Chapter 20 ( Wedding )

4 4 0
                                    

                       Bea POV


Umaga na pala at tamang tama wala daw kaming pasok. Mabuti naman para makapagpahinga muna ako sa bahay.

" Hmm, maganda ang gising natin ahh" bungad sa akin ni Ba na nakaupo sa sofa.

" Kunti " wika ko dito.

" That's good, siyangapala aalis tayo mamaya " wika nito dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

" Saan naman? " takang tanong ko.

" Hindi ba may mahalagang occasion kung kaya walang pasok. Kaya maligo ka na doon dahil baka mahuli pa tayo " wika nito sa akin.

" Hayss, ikaw na lang. Wala akong gana atshaka may lakad ako ngayon. Someone invited me" wika ko dito kaya ito naman ang napatingin sa akin.

" Who? Ayiee, ikaw huh naglilihim ka na sa akin " panunukso nito sa akin kaya natawa na lang ako.

" Hindi, kaibigan ko lang yun tao " wika ko dito.

" O siya sige, basta samahan mo na lang ako" pagpupumilit nito.

" Ba gustuhin ko man ngunit ayaw ko rin na biguin ang isang kaibigan. Atshaka naka oo na ako sa dito " wika ko dito.

" Kaya ako ang isasakripisiyo mo? Ako na kadugo mo? " nakapuot na tanong nito.

" Hayss, after naman ay lalabas tayo. Ok" wika ko dito.

" Oo na maliligo na lang ako " kaya tumayo na ito at nagtungo sa hagdan paakyat.

Napailing na lang ako at naisip na umakyat na rin ng maka received ako ng message from Derek.




Derek

      Ipapasundo na lang kita baka kasi maligaw ka. Hihintayin kita dito aasahan ko ang pagpunta mo.



Kaya nagmamadali na lang akong umakyat sa taas.



                         Stone POV


Kasalukuyan akong nasa hotel room ng bumukas ang pinto.

" Akala ko ba ay bihis ka na? " takang tanong ni mom sa akin.

" Mamaya na mom maaga pa naman " wika ko dito.

Umupo naman ito sa kama.

" Hayss anak nag usap na tayo kagabi diba? Kung gusto mo man na wag nang ituloy ang kasal ok lang naman anak " wika nito sa akin.

" Mom ikaw na ang nagsabi na nag usap na tayo kagabi. At yun na ang desisiyon ko " saad ko dito.

" Ngunit anak, ang kasal ay di biro it is a lifetime commitment na hindi pwedeng baliwalain nino man. Paano kung di mo makayanang mahalin si Claire? Ano na ang mangyayari? " nag aalala na tanong nito.

" Mom, kung di ko man magawang mahalin si claire. Hindi ko pa rin sisirain ang ipinangako ko sa Ama mananatili pa rin akong asawa niya " wika ko dito.

Naramdaman ko naman ang paghawak ng kamay niya sa akin.

" Anak, kung ano man ang gusto mo doon ako, kami dahil mahal ka namin. Ikaw na lang ang naiwan sa akin. Kaya mahal na mahal kita alam mo yan. Kaya ayaw kung magdusa ka anak " nag aalala na wika nito.

Ngumite naman ako dito.

" Mom it's ok. Alam mo naman ang rason ko kung bakit pumayag ako dito diba? " tanong ko dito.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon