Chapter 52 ( Lost )

0 0 0
                                    

                              Bea POV

Simula ng tagpo namin ni Cab ay patuloy pa din ang pangungulit nito na makausap ako. Ngunit bugbog lang ang natatanggap nito mula kay Marco.

Naawa na ako sa kaniya ngunit hinahayaan niya lang si Marco na saktan siya dahil tinatanggap niya lang ito. Gusto ko siyang lapitan ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na lapitan siya.

" Hindi ka pa din tinitigilan ng lalaking yan" saad sa akin ni Ba.

" Hayaan mo na siya diyan Ba mapapagod din yan" saad ko dito habang nakatingin sa mga papers na kailangan kung permahan.

" Kaya niya bang mapagod? Ilang bugbog na ang natatanggap niya mula kay Babe pero di pa din siya sumusuko na suyuin ka araw araw" wika nito sa akin " O siya maiwan na muna kita" saad nito sa akin saka agad na lumabas sa office ko.

Hindi ko naman mapigilan na di mapatingin sa monitor ng cctv kung saan nakikita ko Cab na nakatayo sa labas ng kumpanya. Nakita ko na lang ang sarili ko na hinahawakan ang mukha nito sa monitor.

Nakita ko naman na paalis na ito dahil pilit ba pinapaalis ito ng gwardiya. Muli na naman nanumbalik sa akin ang sakit dahilan para mapaayos ako ng upo at pinatay ang monitor. Ngunit isang katok ang narinig ko.

" Ma'am may I come in?" tanong ni Janice sa akin.

" Oo naman may kailangan ka ba?" tanong ko dito.

" Ahh may gustong kumausap po sa inyo" wika nito saka makita ko naman ang pumasok.

" Sige iwanan mo na lang kami " saad ko dito saka nakita ito na isinarado ang pinto.

" Bea" wika nito.

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito habang tinitingnan ulit ang mga papers.

" Alam ko na di na dapat ako magpakita pa dito. Ngunit sana pakinggan mo muna ako" wika nito kaya taka naman akong napalingon dito.

" Para saan naman? If it's about sa business makikinig ako wag lang sa i-" hindi naman ako pinatapos nito.

" Actually it's about Cab" malumanay na wika nito.

" Kung nagpunta ka dito para pag usapan lang ang bagay na yan pwes bukas yang pinto hindi nakandado" saad ko dito.

" Bea ako ang dapat na sisihin mo sa nangyayari ngayon hindi si Cab. I was the one na muling nanggulo sa inyo" paliwanag nito.

" Hindi lang naman si Cab ang sinisisi ko eh or maging ikaw. Dahil ang sarili ko mismo ang sinisisi ko kung bakit nandito tayo sa punto na ito. I'm sorry if ako ang dahilan kung bakit nasira kayo. Kung bakit hindi natuloy ang love story niyo at kung iniisip mo na inaagaw ko siya sayo maaari mo na siyang kunin. Diba ikaw naman ang nauna at sayo siya? "tanong ko dito.

" Oo, sa akin siya nauna. Ako ang nauna sa puso niya. Ako ang dapat na magdusa sa bagay na ito. Umaasa ako na maaari pa akong mahalin ng lalaking minahal ko ng totoo. Umaasa ako na maaari pa namin na ipagpatuloy ang kung ano mang hindi namin natapos" wika nito sa akin.

" Hindi bat isinasauli ko na siya sayo? Ano pa bang gusto mo? I give you enough or kulang pa ba? Kasi ang sakit Diane, ang sakit sakit. Sa dinami dami ng magiging kahati ko kay Cab ay ikaw pa. Ikaw na tinuring kung kapatid ang siyang kailangan kung masaktan. Kung binabawi mo na siya handa ko siyang ibigay sayo. Kasi mahal kita, kaibigan kita" naiiyak na wika ko dito "  Kahit na magalit man ako sayo ay di mawawala ang sakit na meron sa dibdib ko na gawa mismo ng mga taong minahal ko" saad ko dito.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now