatanim ng bigla na lang kaming nagulat ni lomo ng mabasa kaming dalawa. Kaya agad akong napalingon sa unahan ko at nakita ang nakangising si Ba.

" Hehehe ang baho niyo na eh. Kaya maligo na kayo" wika nito habang hawak ang gripo.

" Hahahah, ano ka ba Ba. Naligo kaya ako" saad ko dito.

" Weeh, di nga" saad nito sa akin at agad na itinutok sa akin ang gripo at binasa ako.

Kaya todo ilag ang tita niyo. Natawa naman si lomo sa amin kung kaya ay ibinaling ni Ba dito ang gripo kaya ayon basa din ito. Kaya natawa na lang kami ngunit akala ko kaming dalawa ni lomo ang lugi ako lang pala kasi gumanti din ito ng pagbasa kay insan. Kaya para na kaming basang sisiw. Kaya natawa na lang ako sa dalawa.

Ngunit mali yata ang nagawa ko kasi nagkatinginan ang dalawa kaya agad ko nang naunawaan ang bagay na yun. Kaya ayon tumakbo na ako pero hinabol ako ni insan habang binabasa niya ako. Kaya ang ending eh naghahabulan kami at naisipan na mahiga sa damuhan habang nakatingin sa langit. Nasa gitna namin si lomo kaya nasa gilid kami. Mukha kaming mga basang sisiw sa mga itsura namin ngayon.

" Anong nangyari?" tanong ni mom na gulat na gulat.

Kaya napalingon kaming tatlo sa isat isa kaya nauwaan naman yun ni mom. Agad na tumakbo ito like mother like daughter nga talaga pero hinabol namin ito ni Ba. Kaya ayon wala ding takas nabasa din ito. Naaliw lang si lomo sa amin kaya binasa ko na din ito upang kaming apat.



  " Tree Of Love " Onde histórias criam vida. Descubra agora